Bianca Umali clueless when she was told, "Congratulations, ikaw na ang third wife"

by Rommel Gonzales
Jul 30, 2021
Bianca Umali plays Farrah, the third wife in GMA-7 series Legal Wives.
PHOTO/S: @bianxa on Instagram

Inilihim kay Bianca Umali ang pagkakapili sa kanya bilang third wife sa GMA-7 prime-time series Legal Wives.

Sa nakaraang Zoom mediacon para sa Legal Wives nitong July 19, 2021, ikinuwento ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng press kung paano siya sinabihan ng GMA tungkol sa kanyang latest project.

Aniya, "Noong sinabi po sa akin itong proyekto po na ito, wala po siya talagang... sinikreto po siya sa akin.

"In-announce po siya sa akin nung contract renewal ko po with GMA, with Artist Center, and together with sila Ms. Annette [Gozon] po, sila Ms. Tracy [Garcia) and LGR [Lilybeth Gomez-Rasonable], lahat po sila... after ko pong makapirma, sinabi po nila, 'Congratulations, ikaw na ang third wife.'"

Pero hindi agad naintindihan ni Bianca kung ano ang ibig sabihin nito.

Pagtuloy niya, "Nung sinabi po sa akin yun, honestly, hindi ko po agad naintindihan, na, 'Paano pong third wife?' 'Tsaka lang nila in-explain sa akin yung istorya at yung role, and no second thoughts at all.

Continue reading below ↓

"Masaya po ako and very thankful na napagkatiwalaan po ako again ng isa pang cultural drama, and I'm happy that after Sahaya, ito po yung ginawa ko and i'm proud of this."

BIANCA UMALI ON LEGAL WIVES

Kuwento ni Bianca, wala man siyang misconceptions tungkol sa Islam, wala rin siyang masyadong kaalaman tungkol sa buhay at kultura ng mga Maranaw Muslims.

Pag-amin niya, "Honestly po sa akin, sa buong buhay ko, so far, never naman po ako nagkaroon ng misconception about Islam, their culture or any other religion, but nung... I knew that it was something that was always sensitive and very controversial.

"Kaya nung natahak ko po itong journey ko bilang si Farrah sa Legal Wives, wala man pong na-correct na misconception sa akin, pero mas na-amaze po ako sa dami ng natutunan ko."

Sa Legal Wives, tatlo ang asawa ni Dennis Trillo, na siyang gumaganap bilang Ismael Makadatu.

Continue reading below ↓

Si Bianca ang third wife na si Farrah Balindong; si Andea Torres and second wife na si Diane San Luis; si Alice Dixson ang first wife na si Amirah Alonte.

Kung sa tunay na buhay, papayag ba si Bianca na mangyari sa kanya na maging isa sa mga legal na asawa ng. isang Muslim?

"Siguro kung... nakadepende po iyan sa kung gaano ko kamahal yung tao, and hindi po ako nagsasalita nang tapos. And kung in the future ay hindi po natin alam ay makapagmahal po ako ng Muslim, I might be willing to go that far.

"And depende rin po sa set-up, depende po... hindi ko po masabi, pero I know that it will be hard. Pero I think na if my heart will be willing by then and kung worth it naman po, bakit hindi."

May mga eksenang komprontahan sa pagitan ng tatlong legal wives sa serye, naranasan na ba ni Bianca sa tunay na buhay na may kinumpronta siya o siya ang kinumpronta?

Continue reading below ↓

"Wala pa naman po, walang intent... never pa naman akong nagkaroon ng intention na sadyain kong mang-confront.

"I think I wouldn't be din naman that person who would intentionally do that and attack someone.

"Ayun nga, kung puwede namang pag-usapan and kung hindi rin naman...depende po sa situation also, pero kung puwedeng daanin sa usap nang maayos, ayun, I would go for that as well."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali plays Farrah, the third wife in GMA-7 series Legal Wives.
PHOTO/S: @bianxa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results