ABS-CBN excites Kapamilya viewers with cast reveal of KathNiel series, Darna, PBB

by Jerry Olea
Oct 7, 2021
ABS-CBN has just launched three of its biggest projects this year: Darna: The TV Series to be top-billed by Jane de Leon and Joshua Garcia (left); the KathNiel series 2 Good 2 Be True to be directed by Mae Cruz-Alviar (inset, top); and Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition (inset, bottom).
PHOTO/S: ABS-CBN

Ratsada ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kilalang personalidad at celebrity ngayong linggo.

“The more I find out who are filing their candidacy for various positions for 2022, the more I fear for our future,” shout out ng premyadong writer-director na si Jose Javier Reyes sa Facebook nitong Oktubre 6, Miyerkules.

Pasiklab din ang pagbubunyag ni AJ Raval na nagkakamabutihan na sila ni Aljur Abrenica, ang estranged husband ni Kylie Padilla.

Handa ba si AJ na maging stepmother nina Alas Joaquin at Axl Romeo?

KATNIEL LOCK-IN TAPING

Ariba rin ang cast reveal ng ABS-CBN sa tatlong bagong programa.

Uumpisahan ngayong Oktubre ang lock-in taping ng bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True, sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar.

"We will do our best to offer a project that will give people a breather from what they are going through right now,” sabi ni Direk Mae sa cast reveal ng serye noong Oktubre 4, Lunes.

Continue reading below ↓

“This is our mission. This is our vision. And this is what we will aim to do.”


Si Direk Mae ang nagdirek ng KathNiel blockbuster films na Crazy Beautiful You (2015) at Can't Help Falling In Love (2017), maging ng pandemic films na Four Sisters Before the Wedding (2020) at Love or Money (2021).

Continue reading below ↓

Sa paggawa ng seryeng 2 Good 2 Be True, binigyang-diin ni Direk Mae na prayoridad nila ang kaligtasan ng lahat sa produksyon.

"I promise we will take care of all of you. For us, whether ang reason na ito ay for work or out of gusto natin maka-entertain, we are all in this together," saad ni Direk Mae.

Ang 2 Good 2 Be True ay ipo-produce ng RGE Unit ng ABS-CBN Entertainment.

Kasama sa cast nito sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, Irma Adlawan, Romnick Sarmenta, Gelli de Belen, Cris Villanueva, Smokey Manaloto, Matt Evans, Jenny Miller, Pamu Pamorada, Krystel Fulgar, Yves Flores, Alyssa Muhlach, Gillian Vicencio, at Bianca de Vera.

Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensiyon ng mga manonood malapit na sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

DARNA THE TV SERIES

Noong Oktubre 5, Martes ng hapon, naman ini-reveal ang co-stars ni Jane de Leon sa Darna: The TV Series, na ididirek nina Chito S. Roño at Avel Sunpongco.

Continue reading below ↓

Love interest ni Narda/Darna (Jane de Leon) ang pulis at EMT na si Brian (Joshua Garcia).

Younger brother ni Narda, at sidekick ni Darna si Ding (Zaijian Jaranilla). Sasakay kaya si Ding sa likod ni Darna habang lumilipad ito?

Take note na sa Darna 2005 TV series ng GMA, ang Darna at Ding ay sina Angel Locsin at CJ Muerte, respectively.

Sa Darna 2009 TV series ng GMA pa rin, ang Darna at Ding ay sina Marian Rivera at Robert “Buboy” Villar Jr.

Binatilyo ang mga Ding sa mga telefantasya/fantaserye.

Nauna nang ini-announce na si Iza Calzado (bilang Leonor) ang ina ni Narda na gaganap na unang Darna, at magpapasa ng bato sa bagong Pinay superhero.


Continue reading below ↓

Kasama rin sa Darna: The TV Series si Rio Locsin na nagbida sa Bira, Darna, Bira! (1979). Di ba, nag-guest na noon si Rio sa Darna 2005 bilang asawa ni Dr. Zombie/Ted (Christopher de Leon)?

Ang iba pang gumanap na Darna na puwedeng mag-guest sa bagong fantaserye ay sina Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Sharon Cuneta, at Regine Velasquez.

