Andrea Torres says Kylie Padilla didn't need breakup advice: "Strong woman siya"

by Rose Garcia
Oct 2, 2021
Andrea Torres (L) says BetCin is the perfect comeback project for Kylie Padilla, whose last series was shown on TV in 2019, the year she gave birth to her second son with Aljur Abrenica.
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram, BetCin

Hindi inaasahan ng Kapuso actress na si Andrea Torres na magiging positibo ang pagtanggap ng fans sa tambalan nila ni Kylie Padilla.

Ang ilang pictures at videos na pino-post nila sa kanya-kanyang Instagram account ay mabenta sa netizens.

“Nagulat kami, nagulat kami sa reception. And even po yung mga kasama namin sa BetCin, nagulat sila na ganito iyong reaction ng mga tao,” nakangiting pahayag ni Andrea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang via Zoom app.

Continue reading below ↓

Ang BetCin ay ang eight-episode mini-series nina Andrea at Kylie na mapapanood sa WeTV at iFlix this October.

Ayon pa kay Andrea, “Kasi ngayon, gumagawa na rin sila ng mga art works. 'Tapos talagang nagpaparamdam sila. Happy na yung set, pero mas lalo pang happy. Lalo kayong driven kasi nga nababasa niyo yung mga ganoon.

“Happy ako kay Kylie kasi feeling ko, ito yung perfect comeback sa kanya.”

Ang huling showbiz project ni Kylie ay ang TODA One I Love, isang series na ipinalabas sa telebisyon noong 2019, ang taong ipinanganak ni Kylie ang pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica na Axl Romeo.

Bumagay raw kay Kylie ang role niyang si Beth, ang umaaktong male protagonist sa love story.

“Bagay na bagay sa kanya, as in. 'Tapos may mga anggulo siya na Robin [Padilla]. Meron talaga siyang anggulo. Sabi ko, ‘Kylie, kamukha mo ang Daddy mo,’” natawang sabi ni Andrea.

Continue reading below ↓

ANDREA: KYLIE IS A "STRONG WOMAN"

Nang gawin nila ni Kylie ang BetCin noong July, halos kalalabas lang ng isyu ng paghihiwalay nina Kylie at Aljur. Habang si Andrea naman, masasabing kaka-move on niya noon sa pinagdaanang breakup nila ni Derek Ramsay.

Napa-"how to be you?" ba si Kylie kay Andrea?

Sagot ng 31-year-old star, “Hindi naman. Noong dumating siya, parang nag-mature siya. Nag-mature siya. Tinatanong nga nila ako kung ano ang advice ko kay Kylie, sabi ko, hindi na niya kailangan.

“Kasi parang strong woman siya talaga."

Nakatrabaho na raw dati pa ni Andrea si Kylie sa Kapuso teleseryeng Blusang Itim noong 2011. Napakaraming nagbago sa mga buhay-buhay nila sa loob ng 10 years.

Sa pagpapatuloy ni Andrea, "...natutuwa ako sa kanya kasi siyempre, noong nakasama ko siya sa soap, saglit lang. 'Tapos nakikita ko siya ngayong magkasama kami sa lock-in, maya’t-maya talaga siyang tumatawag sa mga kids niya. Hands-on talaga siya and she came prepared."

Continue reading below ↓

Sa tingin niya, noong nasa lock-in shoot sila, ang focus ni Kylie ay nasa character nitong si Beth.

"Okay na okay talaga siya. Ang gaan niyang kasama. Laging nakangiti, ang daling patawanin. Wala siyang pakialam kung ano ang magiging hitsura niya. Parang ang gusto niya, yung emotion talaga.”

ANDREA'S CHARACTER CINDY

Nang ipinabasa kay Andrea ang summary ng kuwento, hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role bilang Cindy.

“Ang ganda po ng story. Ang ganda talaga ng story. Ang daming nangyayari. Matatawa ka, maiiyak ka. 'Tapos, gusto ko rin na you will root for them. Accepted silang dalawa. Mahal sila ng mga tao. Parang feeling ko lang, ang gandang pag-represent sa mga ganoong klaseng relationship.”

Dugtong pa niya, “At doon mo makikita na wala naman talagang pagkakaiba. Pare-pareho lang ang relationship. Pare-pareho lang tayong magmahal. Ang ganda ng message ng script, nakaka-proud.”

Ang writer at director ng BetCin ay si Shugo Praico, na siya ring direktor ng pelikulang Bagman, ang pelikulang nagpanalo kay Arjo Atayde sa Asian Academy Awards.

Continue reading below ↓

Binabasa pa lang daw ni Andrea ang script ng BetCin ay nae-excite na siya.

“Actually, summary pa lang ang nababasa ko, binigyan ako ng summary per episode, nag-yes na ako kaagad. Sabi ko, gusto kong gawin iyan. Kahit noong tinanong nila ako kung ano ang limitation mo, parang I said na, ‘Wala!’ Wala akong limitation,'" natatawang sabi niya.

Dugtong ng Kapuso actress, “Na-in-love talaga ako sa role at saka sa message ng BetCin.

Nakita rin niya kung paano in-embrace ni Kylie ang character nitong si Beth.

