Sunshine Dizon on being a Kapamilya: "Parang hindi pa rin totoo minsan."

by James Patrick Anarcon
Sep 2, 2021
Sunshine Dizon to ABS-CBN: "Thank you, thank you for opening your house and welcoming me as a Kapamilya. Salamat po."
PHOTO/S: Marry Me, Marry You (ABS-CBN) / @m_sunshinedizon on Instagram

Aminado si Sunshine Dizon na kinikilig pa rin siya tuwing sinasabi niyang siya ay "Kapamilya."

Noong April 2021, ipinakilala si Sunshine bilang bagong Kapamilya. Ito ay matapos hindi ma-renew ang kanyang exclusive network contract sa GMA-7, kung saan namalagi siya ng 25 taon.

Ang kanyang unang proyekto sa ABS-CBN ay ang teleseryeng Marry Me, Marry You, na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Bukod sa kanyang teleserye, nagkasunud-sunod din ang naging appearances niya sa ABS-CBN.

Kabilang na rito ang guest hosting stint sa Magandang Buhay at guestings sa It's Showtime at ASAP Natin 'To.

Sa press conference ng Marry Me, Marry You na ginanap ngayong hapon, September 2, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta si Sunshine sa tuwing binabanggit niyang siya ay Kapamilya.

Nakangiting sagot ni Sunshine, "Nakakakilig. Kasing kilig nitong Marry Me, Marry You. Hahaha!"

Pero aminado si Sunshine na minsan ay hindi pa rin siya makapaniwalang nasa ibang tahanan na siya.

Continue reading below ↓

Sabi niya, "Parang hindi pa rin totoo minsan.

"Pero it’s just very heartwarming that they welcomed me with open arms and it’s a very good project."

Sa huli, nagpasalamat si Sunshine sa mainit na pagtanggap sa kanya ng ABS-CBN.

"Thank you, thank you for opening your house and welcoming me as a Kapamilya. Salamat po."

MAY-DECEMBER AFFAIR

Sa pagpasok ni Sunshine sa bagong tahanan, kakaibang role din ang ginagampanan niya sa teleseryeng Marry Me, Marry You, na mag-uumpisa na sa September 13.

Gumaganap siya bilang Paula, isa sa mga tita ni Camille (Janine Gutierrez).

Dahil may pagkakalog ang character ni Paula, nanganay si Sunshine sa comedy part ng role. Pero naging madali raw ito salamat sa kanyang co-star na si Cherry Pie Picache.

Kuwento ni Sunshine, "Kasi on our first day, we were throwing lines and napansin ni Miss Pie kung gaano ako kakulit in person, which people assume I'm so tahimik, I'm so serious.

Continue reading below ↓

"Sabi ni Ate Pie, 'Huwag ka nang umarte, ganyan ka na, itodo mo na iyan.

"Sabi ko, 'Talaga ba, Ate Pie, itotodo ko na lang iyong natural ko?' Okay, sige e, di hindi na lang ako aarte, itotodo ko na lang."

Bukod sa pagiging isa sa mga tita ni Camille, may sariling kuwento rin si Paula. Isa siyang hiwalay sa asawa (Joko Diaz) na mai-involve sa isang much younger man (Fino Herrera).

Banggit ng PEP.ph sa kanya, may ka-love team siya ulit dito.

Natatawang sagot ni Sunshine, "I know right! Hahaha! Haba ng hair ko, di ba?

"Hindi ako nakuntento kay Joko, humanap ako ng bagets, si Fino! Hahaha!"

Pero isa raw ito sa mga kaaaliwan sa role ni Sunshine dahil ngayon lang siya mai-involve sa isang May-December affair for a TV show.

"So, iyon iyong twist ng story ni Paula. We will see kung talagang true love ba ito dahil nga parang May-December love affair.

Continue reading below ↓

"But bagong bago nga iyan, kasi parang never ko pang na-play iyong May-December love affair, and that’s so exciting."

Masaya rin si Sunshine na makatrabaho si Fino Herrera bilang partner niya sa serye.

"I’m very happy to be working with Fino, he’s very professional and maalaga din on set.

"So, tingnan natin, magjo-Joko ba tayo, magpi-Fino. Kanino ba tayo kikiligin?"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon to ABS-CBN: "Thank you, thank you for opening your house and welcoming me as a Kapamilya. Salamat po."
PHOTO/S: Marry Me, Marry You (ABS-CBN) / @m_sunshinedizon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results