GMA-7's Art Angel goes viral following Blue's Clues closure

by James Patrick Anarcon
Sep 11, 2021
On the heels of Blue's Clues and its host Steve Burns "closure," a fan of GMA-7's show Art Angel says, "Pia Arcangel at Kuya Tonipet Gaba, kailangan din namin ng closure."
PHOTO/S: Art Angel / Blue's Clues

Viral ngayon ang children's art show ng GMA-7 na Art Angel dahil sa nangyaring "closure" sa Blue's Clues at ng host nitong si Steve Burns.

Matatandaang noong September 8, 2021, nag-viral ang video ni Steve kung saan ipinaliwanag niya ang rason ng kanyang pag-alis sa Blue's Clues, at ito ay para bumalik sa pag-aaral.

Maraming Pinoy na lumaki sa Blue's Clues ang naka-relate. Bukod kasi sa umere ito sa Nickolodeon na available sa cable TV, naipalabas din ito noon sa GMA-7.

Ayon sa Pinoy fans, nagsilbing closure ito para sa biglaang pagkawala ni Steve sa show.

Siyempre, hindi rin pahuhuli ang Philippine TV sa pagkakaroon ng iconic children's program, at ito na nga ang Art Angel.

Ang Art Angel ay isang art show na ipinapalabas tuwing Sabado ng umaga sa GMA-7 kung saan sina Pia Arcangel at Tonipet Gaba ang hosts.

Noong 2010, umalis si Pia sa show at pinalitan ni Roxanne Barcelo, na kinilala bilang Ate Anne.

Continue reading below ↓

May 2021 nang nagpaalam ang show sa ere.

Sa Facebook post ng netizen na si Alex Joshua, tila na-inspire ito sa posts tungkol sa "closure" kay Steve.

Sabi ni Alex sa kanyang post, "Pia Arcangel at Kuya Tonipet Gaba, kailangan din namin ng closure."

Mukhang laking Art Angel si Alex at gumamit ito ng hashtag na "#BatangArtAngel"

Sa ngayon ay mayroong 46K reacts ang post ni Alex.

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Tonipet sa post ni Alex sa ngalan din ni Pia.

Saad ni Tonipet sa comments section,"Walang closure dahil ang Art Angel ay habambuhay. Sending our love to all our Batang Art Angels everywhere! Hugging everyone right now…"

Sa ngayon ay napapanood si Tonipet bilang host ng Gtv program na Pop Talk habang si Pia naman ay host ng Tunay na Buhay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On the heels of Blue's Clues and its host Steve Burns "closure," a fan of GMA-7's show Art Angel says, "Pia Arcangel at Kuya Tonipet Gaba, kailangan din namin ng closure."
PHOTO/S: Art Angel / Blue's Clues
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results