VIRAL: Ang paglunok ng aktor na gumanap na patay sa Wish Ko Lang

by James Patrick Anarcon
Aug 25, 2021
Patay, lumunok? Huli sa camera ang paglunok ng aktor na si Shido Roxas habang gumaganap na patay sa isang episode ng Wish Ko Lang!
PHOTO/S: Wish Ko Lang! (GMA-7)

Viral ngayon ang Wish Ko Lang!, isang GMA-7 Public Affairs anthology.

Ito ay dahil sa blooper na naganap sa eksena nina Christopher de Leon at Shido Roxas.

Sa nasabing episode na inere noong July 9, 2021, gumanap si Christopher bilang foster father ng karakater na ginampanan ni Vince Crisostomo.

Si Shido ang dating lover ni Christopher na nakabuntis ng ibang babae, na ginampanan naman ni Patricia Tumulak. Si Vince ang naging bunga nito.

Di kalaunan ay mamamatay ang karakter ni Shido dahil sa heart attack.

Sa eksena sa morgue, nagluksa ang karakter ni Christopher at umiyak sa harap ng bangkay ng character ni Shido.

Ang dapat sanang nakakaiyak na eksena ay naging sentro ng katatawanan sa social media nang may nakapansin na biglang lumunok ang dead character ni Shido, at nakuhanan ito ng camera!

Noong Linggo, August 22, nag-viral ang eksena nang i-post ito ng netizen na si @mhargzmontemang sa Twitter.

Continue reading below ↓

Caption niya sa tweet: "yung napalunok na yung patay sa haba ng eksena"

Sa ngayon ay mayroon nang 3.6K retweets at 31.1K likes.

May isang netizen ang bumatikos sa pagkaka-edit ng eksena dahil sana raw ay ibang anggulo na lang ang inilagay para hindi halatang lumunok si Shido.

Continue reading below ↓

Isa naman ang nakapansin ng similar blooper sa Netflix series Money Heist kung saan nakitang humihinga ang dapat sana ay patay nang character.

Binuhay naman ng isang netizen ang blooper sa ABS-CBN series na FPJ's Ang Probinsyano kung saan nahuli sa camera na nangulangot ang isang bit player na gumaganap na bangkay!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patay, lumunok? Huli sa camera ang paglunok ng aktor na si Shido Roxas habang gumaganap na patay sa isang episode ng Wish Ko Lang!
PHOTO/S: Wish Ko Lang! (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results