Rayver Cruz on Gabby Concepcion: "Napakaperpekto niyang lalake"

by Rommel Gonzales
Aug 1, 2021
Rayver Cruz on reprising the role of veteran actor Gabby Concepcion in the 1998 movie Nagbabagang Luha for GMA-7's 2021 TV remake: "Napakaperpekto niyang lalake. Napakaguwapo talaga ni Kuya Gabby. Ibang level yun, e."
PHOTO/S: @rayvercruz on Instagram; Screen Grab from movie poster (inset)

Susunod si Rayver Cruz sa yapak ni Gabby Concepcion sa Nagbabagang Luha, ang bagong teleserye ng GMA-7.

Si Gabby ang unang gumanap bilang Alex Montaire, ang role na bibigyang-buhay naman ni Rayver ngayon.

Pero ayon kay Rayver, hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong makausap si Gabby tungkol sa pag-atake sa role.

Hindi rin niya pinanood ang 1988 film version ng Nagbabagang Luha na pinagbidahan nina Gabby, Lorna Tolentino, Richard Gomez, at Alice Dixson.

Paliwanag ng Kapuso actor, "Hindi ko pinanood kasi gusto ko yung iba yung ano, e. Baka kasi may tendency na magaya ko po mismo yung sa movie, so parang mas magiging raw po for me kung gagawin ko yung project.

"Na parang yung rendition naman na gagawin nila Direk Ricky [Davao] and Direk Phillip [Lazaro], so yun po yung kaya hindi ko na rin po siya... pero ngayon baka panoorin ko na rin po."

Dagdag pa ni Rayver, bukod sa baka magaya niya yung mga nangyari sa movie, baka raw pati "yung mga nuances or yung acting ni Kuya Gabby" ay magaya rin niya. Kaya umiiwas siyang mapanood ang film, "parang magkaiba lang po nang konti."

Continue reading below ↓

"Pero hindi ko kasi magagaya talaga sa kanya yung napakaperpekto niyang lalake, napakaguwapo talaga ni Kuya Gabby. Ibang level yun, e," at tumawa si Rayver.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver at ibang cast members at directors ng Nagbabagang Luha sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA nitong nakaraang July 22, 2021.

RAYVER ON WORKING WITH GLAIZA DE CASTRO

Puro papuri naman si Rayver sa co-star niyang si Glaiza de Castro. Sa galing daw ng actress ay challenging kapag kaeskena niya ito, lalo na sa mga madadramang eksena.

"Sobrang challenge! Tsaka sobrang humble niyan ni Glaiza, kasi kanina sinabi niya nahirapan daw siya. Kaya nag-iba yung hitsura ko kanina, kasi parang hindi naman siya nahihirapan," at muling tumawa si Rayver.

Dagdag pa niya, "Kagaya nga ng sinabi ni Direk Phillip para siyang 7-11. Kapag hiningi sa kanya yung kailangan, nandun na kaagad.

"So sobrang challenge siya for me kasi nga nung una, sinasabi ko nga lagi kay Glaiza na natatakot ako pag... nung una takot ako sa kanya. Takot ako na makaeksena siya and parang malapitan or makausap, kasi very intimidating kasi ang presence niya—very strong—as an actress and as a whole person.

Continue reading below ↓

"Pero nung nakasama ko siya sa lock-in, naging madali na ang lahat, kasi ang sarap kasama, napakabait, na parang one of the boys. Solid, solid si Galurz."

Glaiza Galura ang tunay na pangalan ng aktres.

Hanga din daw siya sa talent ni Glaiza.

"And yung acting very ano, sobrang lagi ko lang binibiro si Glaiza na sinasabi ko na, 'Ngayon, masasabi ko nang artista ako kasi nakaeksena kita.'

"Pero hindi biro yung Glaiza, kasi sobrang galing niya talaga. If not the best, one of the best sa generation namin, so very thankful ako na nandiyan siya.

"Kasi through her, nagiging madali yung lahat e, nagiging... kumbaga parang nadadamay ako sa lakas niyang umarte, so thank you Glaiza. Burger, burger lang ako," pagbibiro pa ni Rayver sa aktres na present din sa Zoom mediacon.

Kuwento pa ni Rayver, bukod sa panlilibre ni Glaiza ng hamburger during the lock-in taping ng kanilang bagong serye, namimigay raw ang aktres ng snacks.

Continue reading below ↓

Aniya, "Dami nga palang snacks, lagi niya akong binibigyan kasi alam na niya e, na automatic na hindi puwedeng isa lang sa akin, laging may dagdag, kasi alam niyang malakas akong kumain."

RAYVER ON LOCK-IN TAPING EXPERIENCE

Kapag bumalik na sa normal ang lahat at natapos na ang pandemya ng COVID-19, pabor ba si Rayver na ituloy ang lock-in o bubble taping? O gusto niyang ibalik sa dati ang proseso ng trabaho?

Lahad niya, "Well, part of me, to be honest, na nami-miss ko rin yung dati. Kasi siyempre nakaka-miss din naman yung dati na after mong magtrabaho uuwi ka, hihiga ka sa sarili mong kama and makikita mo yung mga tao sa bahay. Makaka-chill ka nang konti sa bahay mo bago matulog, tapos the next day yung taping.

"Pero para sa akin din kasi, kung ito yung kailangan para lang mas safe yung lahat and mapabilis tayong makabalik sa normal, go rin ako sa ganitong sitwasyon, kasi may mga perks din, e."

Continue reading below ↓

Isa sa perks na tinutukoy ni Rayver ay ang pagiging mas malapit ng buong cast at crew ng proyekto.

Paliwanag niya, "For me, parang mas nagiging pamilya mo talaga yung kasama mo dito, e. Mas nagiging close kayo, mas nagiging smooth sailing ang lahat. Kasi paggising mo nandiyan na siya, pag rest day mo nakakausap mo siya, nakakapag-bond kayo.

"Like kami ni Claire [Castro], kasi hindi rin naman biro yung mga eksena namin ni Claire, malaking bagay for me na nakakausap ko siya, lagi ko siyang nakikita everyday, so mas naging madali for me.

"Iba rin yung naging perks ng nagkasama kayo sa bubble, e. Iba yung camaraderie na napu-form, sa lahat ng group, hindi lang sa mga artista."

Bukod kina Rayver at Glaiza, tampok rin sa Nagbabagang Luha sina Mike Tan at Claire Castro.

Gaganap si Glaiza bilang Maria Theresa "Maita" Ignacio-Montaire, si Mike bilang Aidan "Bien" De Dios, at si Claire bilang Cielo Ignacio.

Continue reading below ↓

Kasama rin nila sina Gina Alajar bilang Calida Montaire, Allan Paule bilang Rafael "Paeng" Ignacio, Myrtle Sarrosa bilang Judy Enriquez, Royce Cabrera as Sherwin Enriquez, Archie Adamos bilang Levi De Dios, Karenina Haniel as Monina De Castro, Bryan Benedict at Ralph Noriega.

May cameo appearance dito si Ms. Jaclyn Jose na regular cast member ng umeere ding The World Between Us.

Ang 2021 TV version ng GMA-7 ng Nagbabagang Luha na mapapanood na simula sa Lunes, August 2 ay sa direksyon nina Ricky Davao at Phillip Lazaro.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on reprising the role of veteran actor Gabby Concepcion in the 1998 movie Nagbabagang Luha for GMA-7's 2021 TV remake: "Napakaperpekto niyang lalake. Napakaguwapo talaga ni Kuya Gabby. Ibang level yun, e."
PHOTO/S: @rayvercruz on Instagram; Screen Grab from movie poster (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results