Kelvin Miranda twice fell for older women

by Rose Garcia
Sep 12, 2021
kelvin miranda
Kelvin Miranda on falling in love with older women: “Na-try ko siya pero hindi nag-work. Pero, na-try ko po.”
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda Instagram

Hindi itinanggi ng Kapuso star na si Kelvin Miranda na naranasan na niyang magkaroon ng relasyon sa mas matanda o mas mature sa kanya.

Pero ayon sa kanya, hindi rin daw talaga nag-work.

“Na-experience ko na po, siguro twice,” pag-amin ni Kelvin sa ginanap na online mediacon ng bago niyang serye, ang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

“Pero hindi lang natutuloy kasi mahirap. Mahirap talagang i-reach yung expectation ng dalawang pinanggalingan.

“Which is, kahit ayaw nating mangyari at gusto lang nating intindihin ang pagmamahalan, marami pa rin kayong kailangang intindihin sa magkabilang panig.

“So mahirap mag-work. Siguro yung gano’ng klaseng pagmamahalan na may malaking diperensiya sa edad, siguro sobrang lalim ng understanding nila, sobrang laki ng pinanghahawakan at tiwala nila sa isa’t isa.”

Pagbibigay diin pa niya, “Na-try ko siya pero hindi nag-work. Pero, na-try ko po.”

ON OLDER WOMEN FALLING FOR YOUNGER MEN

Sa karakter na ginagampanan niya sa bagong serye sa GMA Afternoon Prime na magsisimula na sa September 14, katambal niya si Beauty Gonzalez.

Continue reading below ↓

Estudyante-Guidance Counselor na nagkagusto sa isa’t isa ang mga karakter nila.

At hindi raw naniniwala si Kelvin sa nosyon na mas tila katanggap-tanggap na mas matanda ang lalaki sa babae kesa sa ang babae ang mas matanda sa lalaki sa isang relasyon.

“Ang opinyon ko po rito, halos pareho lang,” saad niya.

“Ang nangyayari, mas nadya-judge lang ang babae dahil mas mataas naman po talaga ang expectation natin sa mga kababaihan. Lalo na pagdating sa pagrespeto.

“Well kadalasan, hindi naman din sinisiraan ko ang mga kalalakihan, pero mas madalas na nakikitaan ng kamalian ang mga kalalakihan kesa sa mga kababaihan.

Sabi pa niya, “Kaya siguro mas nagkakaroon ng kritisismo sa mga kababaihan lalo na kapag na-in love siya sa mas bata sa kanya, e. Mas marami siyang judgment na matatanggap kumpara sa mas matanda na lalaki kesa sa babae.”

THANKFUL FOR BEING BEAUTY'S FIRST

Nagpapasalamat naman daw si Kelvin na siya ang binigyan ng tiwala ng GMA-7 na maging unang leading man ni Beauty sa unang proyekto ng aktres bilang Kapuso.

Continue reading below ↓

Ayon kay Kelvin, “Sobrang thankful lang ako dahil siyempre, de-kalibre naman talaga si Beauty pagdating sa pag-arte. Talagang ipapakita niya ang taglay niyang galing pagdating sa pagganap.

“So nakaka-inspire na every day, nakakatrabaho ko siya, e. Panibagong knowledge ang natutunan ko pagdating sa pang-araw-araw na nakakatrabaho ko siya.

“Kasi iba-iba.”

Dugtong pa ni Kelvin, “Iba-ibang atake, iba-ibang insights, iba-ibang perspective, iba-iba ang naririnig ko.

"Hindi lang kay Beauty, sa lahat ng cast. Kay Miss Bing [Loyzaga] na talagang gina-guide ako. Sa mga staff and crew, sa mga nakakakuwentuhan ko sa set.

“So sobrang thankful and grateful ko na ako ang binigyan ng chance or opportunity.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on falling in love with older women: “Na-try ko siya pero hindi nag-work. Pero, na-try ko po.”
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results