ABS-CBN invests heavily on digital terrestrial television; launches "mahiwagang black box”

(L-R) ABS-CBN executives Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, and Carlo Katigbak join forces for the ceremonial switch-on of ABS-CBN TV Plus, more populary known as "mahiwagang black box."



Inilunsad na ang ABS-CBN TV Plus, ang digital box ng ABS-CBN na sasagot sa malabong reception ng mga telebisyon sa buong Metro Manila, ilang probinsiya sa Luzon at Metro Cebu.

Sa pangunguna nina ABS-CBN President Charo Santos-Concio, ABS-CBN Access Head Carlo Katigbak, at ABS-CBN Chairman Gabby Lopez III, pormal ng pinasinayaan ng tatlo ang paglulunsad ng naturang produkto nitong nakaraang Miyerkules, February 11, sa may ABS-CBN Compound.


“Digital terrestrial television (DTT) is a major investment for ABS-CBN, but it is actually investing in our fellow Filipinos. Naniniwala kaming ang inspirasyon at impormasyong dadalhin ng digital TV sa ating mga tahanan ay magbubukas ng mga bagong oportunidad sa bawat pamilyang Pilipino,” ayon sa ABS-CBN chairman na si Gabby Lopez III.

Nagbigay kasiyahan naman sa launch sina Jovit Baldivino at Piolo Pascual.

Dahil dito makakapanuod na nang mas klarong palabas sa telebisyon ang bibili ng TV plus o mas kilala sa tawag na “mahiwagang blackbox.”

Bukod sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports +Action, may apat pang libreng digital TV channels ang mapapanuod gamit ang digital box.

Ito ay ang CineMo, Yey!, Knowledge Channel, at DZMM TeleRadyo. Ang iba pang mga free-to-air channels ay maari ding mapapanuod gamit ang TV plus basta ang mga naturang istasyon ay may sarili nang digital transmitter.


Bukod dito, aabangan rin ang pinaplanong film library para sa mga manonood.


“Nakasara na kami ng deals sa pinakamalalaking film companies para makabuo ng film library ng Pinoy idols gaya nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Robin Padilla, Asian action films, at English movies para sa ating viewers. Nakakuha rin kami ng children’s entertainment programs mula sa Nickelodeon at iba pang studios,” sabi ni Leng Raymundo, ang head ng ABS-CBN Program Acquisitions and International Sales Distribution, na siyang namamahala sa pagkuha ng content para sa mga channel.

Mabibili ang ABS-CBN TV Plus sa mga appliance centers sa buong bansa sa halagang P2500.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN