What do Ai-Ai, Lani, and Christian look for in a contestant to be the next The Clash Grand Champion?

by Rose Garcia
Oct 2, 2021
Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, Christian Bautista
The Clash Season 4 judges Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, and Christian Bautista cite the qualities a contestant should have to be the next Grand Champion of the reality-singing search. But Ai-Ai says there is this one thing she hopes the next champ will not have.
PHOTO/S: GMA-7 PR

Ngayong gabi, October 2, ang simula ng season 4 ng The Clash.

Ipapakilala na rin ang Top 30 contenders na isa sa mga ito ay posibleng sumunod sa mga nauna nang The Clash Grand Champion na sina Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco at Golden Cañedo.

Katulad ng ibang singing competition, hindi rin nakaliligtas ang The Clash sa ilang puna mula sa netizens at manonood sa napipiling grand winner sa mga nakaraan na season.

Merong sumasang-ayon pero meron ding hindi.

Kaya sa ginanap na online mediacon ng The Clash Season 4, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong The Clash judges na sina Christian Bautista, Lani Misalucha, at Ai-Ai delas Alas kung ano naman ang hinahanap nila sa bagong season na ito.

Bukod sa husay sa pag-awit, ano pa nga ba ang mga katangian na sa pagkakataong ito, gusto naman nilang makita at mag-stand-out para maging ika-apat na The Clash Grand Champion?

Continue reading below ↓

Ayon kay Romantic Balladeer Christian Bautista, “Sana lang isang contestant pa rin na nakikita namin ang kanyang determinasyon. Ang kanyang napakalaking talento at isang artist din na ipinapakita niya sa amin na deserving siya.

“Wala namang type kami na hinahanap na dapat ganito or dapat ganyan. Kung sino lang po ang deserving.”

Sinegundahan naman ng tinaguriang "Asia’s Nightingale" na si Lani Misalucha ang sinabi ni Christian.

Aniya, “Yun din po ang aking sagot. Sa totoo lang ang hinahanap namin at sana nga ay makita namin, total package. Yung pagpe-perform niya ay matindi, may personality at saka charming and sana rin mabait siya.

“Although mahirap nga yatang mahanap ang lahat ng aspetong iyon or ingredients para maging isang grand champion. Sana meron noon at makita namin.”

Dugtong pa niya, “Yung sinabi ni Christian na sana may determination, yung kanyang talents, definitely dapat meron no’n sa isang grand champion.”

At para naman sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, sana raw ay walang "attitude" ang mahanap nila.

Continue reading below ↓

“Kailangan meron siyang unique style and will cater all kinds of audiences. And bukod do’n, without an attitude.”

Sabi ni Lani, talagang binibigyang-diin daw palagi ni Ai-Ai ang tungkol sa attitude.

“Oo, kasi malaking bagay iyon,” sabi naman ni Ai-Ai.

“Kasi, ‘di ba, kunwari, magaling nga ‘tong tao na ‘to, magaling, mahusay, maganda. Lahat na nasa kanya.

"Kaso walang gustong makatrabaho sa kanya, paano yun? Kasi nga, may attitude ang lolo o lola mo.

“Kumbaga, bakulaw na agad ang ugali. Siyempre hindi mo naman gustong makatrabaho ang isang bakulaw.

"Dapat angel ang makakatrabaho mo muna. Saka na siya magbakulaw kapag naka-enter na siya nang bonggang-bongga.”

Ayon pa kay Ai-Ai, may pagkakataon din daw kasi sa career ng isang artist na tipong may karapatan na magbakulaw o mag-attitude.

“Di ba, may gano’n? 'A, pwede ka nang mag-attitude. Meron ka nang puwang sa business na ‘to.'

"Pero hangga’t wala kang lisensiya na gawin yun, chill ka lang. Pakabait ka muna.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash Season 4 judges Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, and Christian Bautista cite the qualities a contestant should have to be the next Grand Champion of the reality-singing search. But Ai-Ai says there is this one thing she hopes the next champ will not have.
PHOTO/S: GMA-7 PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results