Carla Abellana may pre-wedding jitters; sa lock-in taping naghahanda for wedding

by Rommel Gonzales
Sep 25, 2021
Sa October 23, 2021 ang pandemic wedding nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram

Sa nalalapit na kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa October 23, 2021 sa Tagaytay, aminado ang bride na nakakaramdam siya ng pre-wedding jitters.

"Okay naman po," ang sabi niya tungkol sa preparations, saka niya inaming, "May mga times na nakakatakot, minsan natatakot po ako parang, 'Ano ba ito?'

"Pero hindi naman to the point of course po na parang nagdadalawang-isip or anything."

In a way, nakakatulong ang mindset ng kanyang character sa upcoming series niya sa GMA-7 ang nalalapit niyang pag-aasawa.

Ang kuwento ng aktres, "I play the role of Erica Gatchalian sa To Have And To Hold. She is a devoted, selfless wife. Makikita niyo, maliit lang ang kanyang circle, maliit lang ang kanyang family. It's really just her her husband Tony and ang kanyang mother, si Vicky.

"Si Erica is from a broken family—in a way, anak siya sa labas. So to her, family is everything, and gagawin niya ang lahat para buo pa din ang pamilya niya.

Continue reading below ↓

"Hindi siya papayag na basta-basta na lang masisira ito."

Marami raw takeaways for married couples ang To Have and To Hold, na pagbibidahan rin nina Rocco Nacino bilang Gavin Ramirez at Max Collins bilang Dmonique Ramirez.

Saad ni Carla, "Pero maganda siya kasi andami kong lessons. I don't necessarily identify myself sa tatlong characters nina Gavin, Dominique, at Erica pero may nakukuha po ako from all of them.

"Sa bawat isa po sa kanila may nakukuha po ako, may napupulot akong lesson, and, in a way, I can somehow imagine myself being in their situation na napapatanong po talaga ako sa sarili ko.

"But then again, iba po iyan kapag iyon nga, kasal na, kapag mapasok ko man ang ganung sitwasyon, huwag naman po sana, knock on wood.

"Pero yes, basically, it's not just about infidelity or mistakes, it's about, you know, protecting your family, your loved ones, fighting for your husband or your wife, and forgiveness.

Continue reading below ↓

"So madaming lessons for married couples po."

CARLA AND TOM'S WEDDING PREPARATIONS

Habang naka-lock in taping si Carla sa To Have And To Hold ay sabay rin na inaasikaso nila ni Tom ang mga preparasyon para sa kanilang kasal.

Hindi raw ito madali, pero medyo naging advantage na may pandemic kaya ang mga mettings ay puro virtual.

"Mahirap po siyang ipagsabay pero kailangan pong gawin. When we announced our engagement last Marc,h akala po namin, e, matututukan talaga namin yung wedding planning.

"Pero yun nga po, talagang andaming medyo nasagasaan po in terms of schedule which is okay naman o kasi maaga-aga pa naman by that time.

"Thankfully dahil din po pandemic, e, karamihan po ng meetings talagang via Zoom ngayon po or oline, so everything's virtual.

"So kaya naman po. There are some things na hindi po talaga kayang gawin while being at lock-in, pero mostly kinaya naman pong ipagsabay."

Continue reading below ↓

Kasama raw sa daily routine niya sa lock-in taping ang wedding planning.

"Ang ginagawa ko po is in between scenes or kapag po lunch break or kapag dinner break dun po ako nagsisingit ng mga wedding planning whether it's a meeting with our coordinator or ina-update ko po yung, let's say yung suppliers or guest list.

"So kaya naman po and time management lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa Zoom mediacon ng serye nitong Martes, September 21.

Sa direksiyon ni Don Michael Perez, mapapanood na ito simula sa Lunes, September 27, sa GMA Telebabad.

Kasama rin sa To Have And To Hold sina Luis Hontiveros bilang Daryl, si Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet, at Ina Feleo bilang Quel. May special participation dito si Rafael Rosell bilang Tony Gatchalian.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa October 23, 2021 ang pandemic wedding nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results