Maine Mendoza in stitches after tossing her mic in Eat Bulaga!

by James Patrick Anarcon
Sep 13, 2021
Maine Mendoza literally does a "mic drop" on Eat Bulaga!
PHOTO/S: Eat Bulaga! (GMA-7)

Isa na namang funny blooper ang nagawa ni Maine Mendoza sa isang live episode ng Eat Bulaga!

Nangyari ito noong September 9, 2021, kung saan gumagawa si Maine ng makukulit na dance steps sa "Cash Landing On You" segment ng programa.

Guest noon si Jeffrey Santos, ang aktor na kapatid ni Judy Ann Santos at bayaw ng Eat Bulaga! host na si Ryan Agoncillo.

Kasama sa game ang pagbato ng host pataas ng isang balloon para pumutok ito pag lumanding sa sahig at malaman kung ano ang premyong laman ng lobo.

Maine Mendoza

Continue reading below ↓

Subalit tila na-carried away si Maine sa saya ng kanyang pagsasayaw na hindi lang lobo ang kanyang naibato kung hindi pati ang kanyang mikropono!

Maine Mendoza

Napa-"Ay!" sa nangyari si Maine, pati na rin ang kanyang co-hosts na sina MJ Lastimosa at Jose Manalo.

Iniwasan naman ni Maine na malaglagan ng mic at tawa nang tawa habang hindi makapaniwala sa nangyari!

Continue reading below ↓

Agad namang kinuha ni MJ ang mic at inabot kay Maine na tawa pa rin nang tawa.

Nang makuha ni Maine ang mikropono niya ay agad siyang nag-sorry.

Maine Mendoza

Sabi ni Maine habang natatawa, "Sorry, nadala ako!"

Biro ni Jose, "Hindi pa nabibigay iyong premyo, cash advance na agad! Iyan ang tinatawag na salary deduction."

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Maine, "Pasensiya na po! Kasalanan ko!"

MAINE ANSWERS TWEET ABOUT MIC DROP

Sabi ng Eat Bulaga! Twitter page, literal na mic drop daw talaga ang nagawa ni Maine sa mikropono niya!

Ni-retweet din ni Maine ang isang tweet sa kanya ng netizen tungkol sa kanyang ginawang "mic drop."

Continue reading below ↓

Sagot ni Maine dito, "Ano yun? Diba usapan lobo lang? Bakit sinama yung mic? Sorry po talaga @EatBulaga……"

Marami namang fans ni Maine ang naaliw sa nangyaring ito. Narito ang kanilang tweets:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza literally does a "mic drop" on Eat Bulaga!
PHOTO/S: Eat Bulaga! (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results