Rayver Cruz says GMA-7 unleashed his true potential; wants to work with Kyline Alcantara

by Rose Garcia
Sep 13, 2021
Rayver Cruz on why he won't consider transferring to another TV network: "I’m really happy with my Kapuso network, in GMA. So, parang kung may ibang offer man siguro, mag-stay at mag-stay muna ko sa GMA." When asked about Kapuso actresses he wants to work with, he mentioned All-Out Sundays co-host Kyline Alcantara.
PHOTO/S: @rayvercruz / @itskylinealcantara Instagram

Pagkatapos ng tatlong taon mula nang lumipat bilang isang Kapuso ang aktor na si Rayver Cruz, muli siyang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA Network.

Para kay Rayver, isang "fulfilling journey" ang pagiging Kapuso kaya hindi niya naiisip ang posibilidad na lumipat ng istasyon.

May isang Kapuso kasing nababalitang lilipat ng ABS-CBN.

Kaya kahit kaka-renew lang ni Rayver ng kontrata sa GMA Network, tinanong namin siya kung sakaling dumating ang araw na may offer sa kanya ang ibang TV network.

Ano ang magiging konsiderasyon niya para manatiling isang Kapuso at hindi iwan ang GMA-7?

Sagot ni Rayver, "Alam mo, to even consider yung ganung thoughts, parang malayo pa siya sa pag-iisip ko ngayon.

"I’m really happy with my Kapuso network, in GMA. So, parang kung may ibang offer man siguro, mag-stay at mag-stay muna ako sa GMA."

Sabay natatawang komento niya, "Gusto ko yung question na kakapirma ko pa lang, ganyan na yung question!"

Continue reading below ↓

Nilinaw naman naming kung sakaling dumating yung ganung situwasyon at kung ano ang babalikan niya bilang Kapuso na hindi pala nito makakayang iwan.

Paliwanag ni Rayver, "For one, nilabas nila yung best ko. In-unleash nila ang true potential ko.

"In a way, kahit ang tagal ko na sa industry, nakaya ko pala, and tumatak sa akin yun.

"Yun ang pinaka nagustuhan ko at napamahal sa akin ang GMA network."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Rayver noong Huwebes, September 9.

ON HOSTING AND PERFORMING

Ayon kay Rayver, lumawak ang mga bagay na maaari niyang gawin bilang artist sa GMA-7.

"Siguro for me, yung highlight, na-unleash nila ang iba ko pang capabilities na kaya kong gawin. Nilabas nila at ipinapakita rin nila sa mga viewers na kaya ko rin gawin.

"Like, for instance, yung pagkanta ko sa All-Out Sundays, and hindi ko rin ine-expect na puwede pala akong maging host ng The Clash.

Continue reading below ↓

"Ang galing lang din ng GMA na noong nakita nila, kinapitalize nila and trinain nila at binigyan nila ako ng mga projects na talagang mati-train yung skills na hindi ko napapamalas noon, na ngayon ay nagagawa ko na nang husto."

Dahil sa Kapuso network, buo na raw ang kumpiyansa niya ngayon bilang isang TV host.

"I can say now that I’m really confident about it. Yung mga una, as I was saying nga, talagang noong binigyan nila ako ng hosting project, yun talagang sobrang kabado ako.

"Kasi, alam ko sa sarili ko na kaya ko, pero nandun yung doubt kasi. 'Paano ba ‘to? Paano yung ganyan?' Kasi, hindi ko naman ‘to ginagawa, di ba?

"Pero nahasa nang husto dahil sa The Clash. At binibigyan din nila ako ng ibang job kahit hindi sa TV, mga job na hosting din para masanay nang husto."

Sabi pa niya, "Masaya. Iba ang confidence level ko ngayon pagdating sa hosting. Parang alam ko na kayang-kaya ko na."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

MOVIE WITH JULIE ANNE SAN JOSE

Nabanggit din ni Rayver na bago magkaroon ng pandemic, may ginagawa silang pelikula ni Julie Anne San Jose sa GMA Films.

Aniya, "Na-stop lang dahil nga sa pandemic. Pero yun, excited na ulit akong bumalik at gumawa ng pelikula kung meron man."

May posibilidad pa ring maituloy nila ang shooting para rito.

Saad ni Rayver, "I think so, marami na rin kaming nakulang, e. Parang halfway na rin. Tsine-check na lang din nila kung kailan puwedeng mag-resume.”

Kung sa unang kontrata niya bilang isang Kapuso ay nailabas ang kanyang husay sa paghu-host, ano naman ang gusto niyang magawa pa ngayong pumirma uli siya sa GMA?

Sagot niya, "Marami pa akong gustong gawin talaga and the possibilities na gumawa ng mga project is limitless talaga.

"Yun naman ang pagtitiwala ko sa management ko, sa GMA Artist Center. Alam nila kung saan ako ilalagay, alam nila kung saan ako dapat dalhin, kung ano yung track ko as an artist.

Continue reading below ↓

"Pero siguro, for one thing, gusto kong ma-recognize pa siguro yung sa music side ko.

"Kasi sayang din, e. Alam ko sa sarili ko na makakakanta ako.

"Para proud din sa akin ang mga Cruz."

RAYVER WANTS TO WORK WITH KYLINE, HEART

Tila matagal naman bago nakaisip si Rayver kung sino sa mga Kapuso actress ang gusto pa niyang makapareha.

"Kahit sinong Kapuso actress, suwerte ako na maging ka-partner sila,” nakangiting sabi niya.

Pero sa pagpilit namin sa kanyang magbanggit ng gusto niyang makasama o makatambal pa sa mga Kapuso star, sinabi niya ang mga pangalan nina Kyline Alcantara at Heart Evangelista.

"Ang bata!" natatawang hirit ni Rayver ukol kay Kyline.

Si Rayver ay 32, habang si Kyline ay 19, at si Heart ay 36.

Dagdag niya, "Si Ky, gusto kong makatrabaho si Ky kasi close kami. Kaso ang bata, ‘no? Nakakatawa.

"Pero sa malapit sa age ko, siguro si Heart. Gusto kong makatrabaho si Heart."

Continue reading below ↓

NAGBABAGANG LUHA

Samantala, masaya raw si Rayver sa mga natatanggap niyang feedback sa GMA afternoon drama series na Nagbabagang Luha.

Sa kuwento, ang tunay na mahal ni Rayver ay si Glaiza de Castro. Pero pilit siyang hinahabol ng nakababatang kapatid nito na si Claire Castro.

Ayon kay Rayver, "Sobrang gandang tumingin ng Twitter ngayon, sa mga social media. Kasi, affected talaga sila sa mga nangyayari sa story, e.

"May mga naiinis, may mga naiinis na pa-cute, alam mo yun? Talagang affected sila at nakatutok sila.

"Yun ang nakakatuwa dun, updated talaga sila sa lahat ng nangyayari sa show.

"And sa Twitter, palaging nagti-trend yung hashtags namin."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on why he won't consider transferring to another TV network: "I’m really happy with my Kapuso network, in GMA. So, parang kung may ibang offer man siguro, mag-stay at mag-stay muna ko sa GMA." When asked about Kapuso actresses he wants to work with, he mentioned All-Out Sundays co-host Kyline Alcantara.
PHOTO/S: @rayvercruz / @itskylinealcantara Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results