Gabby Eigenmann says about Miguel Tanfelix and Bianca Umali: “They come to the set as individual actors."


Kung ikukumpara sa lahat ng mga teleseryeng ginawa niya, masasabi ni Gabby Eigenmann na pinaka-light ang primetime series niya ngayon na Once Upon A Kiss.
Ayon sa aktor na gumaganap na karakter na si Father Mads, “Okay naman, ako naman, wala naman akong reklamo sa trabaho ko. Basta kailangan ako, nandiyan ako.”
Sa Once Upon A Kiss, si Father Mads ay isang pari na galing South Africa na tagapayo ni Prince (played by Miguel Tanfelix). Pero, nabanggit din ni Gabby na babalik na rin ang karakter niya sa South Africa.
Sabi pa niya, “Nakakaaliw naman. Katulad nga ngayon, may bagong character na pumasok, si Pen Medina. Sabi nga niya, nakakaaliw naman ang character mo. From bakla na naging pari, range niya. It’s a breather.
“Kaya nga nagtataka ang lahat, bakit daw ang kapal-kapal ng balbas ko, hindi naman sa nilalayo ko sa Dading, pero siyempre, new character, new show, you have to look different, new approach and yun nga, hilamos din ulit ito, something different.
“Ngayon lang ako nag-pari,” natawang sabi pa niya.
Ngayon lang din niya nakasama sa serye ang mga bida rito na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Kumusta naman ang mga ito?
“Okay sila, they’re on their way there. Okay sila, very dedicated sa trabaho nila dahil they understand kung ano ang situwasyon nila. Siyempre, ine-expect nila, since loveteam sila, ‘di ba dapat, magkatuluyan sila, yung mga ganun.
“Hindi sila napi-pressure sa ganun.
“They come to the set as individual actors. But they are sweet. They maintain their characters even off-cam. Iba-iba kasi ang approach kapag nagkaka-characterization ka. Hindi sila bumibitaw. Kaya sabi ko sa kanila, at the end of the day, ang nagiging problema kasi, halimbawa, nagkatuluyan sila, paano kapag nag-away, paano kapag hindi nagkatuluyan, paano nila madadala ang character nila?
“Kaya what you see is what you get. Kung bigyan niyo man ng kahulugan.”
Madalas din daw siyang kausapin ng dalawa at hingan ng payo.
“Lalo na si Miguel,” saad naman ni Gabby.
“Siya nga ang may sabi sa akin...mahirap kapag nagkaroon ng relasyon kapag off-cam. Kasi nga, siyempre, darating yung point na kapag nagtampuhan. Sabi ko naman, you guys are still young.
“You just have to do your best sa trabaho ninyo. Kasi, sweet sila, e.”
Naitanong tuloy namin kay Gabby kung nakikita ba niya si Miguel bilang next Dingdong Dantes o next Gabby Eigenmann?
“They have a brighter future. Pero, I cannot compare. I cannot say he’s the next—definitely, they have a brighter future.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN