Does Kaye Abad have a gap with co-star Erich Gonzales?

Kaye Abad (in photo) says about Two Wives co-star Erich Gonzales: “We’re friends but, hindi kami close."




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Hindi itinago ni Kaye Abad ang matinding kaba niya nang malaman niya na sa halip na pang-hapong serye ng ABS-CBN ay biglang inilagay sa primetime ang Two Wives nang magbukas ito noong 2014.
Pero extended na ang Two Wives at patuloy na sinusubaybayan ng karamihan. Nagkaroon ng “Two Wives Pasasalamat” sa Market Market noong Linggo ng gabi, February 15, at doon pa lang, makikita na ang naging mainit na pagtanggap sa kanilang serye at sa mga karakter nina Kaye at Erich Gonzales.
Meron talaga, Team Yvonne (played by Kaye) at Team Janine (played by Erich).
Hindi raw inaakala ni Kaye na mangyayari pa rin pala sa kanya ang mga narararanasan ngayon sa career niya.
“Masaya ko, kasi, hindi ko talaga ine-expect na mangyayari pa ito sa akin, sa edad kong ito. Sa rami ng mga bata ngayon. May KathNiel, may JulQuen, may Liza Soberano, Janella [Salvador].
“Ang dami na nilang mga bata, hindi ko talaga ine-expect na mangyayari pa sa akin ‘to. So, thankful at mas thankful pa na sinuportahan ng mga tao. Nag-hit naman.”
Dugtong pa ni Kaye, “Sobrang kabado talaga kami ni Jason [Abalos] kasi, si Erich lang ang may pangalan sa amin sa primetime. Pang-hapon kaming madalas ni Jason. We weren’t expecting na kakagatin siya sa primetime. Lalo na yung oras namin, yun ang super late na.
“Sobrang thankful talaga,” nakangiti niyang sabi.
Magaganda ang mga komento sa kanya lalo na sa social media sa kung paano niya inaatake ang karakter niya bilang si Yvonne.
Parang bigla nga raw nilang naaalala na Tabing Ilog days pa lang nila, mahusay na siyang umarte.
“Hindi naman,” nahihiyang sabi niya.
“Tsamba lang,” natatawang sabi pa rin niya.
“Siyempre, I give my all, my everything sa trabaho. Yun na nga, tulad ng sinasabi ko, hindi ko na ine-expect na bibigyan pa ko ng ganitong break. So, might as well na ipakita mo naman na worth it ka ng ibinigay nila sa ‘yo.
“And this is what I want to do din naman, siguro yun lang, nagkataon, ‘di ba?”
Nadadala sa kanila ang manonood. Pare-pareho naman silang wala pang mga asawa, pero, parang “effortless” ang pag-arte nila.
“Talaga ba?” nakangiting tanong ni Kaye.
“Kami kasi ni Abalos, matagal na kaming magkaibigan kaya I guess, comfortable kami sa isa’t-isa. Kapag may mga eksena, sa isa’t-isa talaga kami humuhugot. Magkahawak-kamay kami at huhugot talaga kami sa isa’t-isa.”
Sila ni Erich?
“Wala naman kaming eksena na magkaibigan kami. Palagi kaming magka-away, palagi kaming magka-galit. Mag-uusap kami, o, ganito ha, ganito ang gagawin natin.”
Hindi naman nila nadadala ang “galit” ng mga karakter nila kahit wala na sa harapan ng camera?
“Hindi, after ng eksena, we say sorry, we hug each other.”
Hindi naman sila nagkakapikunan o nagkakasakitan sa mga pisikalan nilang dalawa?
“Wala, kasama sa trabaho yun, e. Wala pa namang nangyayari na hindi kasama sa script, tapos nagkasakitan kami.”
Diretsahan naming tinanong si Kaye kung wala ba silang problema sa isa’t-isa ni Erich. May mga nakakapansin na kahit daw off-cam, tila hindi sila malapit sa isa’t-isa?
“We’re friends but, hindi kami close.
“Kasi, madalas na hindi kami magkasama dahil sa kabilang unit din naman siya. So, mas nakaka-bonding ko talaga sina Peter [Serrano], Kitkat, kung sino yung madalas kong kasama.”
Tinanong namin si Kaye kung ano ang pakiramdam niya na sa social media, partikular na sa Instagram account at ilang fan pages ng Two Wives, madalas na mababasa ay ang pagtatalo-talo ng mga nanonood o supporters nila.
Sa kanilang dalawa, bilang siya ang Team Yvonne at Team Janine naman si Erich, tila majority ay nasa kanya ang simpatiya o pagkampi?
“Well I guess, naiintindihan lang siguro nila ang pinanggagalingan ko. Kahit na kabit ako ngayon sa story ng Two Wives, well, at first kasi, sa akin naman talaga inagaw.
“So, naiintindihan nila.
“Lalo na yung mga first wives, naiintindihan nila, nakaka-relate. Kung bibigyan ka naman talaga ng chance at mamahalin mo yung tao, ipaglalaban at ipaglalaban mo pa rin, lalo na kung ikaw ang pinipili ngayon.”
Yung may nabuo talagang dalawang team nila, anong masasabi niya dun?
“Well, I guess, expected naman ‘yan. Parang sa Legal Wife, ‘di ba? Expected naman yun na may mga team-team na ganyan. Ang sa akin lang, sana huwag nilang personalin dahil nag-aaway-away sila.
“Nababasa ko yung mga comments nila, pero sana, huwag nilang personalin.”
Dahil aminado nga siyang matinding kaba ang inabot niya nang malaman niyang biglang nagdesisyon ang management na ilagay sila sa primetime.
Kailan naman yung pakiramdam na nawala na yung kaba niya at buo na ang kumpiyansa niyang kaya rin pala niyang maging bida sa primetime?
“Actually hanggang ngayon, honestly. Siyempre, gusto kong ma-maintain. Nag-click siya sa umpisa, gusto ko, hanggang katapusan. Gusto ko yung magtatapos kami, maaalala ng tao na nag-hit siyang talaga.
“Hindi yung...tinapos ng tao, mababa na ang rating.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN