Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Nagbabagang Luha co-stars reveal stand on cheating, infidelity

by Bernie V. Franco
Jul 29, 2021
Nagbabagang Luha lead stars Glaiza de Castro and Rayver Cruz share their thoughts about cheating and infidelity.
PHOTO/S: GMA PR Photos

Nagkakaisa sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at ang co-stars nila sa Nagbabagang Luha na masakit ang maloko at mahirap nang ibalik ang tiwala kapag nangyari ito.

Ang Nagbabagang Luha ay ang upcoming afternoon drama series ng GMA-7 kung saan kasama rin sa cast sina Claire Castro, Royce Cabrera, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, at Gina Alajar.

Isa sa pangunahing isyung tinatalakay sa serye ay ang pagtataksil. Sa kuwento, sinulot ng karakter ni Claire ang boyfriend (Rayver) ng kanyang ate (Glaiza).

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa cast: ano ang opinyon nila sa pagtataksil, at naranasan na ba nila ito sa totoong buhay?

GLAIZA DE CASTRO

Ayon kay Glaiza, masakit ang pagtaksilan, lalo kung malapit sa puso ang gumawa nito sa iyo.

“Kung nangyari sa akin ‘yon, hindi ko talaga kakayanin. Lalo na kung ang nag-cheat sa iyo ay kapatid mo, mas masakit ‘yon.

“Minsan mas nakaka-frustrate at mas nakakalungkot kapag may nasaktan, sinaktan ka na tao.

Continue reading below ↓

“Pero mas masakit 'yon kung kamag-anak mo, kung malapit na malapit sa puso mo,” saad ng Kapuso actress.

RAYVER CRUZ

Para naman kay Rayver, mahirap nang isalba ang relasyon kapag nangyari ang panloloko.

Aniya, “Parang isa siyang problema na mag-i-stay forever.

“Pag nangyari ‘yon sa totoong buhay, parang kasama mo na ‘yan hanggang sa mawala ka sa mundo.

“And kahit na anong subukan mo para ibalik ang dati, hindi na siya puwedeng mabawi pa.

“Kailangan pag-isipan lahat ng gagawin mo, kasi one mistake lang, lalo na sa isang relasyon, very, very hard, e.

“Kumbaga, nag-crack na yung window, hinihintay mo na lang na mabasag. Parang ganun siya.”

MIKE TAN

Sang-ayon si Mike sa pahayag ni Rayver.

Saad niya, “Sa isang pagkakamali lang, mahirap nang ibalik yung original na relationship niyo, e.

“Lagi nilang sinasabi you forgive and forget. No, no... that’s not gonna happen easily.

“Kasi, especially pag nag-cheat ka o nag-cheat sa iyo, hindi madaling makalimutan ‘yon, kasi tatanim ‘yon hindi lang sa isip mo, pati sa puso mo.”

Continue reading below ↓

Dagdag ni Mike, “Grateful lang din ako na hindi pa siya nangyayari sa akin. Huwag naman din sana.

“May pamilya na ako at huwag ko rin gawin sa asawa ko. Huwag naman sana.

“And I’m always praying na walang temptations na dumating sa akin in the future.”

Continue reading below ↓

MYRTLE SARROSA

Aminado si Myrtle na naranasan na niyang maloko ng taong mahal niya sa totoong buhay, at alam niya kung gaano ito kabigat.

“Yung cheating talaga, it’s one of the things talaga that ruins yung buong relationship ninyo," sabi niya.

“It takes so much time for a relationship to build. Not just days, not just months, not just years.

“And then sa isang pagkakamali lang, you shatter that trust, at ang hirap hirap ibalik."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Myrtle, “Ako kasi, personally, hindi man inamin sa akin ng loved one ko prior to the past… Pero I’ve heard people na…

“Pparang I’ve heard it from someone else na sinabi sa ‘kin and dun talaga, dun mo mararanasan na when someone cheats on you, sobrang sakit niya.”

CLAIRE CASTRO

Maiksing paalala naman ni Claire: dapat gamitin ang isip.

“It ruins your self-esteem, how you view yourself. So, mag-isip-isip bago mag-cheat kasi possible po na dalhin sa future relationship ‘yon,” sabi ng newcomer na binigyan agad ng big break via Nagbabagang Luha.

Continue reading below ↓

ROYCE CABRERA

Katuwiran naman ni Royce, may isip ang isang tao para malaman nitong mali ang pagloloko sa relasyon.

“Sa pag-cheat, wala namang sapat na eksplanasyon para gawin ‘yon dahil mali talaga kahit saan mo tingnan ‘yon.

“Yung cheating is a choice, e. Binigyan tayo ng Ama na magkaroon tayo ng choice.

“Kung choice mong mag-cheat, e, di, choice mo na ring magkamali.”

Continue reading below ↓

GINA ALAJAR

Agree ang actress-director na si Gina sa pahayag na ito ni Royce.

Pahayag niya, “Cheating is always a decision. Kahit bata pa tayo, sa eskuwelahan natin, if we’re caught cheating, merong kaparusahan na katapat ‘yon.

“Cheating is betrayal.

"And in every part, kahit sa’n mo tingnan, cheating is cheating is cheating.

“Masakit para dun sa taong na-betray at dun na magsisimula yung lahat—yung mistrust. It affects the future relationships.”

Continue reading below ↓

Ang Nagbabagang Luha ay base sa 1988 film na parehong title. Pinagbidahan ito nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Gabby Concepcion, at Richard Gomez.

Magsisimula ang teleserye sa Lunes, August 2, pagkatapos ng Eat Bulaga.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbabagang Luha lead stars Glaiza de Castro and Rayver Cruz share their thoughts about cheating and infidelity.
PHOTO/S: GMA PR Photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results