Erich Gonzales on slapping scenes with Kaye Abad: "Siyempre masasaktan ka, tao ka lang."

Erich Gonzales (left) says she and Kaye Abad slap each other for real when doing scenes for Two Wives. Erich is joined in this photo by her leading man Daniel Matsunaga.



Malapit nang matapos ang ABS-CBN remake ng Koreanovela na Two Wives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagkaroon ng “Two Wives Pasasalamat” ang Kapamilya Network noong Linggo, February 15, upang ipadama ng cast members ang pasasalamat nila sa mga manonood na sumoporta sa kanila.
Dito nakausap nang eklusibo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich Gonzales tungkol sa pagkakaroon ng Team Janine, hango sa karakter niya na mistress o kabit ng married man na ginampanan ni Jason Abalos.
Ayon kay Erich, “Sobrang grateful kami, thankful sa lahat ng sumusuporta at nanonood sa Two Wives gabi-gabi. At lahat po ng pagod namin, puyat, halos everyday kaming nagte-taping, Sundays lang ang off namin.
“Pero dahil sa suporta nila, worth it po lahat. Nag-extend na rin po kami dahil na rin sa suporta nila.”
Hindi inaasahan ni Erich na magiging mainit ang pagtanggap sa teleserye nila lalo pa nga’t noong umpisa, akala nila sa panghapong timeslot ang palabas nila.
“Siyempre po, kapag nagsisimula naman, wala ka namang ine-expect dapat. Kasi, baka kapag nag-expect ka, ma-disappoint ka lang. So, all you have to do is just to give your best.
“Kaya sobrang overwhelming talaga. Hindi namin akalain na ganito kainit ang gagawing pagtanggap ng viewers sa amin.”
Si Erich ay si Janine sa Two Wives at sa umpisa pa lang, hindi na maiwasang marami sa manonood ang nagagalit sa karakter niya bilang siyang “kabit” lalo na sa makatotohanang pagganap niya.
Pero ang tanong, ano sa palagay niya at nagki-click talaga sa manonood ang mga ganitong tema ng serye?
“Siguro kasi, lahat sa atin, kahit na maraming beses mo pa itong gawin, lahat sa atin, marami ang nakaka-relate kasi, totoong buhay naman talaga, it happens. Parang reality lang talaga siya.
“Ang aim lang namin dito, sana kapulutan ng aral yung palabas namin. Na at least, makita nila ang mga consequences ng mga desisyon sa buhay. So yun… and also, wala tayo sa posisyon para mag-judge ng mga tao.
“May kanya-kanya tayong mga battle so, it’s human nature. Pero, as much as possible, huwag ganun kasi, mahirap.”
May Team Janine (na kami kay Erich) at may Team Yvonne (na kampi sa legal wife na siyang ginampanan ni Kaye Abad). Apektado ang mga manonood sa mga karakter na ginagampanan nina Erich at Kaye.
Pero sa kanilang dalawa, base sa mga komento ng mga netizens, nasa karakter ni Erich ang sisi at ang galit.
Anong nararamdaman niya tungkol dito?
“Siguro hindi naman talaga maiiwasan ng mga viewers na maapektuhan sa mga pinapanood nila. Pero, I just want to remind them na teleserye lang ‘to, hindi ito totoong buhay.
“Hindi ako si Janine. Ako si Erich. Acting lang yun. Teleserye lang yun at hindi totoong buhay,” natatawang paalala niya.
Pero, napakarami namang pumupuri sa ipinapakitang pag-arte nila ni Kaye dahil parang totoong-totoo nga raw sa kanila ang mga papel na ginagampanan.
“Thank you, thank you at hindi rin naman po yun mangyayari kung hindi dahil sa director namin, si Direk FM Reyes. Tutok na tutok siya. Si Direk Raymond also and the creatives. Pati yung mga writers natin. Nagla-locked-in sila para sa mga story, ganyan…”
Marami silang pisikalan na eksena ni Kaye sa Two Wives. Halos lahat ng eksena nilang dalawa na magkasama sila, magkagalit sila.
Hindi naman sila dumarating sa puntong nagkakapikunan na sila o nagkakasakitan talaga?
“Kapag may mga requirements na ganyan, sampalan, siyempre, kahit sabihin nating acting lang ‘yan pero, siyempre masasaktan ka, tao ka lang,” natawa niyang sabi.
Totohanan talaga ang mga sampalan nila ni Kaye?
“Kailangan para hindi na umulit at makatotohanan. Kasi kapag paulit-ulit, kami lang din naman ang masasaktan. Pero at the end of the day, we know that we are just doing our jobs and magha-hug na lang kami.
“'Sorry Beh' ang sinasabi niya palagi sa akin, ako rin, 'Sorry Kaye.' We just do our job, trabaho lang po.”
Unang pagkakataon para kay Erich na gumanap sa klase ng karakter na isang mistress. Kung sakali at bigyan siyang muli ng ganoong klase ng papel, tatanggapin pa rin ba niya?
“Siguro… first time ko to do this, very mature yung ano niya. Kung maganda ang story, why not. Kung maganda,” natawa niyang sabi.
Sa isang banda, hindi ba siya naapektuhan sa mga negatibong komento ng netizens sa kanya dahil sa karakter nga niya?
“Ay hindi po, I’m very happy like sinabi nga ni Ate Kris [Aquino] sa akin noong mag-usap kami, I’m very proud of you, actress ka talaga. Kasi, sabi niya, yung mga praises ng tao sa ‘yo.
“Sabi ko, talaga Ate, okay ba yun? Sabi niya, oo naman. Kung hindi sila nadadala, e, ‘di hindi okay ang ginagawa mo. So ako, okay sige. Nakakapanibago lang dahil first time ko nga pong gawin ‘to.
“Pero, nakakatuwa naman ang response.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN