Beauty Gonzalez explains how she relates to role of older woman falling for younger man

by Rose Garcia
Sep 12, 2021
beauty gonzalez, kelvin miranda
Beauty Gonzalez on leading man Kelvin Miranda: “Ito ang pinaka-baby boy ko na leading man."
PHOTO/S: @beauty_gonzalez, @iamkelvinmiranda Instagram

Sa totoong buhay, ang bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez ang isa sa makakapagpatunay sa katotohanan ng kasabihang “age doesn’t matter” dahil siya at ang kanyang mister na si Norman Crisologo ay 25 taon ang agwat ng edad.

Bilang isang artista naman, sa unang serye ni Beauty sa GMA-7, ang Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette magkakaroon naman siya ng relasyon sa malaki rin ang agwat ng edad sa kanya, pero mas bata naman.

Natatawang sabi nga ni Beauty sa ginanap na online mediacon ng naturang serye, ngayon lang daw siya nagkaroon ng ‘bagets’ na leading man.

“Ito ang pinaka-baby boy ko na leading man,” natawang sabi niya.

“Sobrang taas ng energy, alam niyo naman ang mga bagets, di ba? Sobrang taas talaga ng energy ni Kelvin.

“It’s very nakakatuwa, it’s very infectious. Nakakahawa yung energy niya sa taping. I admire him kasi, he’s very eager to go to work. So nakikita ko ang sarili ko sa kanya and he makes me grounded na parang I have so much to learn pa rin.

Continue reading below ↓

"Kahit bata, matanda yung partner ko, ang dami ko pa rin matututunan sa kanilang lahat, sa kanya, especially sa kanya.”

Hindi rin daw niya akalain ang nakita niyang chemistry pala sa kanilang dalawa ni Kelvin.

“Na-surprise nga ako na we have a beautiful chemistry together.”

BEAUTY RELATES TO BRIDGETTE

Ginagampanan ni Beauty ang isang guidance counselor na magkakaroon ng relasyon sa estudyante, na ginagampanan naman ni Kelvin.

“Well, Bridgette is very hopeful,” saad niya. “Yun ang nakita ko na nakaka-relate ako sa kanya. She always sees the good things in everyone, sa lahat ng nangyayari sa buhay niya.

“So do’n ako nakaka-relate sa kanya. Pero pagdating sa younger relationship, hindi pa ‘ko nakaka-experience in my life.”

Pero inamin ni Beauty na marami rin daw nanligaw sa kanyang mas bata sa kanya.

“Maraming nanligaw sa akin dati, pero natatawa lang kasi ako,” sabi niya.

“I mean, kinikilig ako, pero hindi ko siya na-try.”

Continue reading below ↓

BEAUTY AS A KAPUSO SO FAR

Sa isang banda, halos tatlong buwan pa lamang na Kapuso si Beauty. Pero ayon dito, pakiramdam daw niya, matagal na siya sa network.

“Actually hindi ko na alam kung ilang months, feeling ko matagal na ‘kong Kapuso. Kasi sobrang welcoming nilang lahat. Sobrang bait nila.

“Sabi ko nga, I feel so privileged na there’s a good company who trusts me like GMA, with my capacity and who believes in me.

"Nakaka-ganadong ibigay ko ang lahat ng best ko para sa kanila.”

Sabi pa niya, “The script is so beautiful kaya excited ako every day to go to work. And the director really helped a lot.

"Everyone—staff, crew makes me feel at home, makes me feel comfortable to work.

“Yung mga kasama kong actors din, sobrang babait nilang lahat. Actually, it was an easy-smooth one month na taping.”

Natutuwa rin niyang ibinalita na naging safe nga raw silang lahat sa lock-in taping at walang nag-positibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

“I’m very happy to say na walang nag-positive sa aming lahat. Natapos namin yung show na buo, on time, and I’m very proud of this group and I hope to work with them soon.”

Ang Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette ay magsisimula nang mapanood simula sa Lunes, September 13 sa GMA Afternoon Prime.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on leading man Kelvin Miranda: “Ito ang pinaka-baby boy ko na leading man."
PHOTO/S: @beauty_gonzalez, @iamkelvinmiranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results