Kasama rin sa cast ng Darna: The TV Series sina Simon Ibarra, Levi Ignacio, Richard Quan, Kiko Estrada, Joj Agpangan, Zeppi Borromeo, Mark Manicad, Marvin Yap, Dawn Chang, Tart Carlos, L.A. Santos, Yogo Singh, Young JV, at Gerard Acao.

Hindi pa pinangalanan ang gaganap na Valentina na kontrabida sa buhay ni Darna. Meron din kayang Babaeng Lawin, Babaeng Impakta, Babaeng Tuod, Babaeng Linta, Planetman, Planetwomen, at Giants?

Sa Oktubre 9, Sabado, gugunitain ang 115th birth anniversary ni Mars Ravelo, na lumikha sa karakter nina Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Lastikman, Maruja, at Bondying.

Continue reading below ↓

Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang magproprodyus ng fantaseryeng Darna: The TV Series, na mag-uumpisa ang lock-in taping sa susunod na buwan.

PINOY BIG BROTHER

Nitong Oktubre 6, Miyerkules, inumpisahan ang pagpapakilala sa labingwalong (18) celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season10 Celebrity Edition.

Ang first three na in-introduce ay ang volleyball player na si Alyssa Valdez, ang pinsan ni Daniel Padilla na si KD Estrada, at ang online seller na tinatambayan ng mga inutil… si Madam Inutz aka Daisy Lopez.

Kumalat agad ang 17-second video ni Madam Inutz habang nag-eempake ng mga necessity niya sa pagpasok sa Bahay ni Kuya.

Tanong ni Madam Inutz, “Pwede bang magdala ng dildo? Pwedeng magdala ng dildo? Kasi, nandiyan yung dildo ko.

“Siyempre, reality show iyon. Kapag reality, kailangan totoo, di ba?”

Oh, jivaaa?! Pasabog agad si Madam Inutz, na ang official music video ng kantang "Inutil" ay mahigit 1M views na mula nang mag-premiere noong Setyembre 23 sa YouTube channel na Daisy Lopez.

Continue reading below ↓


Madam inutz, Alyssa Valdez, and KD Estrada

Ipinakikilala ni Kuya ang bagong celebrity housemates sa iba’t ibang online platforms ng PBB—Kumu, Facebook, Instagram, at Twitter.

Para sa updates at iba pang anunsiyo mula kay Kuya, tumutok sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Continue reading below ↓

Tweets ni Bianca kahapon, “Today lang din namin nalaman ang 3 celebrities na official housemates for this season and I have to say, ang ganda ng mix so far!

“Volleyball phenom ALYSSA VALDEZ

“New breed singer KD ESTRADA

“Online sensation MADAM INUTZ

“Sa interview, tinanong ko siya, Alyssa Valdez na siya, bakit niya gustong sumali ng PBB? Para daw sa experience at para mas makilala ang sarili niya. Masasabi daw niyang it came at the right time in her career, on season break. At kahit malayo ngayon, full support daw si Kiefer.

“Si KD, bago man sa industriya at bagong pangalan sa marami, the more mo siya pakinggang magsalita (at kumanta!) mas lalong lumalakas yung charm niya. Looks like such a good kid.

“Also, di ko kinaya, the collab we didn't know we needed, MELAI meets MADAM INUTZ. Nakaka GV!”

Nitong Oktubre 7, Huwebes ng hapon, ay ipinakilala si AJ Salvacion (Ang Singing Sweetheart ng Siargao) bilang ikaapat na celebrity housemate.

Continue reading below ↓

Ang ikalimang celebrity housemate ay si TJ Valderrama, ang Laughter Lodi ng Manila.

Sa Oktubre 16, Sabado, magsisimula ang PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition.

Tapos na ang auditions para sa ADULT aspiring housemates (20 to 40 years old) nitong Setyembre 1-30.

Ang natitira na lang ay auditions para sa TEEN aspiring housemates (15 to 19 years old) sa Disyembre 1-31.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN has just launched three of its biggest projects this year: Darna: The TV Series to be top-billed by Jane de Leon and Joshua Garcia (left); the KathNiel series 2 Good 2 Be True to be directed by Mae Cruz-Alviar (inset, top); and Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition (inset, bottom).
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results