Rocco Nacino kinabahang makatrabaho si Direk Don Michael Perez sa To Have And To Hold

by Rommel Gonzales
Oct 9, 2021
Rocco Nacino on working with director Don Michael Perez in the GMA-7 teleserye To Have And To Hold: "Nag-initiate na talaga ako na makipag-usap kay Direk, mag-establish ng rapport sa kanya para magkaroon kami ng professional relationship pagdating dun sa pag-uusap ng characters, kung kailan ako lalapit sa kanya for advice."
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram

Bago pa man magsimula ang taping ng To Have And To Hold, kinakabahan na si Rocco Nacino na makatrabaho ang direktor na si Don Michael Perez.

"Andun yung kaba kung paano siyang magtrabaho. Magka-clash kaya kami? Or kung paano ako magtrabaho?" pag-amin ni Rocco.

Paliwanag ng Kapuso actor, minsan ay pinapalitan niya ang script o mga linya ng kanyang karakter, at hindi lahat ng direktor ay bukas sa ganoon.

"So nag-initiate na talaga ako na makipag-usap kay Direk, mag-establish ng rapport sa kanya para magkaroon kami ng professional relationship pagdating dun sa pag-uusap ng characters, kung kailan ako lalapit sa kanya for advice.

"And true enough, ang dami-dami kong tanong or assumptions sa pag-atake sa eksena na noong kaming dalawa po ang nag-usap ay mas napaganda pa yung eksena.

"So there were a lot of reservations... not reservations... deep thinking with my character na naisagot ni Direk."

Naging challenge din kay Rocco na paghandaan ang kanyang role bilang si Gavin.

Continue reading below ↓

Aniya, "With the character, it's kinda different kasi newlywed po ako, e, bagong kasal ako, nasa cloud nine pa po ako.

"So yung character ni Gavin na isang workaholic, talagang marami nang pinagdadaanan.

"So I really had to think deep and para matulungan ako dun, marami akong kinausap na mas nakakatanda na sa akin, yung tipong mga thirty years nang kasal, yung mga ganun.

"Yung mga, 'So ano yung mga nagpapa-tick sa iyo, o mga ayaw mo, may nadi-discover ka ba na mga bago na ayaw o gusto mo? Sawa ka na ba?'

"As in, medyo diretso na yung mga tanong ko para makapulot ng isa o dalawang traits para mabuo itong character.

"And once nagawa ko na siya, I held on to it so iyon ang naitulong ng lock-in taping kasi makabalik lang kami sa kuwarto, in character pa rin kami, e.

"So it was easy to switch on and off."

Continue reading below ↓

Masasabi ba niyang worthy of another acting nomination ang husay na kanyang ipinamalas bilang si Gavin sa To Have And To Hold?

Nominado si Rocco bilang Best Drama Supporting Actor sa 34th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Oktubre. Nakuha niya ang nomination para sa kanyang role bilang sundalong si Diego Ramos o Wolf sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama na Descendants Of The Sun.

"Sa lahat ng categories po, andun po! Best Dance, pati ano," at tumawa ang Kapuso hunk.

"Ako, ang gusto ko lang, ang goal po talaga namin dito is to have the audience relate to the story, and to have themselves make their own story.

"Kasi lahat kami dito, walang masama dito.

"Hindi lahat mababait, hindi lahat masasama. And it would depend entirely kung nasaan sila sa time ng buhay nila, kung sa mga pinagdadaanan, yung mga naririnig nating tsismis tungkol sa mga kapitbahay nga, na ganito-ganito yung mga story.

Continue reading below ↓

"Nasaan na tayo, ano yung mga napagdaanan na nating problema, at kaya ako naka-relate sa character na ito.

"So I believe with people reacting differently, for me, award na yun!

"Award na yun, masayang-masaya na ako, makuha lang yung objective."

To have and to hold the audience sa takbo ng kuwento ng serye nila ang objective ni Rocco.

"Amen! Well put," ang masayang sabi pa ni Rocco bilang reaksyon sa sinabi namin sa Zoom mediacon ng To Have And To Hold nitong September 21.

Napapanood ang To Have And To Hold weeknights sa GMA Telebabad kung saan nasa cast rin sina Max Collins (bilang Dominique Ramirez) at si Carla Abellana (bilang Erica Gatchalian).

Kasama rin sa To Have And To Hold sina Luis Hontiveros bilang Daryl, Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet, at Ina Feleo bilang Quel.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on working with director Don Michael Perez in the GMA-7 teleserye To Have And To Hold: "Nag-initiate na talaga ako na makipag-usap kay Direk, mag-establish ng rapport sa kanya para magkaroon kami ng professional relationship pagdating dun sa pag-uusap ng characters, kung kailan ako lalapit sa kanya for advice."
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results