Watch Now

Yasmien Kurdi wishes to work with Kim Atienza

by Rommel Gonzales
Oct 15, 2021
Among all the new Kapuso stars, Yasmien Kurdi hopes to work with Kim Atienza. She says, "Parang marami akong maitatanong sa kanya."
PHOTO/S: @yasmien_kurdi on Instagram

Sa lahat ng mga bagong Kapuso, si Kim Atienza ang gustong makatrabaho ni Yasmien Kurdi.

Sabi ni Yasmien nang makapanayan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email noong October 8, 2021, "Kung puwede lahat sila [makatrabaho ko]. Mas curious lang ako kay Kuya Kim, parang marami akong maitatanong sa kanya.

"Bet kong makapulot ng kaunting kaalaman. At saka excited akong makita silang magkasama ni Mang Tani."

Weatherman ng ABS-CBN si Kim "Kuya Kim" Atienza na kakalipat lamang sa GMA-7, samantalang resident metereologist naman ng GMA-7 si Nathaniel "Mang Tani" Cruz.

Bukas sa loob ni Yasmien na makatrabaho ang mga artistang mula sa ibang network na lumilipat sa GMA-7. Sabi nga niya, "The more the merrier!"

Punto ng aktres, "Maraming shows ang magbubukas sa GMA, at maraming artista ang kakailangin lalo na’t binuksan nila ang GTV.

"Welcome na welcome sila na maging Kapuso."

Mas magkakaroon si Yasmien ng opportunity na makilala ang mga bagong artista kung makikilala niya ang mga ito sa lock-in o bubble taping. Pabor kasi si Yasmien na ituloy ang lock-in o bubble taping kahit matapos na ang pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Kasi magiging more focused po ang team sa paggawa ng palabas. Tipid din po sa travel time, since ang laking oras talaga ang nako-consume ng traffic.

"For me kasi ang mahirap na part ay ang quarantine, so mawawala na ito pag natapos na ang pandemya.

"Pero case-to-case basis naman po ang lahat."

YASMIEN'S FAMILY LIFE DURING PANDEMIC

Ang airline industry ay isa sa matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ano ang naging epekto ng pandemya sa mister ni Yasmien na si Rey Soldevilla, Jr., na isang piloto ng Cebu Pacific?

Kuwento ni Yasmien, "Hardly hit po talaga ang aviation industry nitong pandemya. Sobrang dalang po ng mga flights.

"But on the lighter side, nagkaroon naman siya ng mas maraming oras sa amin na hindi niya naiibigay dati."

Ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang asawa ngayon?

"Technical man ko po siya pagdating sa online activities ko. At marunong na po siyang mag-edit ng videos. Siya rin po ang nagko-conceptualize pagdating sa mga branded contents at online endorsements ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We really have to take this opportunity to spend more time with family.

"Soon enough magiging busy na po siya, since slowly picking up na po ang aviation industry, ganun din po sa atin."

Paano naman nila ipinapaintindi sa kanilang anak na si Ayesha ang sitwasyon natin ngayong pandemya?

Sabi ng celebrity mom, "Actually I was surprised kasi parang mas alam pa niya ang nangyayari!

"Mas madami pa siyang say kesa sa akin. I guess kasi tinuturo rin sa kanila nang maayos.

"Kaya very happy ako sa school niya kasi natutugunan nila ang well-being ng mga students nila."

Grade 4 sa Colegio de San Agustin ang eight-year-old na si Ayesha, at tuloy ang kanyang edukasyon sa pamamagitan ng online classes.

Samantala, muling gaganap si Yasmien bilang si Elaine sa part 2 ng bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story."

Sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Georis Cielo Tuca, bukod kay Yasmien (as Elaine) ay mapapanood rin sa "Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story" episode ng Magpakailanman sina Marlon Mance as Jackie, Gilleth Sandico as Cynthia at JC Tiuseco as Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eere ang part 2 nito ngayong October 16, Sabado, 8:15 p.m. sa GMA-7.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Among all the new Kapuso stars, Yasmien Kurdi hopes to work with Kim Atienza. She says, "Parang marami akong maitatanong sa kanya."
PHOTO/S: @yasmien_kurdi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results