Ashley Ortega, Therese Malvar, Althea Ablan tiniyak na walang talbugan sa Magpakailanman

by Rommel Gonzales
Aug 14, 2021
Makakasama ni Ashley Ortega sa Magpakailanman sina Therese Malvar at Althea Ablan bilang mga nakababatang kapatid niya. Magpapatalbugan kaya ang tatlo sa pag-arte?
PHOTO/S: PR

Sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, August 14, 2021, sa bago nitong time slot at 7:15 p.m., bibigyang-buhay ni Ashley Ortega ang karakter ni Jessa, isang dalagang gagahasain ng kanyang sariling ama.

Makakasama ni Ashley sa episode sina Therese Malvar at Althea Ablan.

Pare-parehong magagaling umarte ang tatlo, hindi ba nagkaroon ng talbugan o sapawan?

Sagot ni Ashley, "Wala naman pong ganoong treatment sa aming mga artista. We work as a team.

"Nagbibigayan po kami sa isa’t-isa and we help each other.

"Bilang ang roles namin ay magkakapatid, we have to show our chemistry as siblings na nagmamahalan and nagtutulungan."

Halos ganoon rin ang sinabi ng award-winning actress na si Therese.

Aniya, "give and take" dapat.

Paliwang pa ni Therese, "Gaya po ng sinasabi ko lagi, team effort po talaga dapat kapag umaarte.

"Hindi ko po iniisip na kailangang lamangan ko yung kaeksena ko po dahil collaborative job po namin na gawing totoo ang eksena na nakaayon sa kuwento."

Continue reading below ↓

Samantala, inilarawan naman ni Althea sina Ashley, 22, at Therese, 20, bilang katrabaho.

Sabi ng 16-year-old star, "I've already worked with Ate Ashley Ortega and we all know na she’s a very good actress.

"Also Ate Therese Malvar na alam natin ang dami na niyang awards.

"Siyempre, happy ako na naka-work ko sila at wala namang patalbugan dahil we work as sisters talaga katulad ng characters namin."

MAGPAKAILANMAN EPISODE

Ano ang maipapayo ni Ashley sa mga kabataan na nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang ama? Ano ang dapat nilang gawin?

"The advice I can give them is to stay strong and never give up in life," ang sagot ni Ashley.

"Malalagpasan din nila yung mga pagsubok na iyan basta lagi lang po silang magdadasal sa Diyos at huwag na huwag po silang matakot humingi ng tulong sa tao especially kapag sila ay nakaka-experience ng abuse.

"Mayroon po silang karapatan para ipaglaban ang sarili nila."

Continue reading below ↓

Sa parte naman ni Althea, hindi raw dapat sarilinin ang mga ganitong pang-aabuso.

"Magsabi ka agad sa kung sino man ang puwedeng mapagsabihan at humingi ng tulong dahil hindi ito biro.

"At kapag itinago mo lang ito sa sarili mo, it just stays in your mind at maaapektuhan ang mental health mo.

"Kaya kapag nakaranas tayo ng mga bagay na hindi tama, dapat talaga tayo ay magsabi."

Halos ganoon rin ang payo ni Therese. Malaking bagay kasi kung nailalabas mo ang saloobin mo para makakuha ka ng tamang advice.

"Kung kaya ninyo, sana ay ikuwento ninyo kahit kanino yung nararanasan ninyo. Kaibigan man, nanay, titser, kapitbahay, o kung sino mang kakilala ninyo na kaya ninyong i-open up sa kanila.

"At sa mga tao din na may kakilala na nakararanas ng pang-aabuso, sana ay tulungan ninyo po sila sa sitwasyon nila."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makakasama ni Ashley Ortega sa Magpakailanman sina Therese Malvar at Althea Ablan bilang mga nakababatang kapatid niya. Magpapatalbugan kaya ang tatlo sa pag-arte?
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results