Janine Gutierrez recalls moment when she was just aspiring to work with Paulo Avelino in ABS-CBN

by Jerry Olea
Sep 4, 2021
Janine Gutierrez on convo with Paulo Avelino back in 2019: "Nagkukuwento siya na may gagawin siyang serye. Tapos, parang ako… 'O, baka puwede, ako na lang?’ Pero siyempre, at that time, joke pa lang, but medyo half-joke. I mean, I was really, really hoping to eventually work with Pau sa TV."
PHOTO/S: Marry Me, Marry You

Nagkatotoo ang dati-rati'y biruan lamang nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magkakatambal sila sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Kapuso star pa si Janine at Kapamilya star si Paulo nang syinuting nila ang pelikulang Ngayon Kaya noong 2019.

Napili ito bilang isa sa walong official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin sana noong Abril 11-21, 2020.

Dahil sa paglaganap ng COVID-19 pandemic—at pagpatupad ng community quarantine sa NCR mula noong Marso 15, 2020—at naudlot ang nasabing film fest.

Hanggang ngayon ay hindi pa ipinapalabas ang Ngayon Kaya.

Pero kuwento ni Janine, sa shooting pa lang ng pelikula ay pabiro siyang nag-volunteer na maging leading lady ni Paulo.

Balik-tanaw ni Janine, "Noong nagsusyuting pa po kami for our film, yung Ngayon Kaya, pinapag-usapan na din talaga namin na… Nagkukuwento siya na may gagawin siyang serye.

"Tapos, parang ako… 'O, baka puwede, ako na lang?’

“Pero siyempre, at that time, joke pa lang, but medyo half-joke. I mean, I was really, really hoping to eventually work with Pau sa TV."

Continue reading below ↓

Hindi raw akalain ni Janine na magkakatotoo iyon ngayong nasa bakuran na rin siya ng ABS-CBN.

Sa una niyang full-length teleserye bilang Kapamilya, ang Marry Me, Marry You, ay katambal niya si Paulo.

Masayang sabi pa ni Janine, "Kaya nung talagang nangyari ‘to, super-happy talaga ako! And naniniwala talaga ako na pag sinasabi mo sa universe, nagkakatotoo.

“So, I’m happy na nagkatotoo yung mga joke lang namin noon!”

Dahil nagkatrabaho na sa pelikula sina Janine at Paulo ay hindi na sila nailang nang magtambal sa teleserye.

"So, kilala ko na si Pau, and I was really excited to work with him in this setting,” kilig-kiligang lahad ni Janine.

“When we did the movie, talaga namang nakakakilig si Pau. So, I was really looking forward na kiligin ulit. Kiligin ulit!” paghagikgik pa ni Janine.

"I mean, it was really a fun experience so I knew that going into this, if there’s anyone that I want to start my ABS-CBN journey with, na it was really Pau."

Continue reading below ↓


PAULO FLATTERED TO BE JANINE'S FIRST PARTNER IN ABS-CBN

Nagpasalamat si Paulo kay Janine sa pag-asam ng aktres na makatuwang siya sa umpisa ng ABS-CBN journey nito.

Saad ni Paulo, “Nakakakilig din naman when someone wants to work with you. Kasi, marami pa talaga akong hindi nakakatrabaho.

“At kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko rin silang makatrabaho. Magkaroon man lang ng ibang experience with other people, especially in this industry.

Continue reading below ↓

"I’m very happy that I’m working with Janine now. And sana, hindi ito ang huli."

Pareho ng manager sina Janine at Paulo, si Leo Dominguez, kaya aware ang aktor sa mga kaganapan sa career ng aktres.

Inamin ni Paulo na noon pa man ay inaasam na rin niyang makatambal si Janine sa teleserye sakaling mag-over da bakod ito mula sa GMA-7.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

JANINE'S ABS-CBN JOURNEY

Enero 15, 2021 pumirma ng kontrata si Janine sa ABS-CBN matapos ang pagiging Kapuso ng sampung taon.

Pebrero 7 winelcome si Janine bilang bagong kapamilya ng ASAP Natin ‘To, kasabay sa pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng programa.

Mayo 8 ipinalabas ang Maalaala Mo Kaya episode ni Janine katambal si JM de Guzman.

Ang unang Kapamilya teleserye ni Janine na Marry Me, Marry You ay mapapanood umpisa Setyembre 13, Lunes ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Bago ginanap ang mediacon ng Marry Me, Marry You nitong Setyembre 2, Huwebes, nagkaroon ito ng special preview sa KTX.

Pinanood ito ni Janine at co-stars sa Dolphy Theater.

Ano ang pakiramdam ni Janine matapos mapanood ang first few episodes ng kanyang unang Kapamilya teleserye, at nakatakda na itong ipalabas?

"Excited! Excited," sambit ni Janine, na pagkatamis-tamis ng ngiti.

"Actually, ang saya-saya na nakapag-screening nga kami together. Kasi, nagawan ng paraan na sama-sama naming mapanood, at may big screen.

Continue reading below ↓

"So, sobrang saya! And ano, sabay-sabay kaming natatawa, naiiyak. So, excited ako na ma-experience din yun ng mga Kapamilya."

Ang sabi naman ng leading man ni Janine na si Paulo Avelino, "Nanginginig lang ako sa lamig na nandito ako, e! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Same po kay Janine."

Nasa special screening at mediacon din ang co-stars nila na sina Vina Morales, Sunshine Dizon, Cherry Pie Picache, Teresa Loyzaga, at Jake Ejercito.

Present din sina Iana Bernardez, Lito Pimentel, Joko Diaz, Jett Pangan, EJ Jallorina, Fino Herrera, Meanne Espinosa, Adrian Lindayag, Keann Johnson, at iba pa.


Continue reading below ↓

on lessonS about love

Sa trailer pa lang ng pelikulang Ngayon Kaya ay may kakaibang kilig na sa tambalan nina Janine at Paulo, kaya nakakatuwa na nagkatambal din sila sa teleserye.

May mga matututunang aral sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal ang mga manonood ng love story nina Camille (karakter ni Janine) at Andrei (karakter ni Paulo) sa Marry Me, Marry You.

Pahayag ni Paulo, “Ang isang pinaka-lesson na pwede mong matutunan dito…pag ikakasal ka, hindi lang yung tao ang pakakasalan mo kundi pati yung pamilya niya.

“Maybe it wouldn’t work the way you want, pero people would always appreciate effort to appease, para maligawan mo rin yung mga minamahal niya sa buhay.

“Kasi, kung mahal mo yung tao, pati yung mga minamahal niya, parang… kasama na yun. Kasama mong mamahalin.”

Napatango si Janine, “Yun din po sana ang sasabihin ko. Bakit?! Totoo!” sabay tapik nang mahina kay Paulo.

Pagpapatuloy ni Janine, “Hindi! Kasi, parang, ako, bilang isang babae, isa sa mga pinaka naa-appreciate ko, is kapag nililigawan din yung pamilya ko.

Continue reading below ↓

"And especially yung nanay ko. Yung makuha mo yung approval ng nanay ko. E, si Camille, tatlo pa yung nanay.

"So, yun talaga yung alam ko na totoo din sa totoong buhay. Kailangan talaga, mahalin din yung pamilya mo.”

STORY OF MARRY ME, MARRY YOU

Good vibes at kilig ang hatid ng tambalang JaPau (Janine + Paulo) sa Marry Me, Marry You.

Continue reading below ↓

Sa istorya, masayahin si Camille (Janine Gutierrez) sa piling ng kanyang tatlong ninang na sina Elvie (Cherry Pie Picache), Marvi (Vina Morales), at Paula (Sunshine Dizon).

Kinupkop siya ng mga ito at itinuring na anak pagkatapos pumanaw ang sarili niyang ina.

Tutuparin nina Elvie, Marvi, at Paula ang pangako nilang alagaan si Camille sa kabila ng kani-kanyang mga problema sa pamilya at pag-ibig.

Iba ang nakaugalian ng masungit at mayamang negosyanteng si Andrei (Paulo Avelino).

Sanay si Andrei na nag-iisa at isinasantabi ng kanyang istriktong ama (Edu Manzano) at madrastang si Laviña (Teresa Loyzaga).

Dahil lumaki sa isang broken family, hirap si Andrei na magtiwala at maghanap ng taong makakarelasyon nang matagal. Pagtatagpuin sina Andrei at Camille ng isang aksidente.

Hindi agad magkakasundo ang dalawa. Sa paglipas ng panahon, unti-unti silang magkakamabutihan. Magiging pagsubok sa kanilang relasyon ang mga mahal nila sa buhay.

Madidiskubre nila ang isang sikreto. Manggugulo rin sa kanilang pag-iibigan ang best friend ni Andrei na si Cedric (Jake Ejercito), maging ang ex-girlfriend ni Andrei na si Patricia (Iana Bernardez).

Continue reading below ↓

Paano lalagpasan nina Andrei at Camille ang problema ng kanilang mga pamilya?


HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on convo with Paulo Avelino back in 2019: "Nagkukuwento siya na may gagawin siyang serye. Tapos, parang ako… 'O, baka puwede, ako na lang?’ Pero siyempre, at that time, joke pa lang, but medyo half-joke. I mean, I was really, really hoping to eventually work with Pau sa TV."
PHOTO/S: Marry Me, Marry You
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results