Brenda Mage "confronts" Bea Alonzo in TBATS over his loss in "Miss Q and A"

by Bernie V. Franco
Sep 15, 2021
Bea Alonzo (left) was put on the hot seat when comedian Brenda Mage asked her if she had anything to do with his loss when he joined a gay contest in It's Showtime some two years ago. Brenda was a contestant while Bea was one of the judges.
PHOTO/S: GMA 7 / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Hindi pinalampas ni Brenda Mage ang pagkikita nila ni Bea Alonzo sa episode ng Kapuso late-night talk show na The Boobay And Tekla Show (TBATS) na umere noong Linggo, September 12, 2021.

Si Bea ang main guest, habang si Brenda ay isa sa mga guest comedian sa episode ng show nina Boobay at Super Tekla.

Parehong dating Kapamilya sina Bea at Brenda.

Sa nasabing TBATS episode, panandaliang iniba ni Brenda ang usapan na naka-focus kay Bea.

Inilabas ni Brenda ang kinikimkim daw niyang “sama ng loob” kay Bea noong nasa bakuran pa sila ng ABS-CBN.

Biro ni Brenda, may kinalaman daw ba si Bea sa pagkatalo niya sa "Miss Q and A" dalawang taon na ang nakalilipas?

Ang "Miss Q and A" ay gay contest sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Usisa ni Brenda kay Bea: “May tanong lang ako. Maiba naman tayo. Kasi natalo ako dati sa 'Miss Q and A,' siya yung isa sa judge, ikaw ba yung nag…?"

Continue reading below ↓

Biro pa ni Brenda: “Hanggang ngayon hindi ako maka-move on kasi…”

Kitang hindi inasahan ni Bea ang birong ito mula kay Brenda kaya napahalakhak na lang ang aktres.

Hirit ng TBATS host na si Boobay: “May sama ng loob nung nasa kabila siya.”

Sundot ni Tekla kay Brenda: “Siya ba yung judge noon?"

Sagot ni Brenda: “Isa siya [Bea] sa mga judge at parang nakita ko talaga yung score niya, parang 'zero' ang nilagay.

“Parang until now, parang gusto kong bugbugin si Dominic [Roque] talaga,” pagtukoy ni Brenda sa boyfriend ni Bea.

“Ah, e,” pagsakay na lang ni Bea sa pagpapatawa ni Brenda, na sinundan ng tawa ng bagong Kapuso actress.

BRENDA AND BEA ON “MISS Q AND A”

Unang nakilala si Brenda nang maging grand finalist siya sa "Miss Q and A."

Ginanap ang grand finals ng "Miss Q and A" sa Araneta Coliseum noong February 23, 2019.

Isa sa mga judge noon ay si Bea; kasama sina Charo Santos-Concio, Maymay Entrata, Boy Abunda, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Karylle, Ricci Rivero, Joel Cruz, Nicole Cordoves, at James Reid.

Ang nanalo noon ay si Mitch Montecarlo Suansane.

Nang sumalang na si Brenda para sa question-and-answer portion, makikita pang aliw na aliw at natawa si Bea sa mga punchline ni Brenda.

Bagamat hindi nanalo si Brenda, nabigyan naman siya ng break sa mga programa ng ABS-CBN, kabilang na ang Maalaala Mo Kaya, at naging sidekick siya ni Jodi Sta. Maria sa teleseryeng Ang Sa 'Yo ay Akin (2020-2021).

Nakasama rin sa mga pelikula si Brenda bilang comic relief.

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (left) was put on the hot seat when comedian Brenda Mage asked her if she had anything to do with his loss when he joined a gay contest in It's Showtime some two years ago. Brenda was a contestant while Bea was one of the judges.
PHOTO/S: GMA 7 / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results