Inigo Pascual to co-star with Oscar winner Susan Sarandon in Fox musical drama Monarch

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2021
Filipino singer-actor Inigo Pascual is set to make his Hollywood debut via Fox's musical drama Monarch, where he will play the talented and sensitive adopted grandson of the Queen of Country Music, played by Oscar winner Susan Sarandon.
PHOTO/S: @inigopascual on Instagram

Noong September 14 ang 24th birthday ni Inigo Pascual.

Perfect gift sa kanyang kaarawan ang announcement na isa siya sa mga bida ng Monarch, ang upcoming musical drama ng Fox.

Gagampanan ni Inigo sa Monarch ang karakter ni Ace Grayson, ang talented at sensitive adopted grandson ng Queen of Country Music na si Cantrell Roman na bibigyang-buhay ng American actress at Academy Award winner na si Susan Sarandon.

Tungkol sa unang pamilya ng country music sa Amerika na gagawin ang lahat para hindi mawala ang paghahari at ang kanilang itinatag na music dynasty ang kuwento ng Monarch.

Pagsasalarawan ng Fox sa role ni Inigo, isa siyang phenomenal singer na nangangarap maging country star tulad ng kanyang adoptive grandfather pero maraming pagsubok ang kanyang pagdaraanan.

Binigyan si Inigo ng importansiya sa mga publicity ng announcement ng kanyang partisipasyon sa Monarch.

Binanggit naman sa report ng Dateline ang mga achievement ni Inigo bilang singer at songwriter sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Nakasaad dito: “Hollywood newcomer Pascual has made a splash in the Philippines’ music scene with his self-titled debut album reaching the #1 spot in the Billboard Philippines chart.

“He dropped his sophomore album, Options, in June. He most recently made a cameo in Netflix’s Jo Koy: In His Elements.

“He is repped by Authentic Talent & Literary Management, Cornerstone Entertainment and Goodman, Genow, Schenkman, Smelkinson & Christopher.”


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Nakatakda sa January 30, 2022 ang pilot telecast ng Monarch na mapapanood pagkatapos ng NFC Championship game. Sa February 1 ang airing ng second episode nito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino singer-actor Inigo Pascual is set to make his Hollywood debut via Fox's musical drama Monarch, where he will play the talented and sensitive adopted grandson of the Queen of Country Music, played by Oscar winner Susan Sarandon.
PHOTO/S: @inigopascual on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results