Sanya Lopez reveals mantra to stay grounded: "Tandaan mo, ito ka dati"

by Rose Garcia
Aug 1, 2021
Sanya Lopez, who is considered as one of GMA-7's leading ladies, has a mantra that reminds her to keep focused and stay grounded.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Sa pag-renew ng network contract ni Sanya Lopez sa GMA-7, maihahanay na siya sa mga big stars at A-listers ng Kapuso network.

“Sobra kong blessed,” simulang pahayag ni Sanya sa online mediacon na idinaos sa kanyang contract signing noong July 29, 2021.

Ayon pa kay Sanya, “Sabi ko nga kanina, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pumipirma. Hindi ko alam kung nae-excite ba ko or sobra lang talaga yung saya, yung nararamdaman ko.

“Kasi dito ko talaga nararamdaman na, totoo naman po yun, pinapahalagahan ka ng GMA Network, at alam nila na meron silang plano para sa iyo.

"So pati yung nararamdaman ko, nandoon ako sa kailangan ko talagang galingan pa at ayokong masira ang tiwala na ibinigay nila para sa akin.”

SANYA ON STAYING GROUNDED

Kahit na maraming magagandang nangyayari sa career niya, sinisiguro naman ni Sanya na hindi siya maapektuhan o mababago ng kasikatan.

Sabi nga niya, “Talagang hindi ko po iniisip kung sino ako ngayon. Palagi ko pa rin sinasabi na, 'Ikaw pa rin si Shai. Ikaw pa rin si Shaira,' na 'Ito ka before.'

Continue reading below ↓

"Palagi ko pa rin nire-remind ang sarili ko na, 'Tandaan mo, ito ka dati, ganyan ka dati.'

“So gusto ko po na palagi kong nire-remind ang sarili ko na ganoon ako dati, para hindi lumaki ang ulo ko or magkaroon ako ng, ‘O, ganito na ako.’ At least ngayon, alam ko na kung paano ko iha-handle."

Pero hindi naman siya yung tipo na paaagrabiyado.

Dugtong ng dalaga, “At sabi nga ng manager ko sa akin, 'Yes, ganito ka dati, pero, siyempre, kailangan pa rin nating isipin kung tama pa bang gawin natin para sa iyo. Nilulugar lang natin.'”

Nagsimula si Sanya sa showbiz taong 2012. After three years, saka niya nakuha ang role na Danaya sa Encantadia na naging daan para magkarron siyang ng leading-lady status sa network.

Maraming artista na noong nagsisimula pa lang ay nagsabi at nangakong hindi magbabago, pero tila ay kasabay talaga ng pagsikat ang pagbabago.

Continue reading below ↓

Sa sarili niya, kung meron man, ano ang nakita niyang nagbago sa kanya?

“Minsan po, may nakikita akong nagbago… pero, iniisip ko na lang, ah sige, may karapatan naman na sila siguro,” natawang sabi niya.

“Pero ako po talaga, personally, ayoko pong mangyari sa akin kung ano man yung pagbabagong yun. Siguro kung magbabago man po ako, yung sa mas ikabubuti pa, mas ikagaganda ng lahat, ika nga, ikaaayos ng lahat."

Paminsan-minsan, in terms of mga projects, pag napapansin niyang below her expectations ang resulta, aminadong nagtatanong siya kung bakit ganoon ang nangyari.

Sa pagpapatuloy ng 24-year-old star, “Pero sometimes siguro po, tao lang naman din po ako or tayo na minsan, mapapansin ko na siguro po, ‘Ito lang ang ibinigay sa iyo.' Magtataka ka, 'Bakit kaya ito lang ang ibinigay sa iyo?'

"'Tapos iniisip ko na lang or lagi kong nire-remind ang sarili ko na, 'Dati nga wala ka namang ganito. Dati nga, ito lang ang sa iyo.' So, may ganoon din po.

Continue reading below ↓

“But, of course, palagi naman po akong inaalagaan at iniingatan ng GMA kaya yung mga ganoon po minsan, yung mga hindi nila tinanggap din, so yun po.

“Minsan po makakarating sa akin, 'tapos makakarating sa kanila… e, di pa naman po ako palasalita, so sila po talaga ang nauuna palagi.”

SANYA ON HAVING A SAY IN HER FUTURE PROJECTS

May “say” si Sanya sa ilang project o role na tingin niya ay puwedeng huwag na muna niyang gawin o tanggapin.

Ayon dito, “Meron naman po, meron naman po akong say pagdating sa ganoon po. Pero palagi naman pong sila muna. Pinakikinggan ko muna kung ano yung masasabi nila sa project na ito.

“And kapag naintindihan ko, sasabihin nila, 'Tatanggapin ba natin ito o hindi?' Kapag tinanggap nila, tatanungin ko kung bakit, kung anong reason nila bakit nila tinanggap yun. And kung alam ko naman pong tama, pumapayag rin naman po ako.”

Continue reading below ↓

Medyo nililimitahan lang niya ang masyadong pagpapa-sexy. Isa sa kinokonsider ni Sanya ay ang mga tagahanga niya raw na bata.

“Sa ngayon po, opo,” pag-amin niya.

“Pero kung maganda naman po ang story, why not? Kung maganda ang gagawin naming project, yes, why not po? Sabi ko nga po, basta maganda ang istorya, wala pong problema.”

SANYA'S WISH LIST OF FUTURE PROJECTS

Kahit na hindi si Sanya ang orihinal na actress na tatayong bida sa First Yaya, naging daan pa rin ang serye para mas makilala siya at mahalin ng mga manonood.

Kaya kung may susunod man siyang serye sa GMA-7, gusto sana ni Sanya na romantic comedy o romcom pa rin ang ibigay sa kanya.

“Siguro sa ngayon kasi, gusto ko pang i-explore itong romcom. Kasi ngayon lang ako nakagawa ng romcom talaga,” saad niya.

Kung mabibigyan rin ng pagkakataon, gusto rin niyang masubukan na maging isang superhero.

Dagdag ni Sanya, “Kasi sa Encantadia, apat naman kami. So gusto ko lang i-try kung paano kaya kung sa iyo na nakasalalay ang lahat?

Continue reading below ↓

“Gusto ko rin ng ganoon, superhero.”

At isa pa raw na karakter na gusto niyang magawa ay yung maging lesbian siya.

Ayon kay Sanya, “Gusto ko rin i-explore yung lesbian. Before, meron kasi akong ginawa pero pang-isang beses lang.

“So yun ang ginawa ko. Pero feeling ko, hinahanap ko rin na what if, ano kaya ang pakiramdam kapag pinartner ka naman sa babae? So natsa-challenge rin ako at gusto ko ang mga challenging roles din.”

Kung mabibigyan siya ng lesbian role, sino ang mga aktres na gusto niyang makasama sa project?

“Sinabi ko talaga before, gusto ko si Solenn [Heusaff],” lahad niya.

“Kasi wala lang, ang hot niya lang,” natawang sabi pa ni Sanya. "At saka feeling ko, kaya niyang kumonek agad sa akin din. So isa siya sa mga nakikita ko.”

Ang mga dati na rin gumanap sa GMA-7 na lesbian na sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos ay gusto rin daw niyang makasama o makapareha.

Continue reading below ↓

“Kasi napanood ko na sila, kaya parang, ‘What if sila naman ang i-partner sa akin?’ So, na-excite ako roon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez, who is considered as one of GMA-7's leading ladies, has a mantra that reminds her to keep focused and stay grounded.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results