Ogie Alcasid sits as one of the judges in "Pinoy Idol"


Singer-songwriter Ogie Alcasid (left) along with Jolina Magdangal (middle) and Wyngard Tracy (right) screen aspiring contestants all over the country to find the first Pinoy Idol.


Pagod man, masaya ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa ginagawa niyang pagdya-judge sa ongoing audition ng Pinoy Idol nationwide. Tulad na nga lang nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie, dire-diretso raw siya from Cebu to SOP at sa promotion nila sa Showbiz Central kahapon, February 10.



Bilang isa sa mga judge ng Pinoy Idol, kasama nina Jolina Magdangal at Wyngard Tracy, nakasalalay muna sa kanila kung sino ang posibleng maging Pinoy Idol. Dadaan kasi sa kanilang tatlo ang lahat ng contestants at sila ang pipili kung sino ang makakapasok bilang finalists.

Sa palagay kaya ni Ogie ay mas mahihigitan ng magiging winner ng Pinoy Idol ang mga nakaraang winners ng singing search ng GMA-7, ang Pinoy Pop Superstar? Hindi naging ganun kainit ang pagtanggap ng publiko sa mga past winners ng Pinoy Pop Superstar gaya nina Jonalyn Viray, Gerald Santos, at Maricris Garcia.



"Well, ang gusto kong mangyari, kung sinuman ang mapili ng... Ultimately, ang tao ang pipili niyan, hindi naman kami. So kung sino ang manalo, gusto ko na hindi lang after the contest siya sumikat. Kailangan after that, maging superstar, maging soldout ang concerts. Maging platinum artist siya.



"That's why we're really taking our judging seriously. We really want to look for someone na hindi lang kami ang may gusto, pero kapag ini-introduce mo na sa tao at ini-endorse mo na sa mga kaibigan, ‘Eto ang ating Pinoy Idol!'" pahayag ni Ogie.



Tinitingnan niya rin ba ang sarili niya sa mga nag-o-audition?



"Hindi," mabilis niyang sagot. "Hindi ko tinitingnan kung ano yung kagaya ng meron ako. Ang tinitingnan ko, yung kanilang tindig, musicality, personality, yung appeal nila. Tinitingnan ko talaga ‘yon."



Bakit niya tinanggap ang Pinoy Idol, na ayon na rin sa kanya ay napakatindi ng work load niya?



Paliwanag ni Ogie, "Unang-una, fan ako ng American Idol. Pangalawa, I think, it's also my way of giving back to the young kids what I have had in my career. I feel very blessed. I feel to be able to meet someone na I think will do well in his career, I could probably do that kahit in small way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paano sila nagkakasundo nina Jolina at Wyngard in terms of their choices?



"Actually, hindi kami pare-pareho ng gusto," pag-amin ni Ogie. "Nagkakataon na nagkakapareho kami, pero madalas hindi. I think, yung sa puntong ‘yon, mas maganda ‘yon dahil minsan, nagkakaroon kami ng discussion. Nade-defend namin ang talent, nade-defend namin ang choice namin."



Posible kayang may magalit sa kanya with the way he judge the contestants?



"Bakit naman sila maiinis?" tanong niya. "Opinyon ko lang naman ‘yon. Hindi naman nangangahulugan na yung opinion ko, tama... As long as you're honest with what you say.

"Tulad ng American Idol, wala ka namang kakainisan sa tatlo [Simon Cowell, Randy Jackson, and Paula Abdul]. Yung iba, inis kay Simon, kasi honest lang siya. Pero sa totoo lang, siya ang sikat!"



Sinasabi niya bang si Simon ang pinakagusto niya sa tatlong judges ng American Idol?



"Siya ang gusto ko," sagot niya. "Well, I like the three, pero siyempre, kailangang may isang mangibabaw. And I think sa aming tatlo, it's really Wyngard Tracy! Because Wyngard can really be direct to the point, frank. Kami [ni Jolina], hindi ganoon. Sasabihin ko lang how it is, pero hindi ko naman lalaitin yung tao like, ‘Alam mo, wala kang talent!' Hindi ko naman gagawin ‘yon. So, sa amin, si Wyngard, kayang-kaya niyang gawin ‘yon."