“Ang galing lang na nang mag-reunite kami, ganito na ang mga roles na ginagampanan namin. At saka kasi, siguro alam ko rin na malalim na tao si Kylie. Alam ko na kakarerin niya ito.

“So lalo akong na-excite kasi alam kong ibibigay niya rin ang lahat sa role. At type na type niya rin ang role niya.

“Nagpagupit pa siya. Ang guwapo niya sa series. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ang guwapo mo naman, Kylie.’ Iyong pormahan niya roon.”

Continue reading below ↓

Sa kanilang dalawa, si Kylie raw ang mas strong ang karakter habang si Andrea ay kikay at mahilig sa social media.

Kung ikukumpara raw si Cindy sa totoong siya, para kay Andrea, wala raw halos pagkakatulad.

“Alam ng mga friends ko iyon, may pagka-manang ako. Hindi ako techie, ayoko ng masyadong dino-document lahat. Pero si Cindy kasi ganoon, parang bawat kilos, talagang iba-vlog niya, ipo-post niya.

“And I think, iyon ang naging isyu ni Beth, yung role ni Kylie. Hindi niya makita kung ano ang totoo o kung ano ang image nilang dalawa. Nawawala na yung sincerity.

“And actually, isa rin iyon sa reason kung bakit ko tinatanggap. Na matatap nila dahil nagiging issue talaga siya ngayon. Di ba, kapag masyado tayong ma-social media? Parang may mabasa lang tayo, buong araw natin affected or kaya hindi na tayo nakakapag-bond with our family and friends kasi, mari-realize mo, ilang oras ka na palang nasa phone.”

Continue reading below ↓

BETCIN CHEMISTRY

At dahil "in character" ang dalawang bida, walang awkwardness sa pagganap nila. Natural ring lumabas ang chemistry.

Ayon kay Andrea, “Happy po ako, kasi first time pa lang naming mag-meeting, noong nag-script reading kami, hindi na tinapos ni Direk. Parang natuwa na siya sa chemistry.

“Ang ganda rin kasi, noong pumasok nga kami sa lock in, first time ulit naming magkita after a long time, na-feel namin ang chemistry.

"'Tapos very open lang din siya [Kylie] at ramdam mo na relax lang siya, open siya.

“Siyempre, nakapagkuwentuhan din kaming dalawa. Nakapag-usap din kami. Pero hindi na namin kailangang trabahuhin ang pagiging Beth and Cindy.

“In fact, iyong mga scenes namin na magki-kiss, may mga times na wala na siya sa script. Kaming dalawa na ang naglalagay dahil ganoon kami ka-comfortable sa isa’t-isa.”

GIRL LOVE SERIES

Ngayong pandemya, ang isa sa seryeng naging popular ay ang BL series o Boy Love series.

Continue reading below ↓

At kung magkakataon, tila sila ni Kylie sa BetCin ang puwedeng magsimula naman ng Girl Love series.

“Maganda, maganda kung magsisimula nga siya ng ganitong klase, kasi ano siya, e, feel-good na series, pero, at the same time, may mga drama rin.

"Ang ganda rin ng humor ni Direk Shugo, e.

“Parang feeling namin ni Kylie, entertaining siyang panoorin, and, yun nga, you will root for them. Kikiligin ka sa kanila, gusto mong magkatuluyan sila. Iyong ganoon.”

Sa totoong buhay, hindi pa raw nararanasan ni Andrea na magkaroon ng manliligaw na isang lesbian o tomboy.

“Hindi naman po, never pa akong naka-experience,” sabi niya. “Although may mga friends ako, may mga kakilala ako. Pero yung manligaw sa akin, wala po.”

Pero nakikita ba niya ang sariling ma-in love sa isang lesbian?

“Actually po, ang dami naming natutunan ni Kylie noong mag-BetCin kami. Kasi ang iba naming kasama sa BetCin, meron silang mga girlfriend. So sa kanila kami nagtatanong. Tama ba ito? Ginagawa niyo ba ito? Ito ba ang tamang nararamdaman? Mas nagiging authentic siya kasi meron kaming napagtatanungan talaga.

Continue reading below ↓

“Ang deep kasi ng naging usapan namin, at sabi nga namin ni Kylie, parang hindi mo talaga masasabi. Kasi, sabi ko nga, pare-pareho talaga ang love. Hindi siya nagdedepend sa gender. Talagang kapag naramdaman mo, yun na iyon.”

Dugtong pa niya, “Na-appreciate ko talaga ang lahat ng type of relationship. Parang may beauty talaga in every type at pare-pareho lang ang pinagdadaanan na mga problems.”

Bago pa man daw niya gawin ang BetCin, open na ang kaisipan niya sa kahit anong relasyon.

“Ever since naman po ganito na akong mag-isip,” saad niya.

“Pero noong ginawa namin ang BetCin, dahil nakausap ko yung ibang mga kasama namin, nai-share nila ang mga pinagdaanan nila, mas humanga ako, ang strong nila.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres (L) says BetCin is the perfect comeback project for Kylie Padilla, whose last series was shown on TV in 2019, the year she gave birth to her second son with Aljur Abrenica.
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram, BetCin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results