Royce Cabrera no regrets doing daring roles; still willing to accept similar roles

by Bernie V. Franco
Jul 29, 2021
Royce Cabrera: "Aware naman ako na may mga ganung eksena, at buong loob kong tinanggap ‘yon at buong loob ko ring gagawin kung may dapat gawin para maganda yung karakter at yung istorya.”
PHOTO/S: @royce.cabrera on Instagram

Hindi raw pinagsisisihan ni Royce Cabrera na tinanggap niya ang mapangahas na papel sa kanyang previous projects.

Game na game si Royce sa laplapan, bed scenes, at nude scenes sa indie movie na Fuccbois noong 2019.

Nakailang proyekto rin siyang tumatalakay sa same-sex issue.

Unti-unti naman siyang nakakapasok sa mainstream TV hanggang sa pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Artist Center noong December 2020.

“Wala naman po [pagsisisi]. Kasi nung pinasok ko po itong mundo ng showbiz bilang aktor, trabaho ko po na gampanan ang mga karakter na ibinibigay sa akin,” sabi ni Royce nang matanong ng PEP.ph sa virtual presscon ng Nagbabagang Luha.

Kasama si Royce sa upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na tinatampukan din nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Claire Castro, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, at Gina Alajar.

Patuloy ni Royce, “So, kung ang ibinigay sa aking karakter ay ganito pong klaseng eksena para mabigyan, ma-justify ang karakter niya…

Continue reading below ↓

“So, ako, trabaho ko ‘yon, na gawin ang bagay na ‘yon, na gampanan ‘yon. Ma-justify yung story at yung karakter.”

Hindi rin daw siya pinilit na tanggapin ang mga mapangahas na karakter.

“Bago tanggapin ang isang karakter, may mga meeting naman. Parang may [concent] naman.

“So, dun pa lang naman, aware ka na.”

Hindi rin daw hihinto si Royce na gawin ang daring scenes kung sakaling kailangan ang mga ito sa isang proyekto.

Sabi niya, “So, aware naman ako na may mga ganung eksena, at buong loob kong tinanggap ‘yon at buong loob ko ring gagawin kung may dapat gawin para maganda yung karakter at yung istorya.”

Umingay ang indie movie niyang Fuccbois nang mag-viral ang laplapan scene nila ni Yayo Aguila.

Naging palaban din si Royce sa sex scenes nila ng kapwa aktor na sina Ricky Davao at Kokoy de Santos sa pelikulang iyon.

Bukod sa sex scenes ay nagkaroon din siya ng nude scenes.

Continue reading below ↓

Hindi rin natakot si Royce na gumanap sa BL (Boys Love) digital series na Quaranthings.

Naging third wheel din siya sa BL series na Ben X Jim, na pinangunahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Matapos pumirma sa talent management arm ng Kapuso network ay bumida na si Royce sa mga limited series at single episode projects sa ilang programa ng GMA-7.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera: "Aware naman ako na may mga ganung eksena, at buong loob kong tinanggap ‘yon at buong loob ko ring gagawin kung may dapat gawin para maganda yung karakter at yung istorya.”
PHOTO/S: @royce.cabrera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results