REGINE'S RUMORED TRANSFER. Sa ibang balita, matunog na pinag-uusapan ang sinasabing negotiation between Ogie's girlfriend, Regine Velasquez, and ABS-CBN. Ayon sa usap-usapan, may plano na raw lumipat ang Asia's Songbird mula sa Kapuso network papuntang Kapamilya network. Sinasabi ring kahit out in the open na ang relationship nina Regine at Ogie, it won't matter daw dahil wala namang say si Ogie sa career ng girlfriend.



Ano ang masasabi ni Ogie rito?



"That's true!" pagsang-ayon ni Ogie. "That's true na wala naman talaga akong kinalaman sa career ni Regine. Oo, we give advices, pero hindi kami yung nakikialam. Susuportahan lang namin ang isa't isa, pero hanggang ganoon lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano ang masasabi niya sa isyung paglipat ni Regine?



"I don't think I'm the best person to answer," pag-iwas ni Ogie. "Kasi I don't want to act as if ako ang sasagot niyan. Dapat si Regine at hindi ako. Kasi nahihiya rin naman ako kay Regine. Nahihiya rin naman ako sa manager niya [Cacai Velasquez].



"I don't think it's right for me to answer that. In the same manner na kung tatanungin nila si Regine, totoo ba si Ogie gagawa ng pelikula sa ganyan? Ano'ng malay naman ni Regine, di ba?" paliwanag niya.



Natawa na lang si Ogie when we told him na may article na lumabas dito sa PEP na kung saka-sakaling lilipat daw si Regine ng network ay paraan na raw ito ng ABS-CBN para "durugin" ang SOP. Ang SOP ang musical variety show sa GMA-7 nina Regine at Ogie kasama nina Janno Gibbs at Jaya.



"Gagawin ba ni Regine ‘yon?" natatawang tanong ni Ogie. "Ano ba naman...gagawin ba ‘yon ni Regine? Hindi naman gagawin ni Regine ‘yon. I think yung mga tungkol sa ganyang bagay, I think you should really ask Regine."



Ayon kay Ogie, hindi raw niya iniisip ngayon yung mga bagay tulad ng magiging magkaiba sila ng network na pinagtatrabahuhan ni Regine. Ang alam lang daw niya, tuloy pa rin ang movie na pagtatambalan nila sa GMA Films, ang Love is Blind and Deaf.



"Tuloy, tuloy pa rin siya," diin ni Ogie. "Nag-pre-production sila last week, kaso wala ako. Nag-concert ako. Hindi na lang maayos ang shooting sked. Nag-usap na ang Viva at saka ang GMA as of last week... Pero alam mo naman ang mga ganyan, siyempre hangga't hindi kayo nagsu-shooting..."



Tinanong din namain si Ogie kung nao-offend siya sa mga komento kay Regine na "mataba" raw ito kung kaya't sa SOP kahapon ay pinatayo niya ang Asia's Songbird para ipakita sa lahat na hindi naman mataba ang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman ako na-offend," paglilinaw niya. "I just find... I don't know what the fascination is about a person. Kasi, nakita mo ba? Sa palagay mo, mataba ba siya?



"Sa akin, naaawa ako sa tao. Hindi na nga kumakain halos. Aaminin ko, there was a time na tumaba siya. Kasi galing kami ng bakasyon. Pero ngayon, pumayat na ang tao, sinasabihan pa na mataba. Naano naman ako..." pagtatanggol ni Ogie kay Regine.



Ano naman ang masasabi niya sa sinasabing pagtaba raw ni Regine ay ang kakambal na intrigang buntis na kasi ito?

"Asus!" naiiling at natatawa niyang sabi. "Kung totoo man ‘yon, definitely aaminin ko ‘yon. Magiging masaya pa ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN