Kelvin Miranda admits to confessing his love to a teacher in high school

by Rommel Gonzales
Sep 11, 2021
Kelvin Miranda on confessing his love to a teacher in high school: "Sobrang impulsive ko talaga."
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram

Isang pilyo, astig, pasaway, at maangas na estudyante ang papel ni Kelvin Miranda sa dalawang Kapuso shows.

Bukod sa fresh episode ng Magpakailanman sa Sabado, ika-11 ng Setyembre 2021, gaganap din si Kelvin bilang si Marcus sa Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

Ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): Anong klaseng estudyante si Kelvin sa tunay na buhay?

"Ah dito lang po tayo sa totoo. Hindi naman po ako ipokrito para sabihin ko na matino akong estudyante. Well, nag-aaral naman po akong mabuti pero parang mas ginaganahan akong mag-aral kapagka yung work hard, play hard, kumbaga.

"As in kung lumalabas kami ng mga kaibigan ko, kailangan pagdating sa eskuwela babawiin ko yun kahit ako mag-suffer kasi ginusto ko yung gawain, e.

"May mga ganung times pero maaga rin akong nagsawa sa ganung stage kasi hindi ko talaga siya kayang lifestyle, hindi siya para sa akin, napapagod ako."

Masasabi ba niyang malapit ang kanyang dalawang role sa Kelvin na estudyante sa totoong buhay?

Continue reading below ↓

"So parang medyo, medyo may ganun, naka-relate ako sa ibang part, pero hindi sa kabuuan ng pagiging luku-loko po."

Ano ang masasabi niyang pinaka-naughty o pinakapilyo niyang ginawa bilang estudyante?

"Iyon ang relatable ako, kasi... sa teacher po," at tumawa si Kelvin.

Sa Loving Miss Bridgette kasi ay magkakaroon si Marcus ng relasyon sa kanyang teacher na si Bridgette, na gagampanan naman ni Beauty Gonzales.

Umamin si Kelvin na sa tunay na buhay, naranasan na niyang magkagusto sa kanyang teacher.

"Parang, impulsive po, kasi may pagkaganun akong klase ng tao nung high school, sobrang impulsive ko talaga. So hindi ko mapigilan yung mga nararamdaman ko, sinasabi ko talaga siya. Actually may ganun pa rin naman ako ngayon pero nabawas-bawasan na.

"Pero kasi nung high school ako, nasabi ko po sa teacher ko yun, as in na may gusto ako sa kanya."

Ang isinagot raw ng kanyang teacher ay hindi puwede.

Continue reading below ↓

"Pero in a nice way niya naman po sinabi, na hindi talaga magwo-work."

Lagi raw siyang present at ganado sa klase ng naturang teacher.

"Motivated ako kapag siya yung nagtuturo."

KELVIN ON MISSING SCHOOL EXPERIENCE

Dahil sa dalawang role niya bilang estudyante, may mga eksena si Kelvin na naka-uniporme siya at nasa loob ng eskuwelahan.

Ayon sa Kapuso star, nami-miss na niya ang pumasok sa school, na hindi niya magawa ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

"Ang pinaka nami-miss ko po kasi sa pagpasok sa eskuwela, yung gigising ka, mag-e-effort ka to prepare para sa school, yung magsusuot ka ng uniform, makikisalamuha ka sa mga kaklase mo, yun ang pinakagusto ko."

May pagkakaiba rin ang face-to-face classes sa online learning.

"'Tapos yung teachers, iba rin kasi yung learnings, ng physical, kesa sa online. Which is kadalasan yung nakikita kong mga nag-o-online, natutulog lang sila kasi hindi kagana-gana.

"Which is nasa kuwarto o nasa bahay relaxed ka, wala sa utak mo na nag-aaral ka.

Continue reading below ↓

"May mga ganung perspective akong naririnig kaya hindi sila natututo. Tinatamad sila."

Iba raw ang pakiramdam kapag talagang pumapasok ka sa school.

Pagpatuloy niya, "Pero kasi pag nasa school ka, may ganun din namang senaryo, natutulog, pero obligado kang mag-aral kasi naka-uniform ka.

"Nakikita mo yung mga kaklase mo sa tabi mo, so alam mong nasa eskuwelahan ka. Mas ganado kang mag-aral. Mas naiintindihan mo pa kasi nga, mas malinaw. Which is ngayon, yung struggle mo is yung Internet na kinakaharap ng lahat ng nag-o-online study.

"So sana talaga matapos na yung pandemic para din sa mga bagong henerasyon, na makapag-aral mabuti at hindi mapabayaan ang edukasyon."

Incoming college student si Kelvin.

"Balak ko pong mag-enroll, tuma-timing lang po."

Culinary course ang balak niyang kunin.

"Bata pa lang po ako mahilig na akong magluto at masaya po akong nagluluto para sa mga tao."

kelvin on netflix milestone

Noong 2019, pinagbidahan ni Kelvin ang pelikulang Dead Kids, na naging pinakaunang Filipino film na ipinalabas sa Netflix.

Continue reading below ↓

Ngayon, marami-rami na ring pelikula mula sa Pilipinas ang ipinalalabas sa naturang streaming site.

Ano ang masasabi ni Kelvin na ang pelikula niya ang maituturing na nagbukas ng pinto ng Netflix para sa mga Pilipino?

"Siyempre po sobrang nakakatuwa dahil naging parte po ako ng history, at nakakatuwa rin na nagbukas ng maraming pintuan para sa kapwa natin Pilipino sa mga manggagawa ng pelikula.

"Masaya po ako dun na nabigyan tayo ng chance na makapsok sa isang international platform."

May bagong pelikula raw si Kelvin na isa muling Netflix Originals.

Unang mapapanood si Kelvin bilang si Kim sa Magpakailanman episode na "Pasaway na Iskolar" sa Sabado, September 11. Kasama niya rito sina Rita Avila bilang Nanay Cecilia, Prince Clemente bilang Jun, at Sophia Senoron bilang Marian. Ang episode ay sa direksyon ni Zig Dulay, sa panulat ni Loi Argel Nova, at pananaliksik ni Stanley Pabilona.

Samantala, ang Stories from The Heart: Loving Miss Bridgette (directed by Adolf Alix, Jr.) ay mapapanood na simula sa Lunes, September 15, 3:25 pm pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA.

Continue reading below ↓

Bukod kina Kelvin at Beauty, tampok rin dito sina Bing Loyzaga, Lloyd Samartino, Noel Colet, Tart Carlos at sina Pamela Primster, Shanicka Arganda, Nikko Co at Adrian Alandy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on confessing his love to a teacher in high school: "Sobrang impulsive ko talaga."
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results