Is it possible for Sunshine Dizon and Fino Herrera to fall for each other despite their age gap?

by Jerry Olea
Sep 3, 2021
Sunshine Dizon on being paired with young actor Fino Herrera in Marry Me, Marry You: “Nairaos ko naman po! Dinaan ko lang po sa lande, chareng! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Dinaan ko na lang po sa patingin-tingin, sa ngiti at sa lahat-lahat na po.”
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube

Masayang-masaya si Sunshine Dizon, 38, na makatambal ang young actor na si Fino Herrera, 23, sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You.

“He’s very professional and maalaga din on set,” nakangiting sambit ni Sunshine sa mediacon nitong Setyembre 2, Huwebes.

Ano ang masasabi ni Fino sa papuri ni Sunshine sa kanya? Sa totoong buhay ay puwede bang ma-in love siya sa isang babaeng mas may edad sa kanya na kagaya ni Sunshine?

“Yes po. Bakit naman po hindi?” mabilis na tugon ni Fino, na ikinahiyaw ng co-stars nila na nasa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Nag-hair flip nang bonggang-bongga si Sunshine, at nagpatuloy si Fino, “Kasi, ano po, e, wala rin naman kasi sa edad 'yan. Age is just a number.

“So, yeah, why not? Why not?”

Lalong tumamis ang ngiti ni Sunshine, na tila lalong humaba ang hair. Nag-flip na naman ng hair ang aktres.

“Uy! Shampoo commercial!” bulalas ng host na si Robi Domingo.

Continue reading below ↓

“Di ba, ‘no? Haba ng hair! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Sunshine.


MAY-DECEMBER AFFAIR

Sa pelikulang Rainbow’s Sunset (MMFF 2018), ka-affair ni Sunshine ang young actor na si Albie Casiño. Kaya hindi si Fino ang una niyang ka-May-December.

“Ay, actually, oo nga, ‘no?! I forgot that, I’m so sorry,” pag-ayon ni Sunshine.

“Oo, yes, May-December din yun, pero parang hindi nag-flourish yung… di ba? Kasi, nagalit si Tito Tirso [Cruz III]. Nagalit yung kuya ko, kaya naghiwalay kami.”

Ang galing-galing ni Sunshine gumanap bilang isang babaeng nakikipag-ibigan sa isang lalaking di hamak na mas bata sa kanya.

Sa totoong buhay ba, if ever, keri niya iyon? O mahirap talagang mainlab sa mas bata sa panahon ng pandemya?

Kilig-kiligan at napahagikgik si Sunshine, “Alam mo, sa totoo lang… Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Kabadung-kabado ako nung mga unang eksena namin ni Fino. Di ba, Direk Jo [Saguin], alam mo 'yan?

Sobrang kinakabahan talaga ako. Kasi nga, I’m used to working with, you know, an actor of my age. Or older than me.

“Pero first time nga, ay! Second time na, sorry! Pero parang… yung… paano ko ba ie-explain?

“Yung sa Rainbow’s Sunset kasi, hindi ganun ka-intimate yung relationship namin ni Albie, e.

Continue reading below ↓

“Dito kay Fino, alam mo yung may… may stages na… parang nagkakitaan. ‘Uy! Pogi yun, cute siya!’ Ganyan.

“Tapos unti-unti maiinlab sila and then they get to know each other. And they connect. May ganung ano, e, may ganung lalim yung relationship ng characters.

“Ahhm, sa totoo lang, kinakabahan ako. Ako yung kinabahan nung mga unang araw. Parang… di ba, ‘no, Direk Jo?

“Nairaos ko naman po!” bulalas ni Sunshine sabay lugay muli ng buhok.

“Dinaan ko lang po sa lande, chareng! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Dinaan ko na lang po sa patingin-tingin, sa ngiti at sa lahat-lahat na po.”

LEADING MEN

Bago ang mediacon ay nag-special preview sa KTX ang mga unang episode ng Marry Me, Marry You. Ang ganda ng pagkakalatag ng kuwento.

Ang huhusay ng mga beteranang aktres na sina Sunshine, Vina Morales, Cherry Pie Picache, at Teresa Loyzaga. Sa kanilang galing, keri nilang magkapalit-palit ng karakter sa teleserye.

Continue reading below ↓

Sina Vina at Cherry Pie ay naitambal na sa mga aktor na mas bata talaga sa kanila.


Sunshine Dizon, Cherry Pie Picache, and Vina Morales play best friends in Marry Me, Marry You

Ang tanong… nakaramdam ba ng inggit sina Vina, Teresa, at Cherry Pie kay Sunshine dahil may ka-love interest itong Fino?

Continue reading below ↓

O kuntento na sila sa kani-kanyang ka-partner sa teleserye na sina Jett Pangan, Edu Manzano, at Lito Pimentel, respectively?

Natawa ang mga beteranang aktres. Napahawak si Teresa sa dibdib at napalunuk-lunok.

“Oo, naiinggit ako!” tili ni Cherry Pie, kaya lalong nagtawanan ang mga kapwa artista.

Parang maiiyak na si Vina sa pagtawa, “But… Well… sorry, sorry, Jett, ha?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Nagpasintabi si Cherry Pie, “With all due respect kay Mr. Edu Manzano and Mr. Lito Pimentel… Jake [Ejercito], hi!”

Tawanan at hiyawan na naman ang mga artista. Ang tamis-tamis din ng ngiti ng pogilicious na si Jake, na nag-flying kiss.

Humirit si Teresa, “Teka! Teka! Teka! Hindi pa naman tapos ang serye, bah! Puwede pang may mangyari!”

Siyempre, may kumontra agad dahil mag-iiba ang kuwento.

Pagbibiro pa ni Teresa, “Mag-iiba ang kuwento? Alam niyo naman, ang karakter ko dito… malay mo, ahasin ko pala siya, o?! Di ba?! Hindi natin alam!”

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Direk Dwein Ruedas-Baltazar, “Marami pong kuwento off cam.”

Pagdidiin ni Cherry Pie, “Ayun! Nasagot na nang tapat! Buong katotohanan!”

PACKAGE DEAL?

Sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang mga bida sa teleseryeng Marry Me, Marry You, na mapapanood umpisa Setyembre 13, Lunes ng 9:20 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Sasagutin ng teleserye ang tanong na, “Package deal nga ba ang pag-ibig kaya’t kailangan ding pakasalan ang pamilya at mga kaibigan ng taong minamahal?”

Maliban sa mga artistang nabanggit na, kasali sa cast ng Marry Me, Marry You sina Iana Bernardez, Joko Diaz, EJ Jallorina, Luis Vera Perez, Meanne Espinosa, Mariella Laurel, Adrian Lindayag, Keann Johnson, Analain Salvador, at Angelica Lao ng The Squad Plus.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon on being paired with young actor Fino Herrera in Marry Me, Marry You: “Nairaos ko naman po! Dinaan ko lang po sa lande, chareng! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Dinaan ko na lang po sa patingin-tingin, sa ngiti at sa lahat-lahat na po.”
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results