Jak Roberto proves his worth as dramatic actor in Never Say Goodbye

by Rose Garcia
Oct 16, 2021
Kapuso hunk Jak Roberto thanks his Kapuso family for finally giving him his timely break to prove his worth as a dramatic actor via his new show, Stories from the Heart: Never Say Goodbye: “Noong binigay sa akin ‘to, natakot ako kung mapu-pull off ko ba yung character ko dahil ito yung pinaka-heavy so far, na isang buong series na gagawin ko."

Ang bagong feature story sa Stories from the Heart ng GMA-7 na "Never Say Goodbye" ang pinaka-unang heavy drama kunsaan mapapanood ang Kapuso star na si Jak Roberto.

Naniniwala si Jak na napapanahon nang ma-appreciate naman siya ng mga manonood bilang isang dramatic actor, at hindi lang dahil sa kanyang pagiging ‘Pambansang Abs.’

“Yes po, sa totoo lang, matagal ko na pong ini-aim na ma-prove ko ang acting ko sa drama. Kasi most of the time, ang mga ginagampanan ko is mga romcom, gag show, di ba?,” saad niya.

Ilan sa mga Kapuso shows na ginagawa niya ay ang Bubble Gang at Pepito Manaloto. At kahit ang huling guesting niya sa Wagas at Heartful Café ay pawang mga romcom pa rin daw.

Inamin ni Jak na nakaramdam raw siya ng takot nang i-offer sa kanya ang role.

Pag-amin niya, “Noong binigay sa akin ‘to, natakot ako kung mapu-pull-off ko ba yung character ko dahil ito yung pinaka-heavy so far, na isang buong series na gagawin ko.

Continue reading below ↓

“Kasi before, yung Magpakailanman, two days lang, nagagawa naman.

"Yung experience ko sa Magpakailanman, parang ita-times ko siya sa 18 days or ilang weeks na episode.

"Grabe, noong binigay sa akin, sabi ko, ibibigay ko ang lahat ko sa show na ‘to kasi, kung hindi, kailan pa?

“Very thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng ganitong opportunity and kina-cast nila ako sa mga ganitong klaseng roles.”

Gusto raw niyang mai-prove ang sarili sa kahit anong klaseng roles, mapa-comedy o drama man ito.

“And this one, masasabi ko na isa ito sa pinaka-proud ako na project ko and sa support din ng mga cast, director and production. Sobrang hindi ako nahirapan at talagang nagkatulungan lahat,” pagmamalaki ni Jak.

JAK HOPE NEW SHOW WILL HELP INSPIRE VIEWERS

Ngayong pandemic, ang daming dumadaan sa anxiety at depression.

Ang "Never Say Goodbye" ay masasabing may mabigat na tema dahil tungkol ito sa malubhang sakit na cancer.

Continue reading below ↓

Hindi kaya mas lalong makadagdag sa bigat na nararamdaman ng mga taong dumaraan sa depression kapag pinanood ito? Ano ang nakikita niyang magiging take away ng mga manonood sa bago niyang project?

Esplika niya, “Actually, ito pong mini-series namin, tungkol po talaga siya sa buhay ng tao. All the way na na-shoot namin siya, talagang kudos sa creative team, sa director.

"Magbibigay po ito ng inspiration sa lahat na kumbaga, ang pinagdadaanan natin na ito, maliit na bagay lang ito kumpara sa mga taong dumaranas na may cancer or yung mga taong less ang opportunity. Hindi nabigyan ng pagkakataon para i-enjoy ang buhay.

“So for me, maraming mari-realize ang mga tao. Maa-appreciate mo ang loved ones mo, magkakaroon ka ng firm na decision sa buhay mo.

“And yung pagtatrabaho mo, magkakaroon ka ng sense and goal. Ganun yung naramdaman ko noong binasa ko ang script.”

JAK CITES ADVANTAGES OF LOCK-IN TAPING

Ang dalawang leading ladies ni Jak na sina Klea Pineda at Lauren Young ay parehong naka-trabaho na niya dati, si Klea sa Magpakailanman at si Lauren sa Contessa.

Continue reading below ↓

Ang malaking kaibahan ngayon, nasa isang lock-in taping sila.

“Itong lock-in taping sa totoo lang, ang sarap magtrabaho kapag naka-bubble na dahil tuluy-tuloy na. Fourteen hours na nagtatrabaho, tapos ten hours na pahinga.

“So tuluy-tuloy na grind yun, three days tapos rest day kami, then tuluy-tuloy na ulit. Hindi nawawala yung momentum.”

Sabi pa niya, “Working with Klea and Lauren, ito pong dalawang actress na ito, before mag-start and after ng eksena, mararamdaman mo ang suporta sa isa’t isa.

“And knowing Lauren na talagang proven na rin sa pag-arte, marami kang makukuha sa kanya e, sa emotion. Same with Klea na ganun din.

“Si Klea naman, sobrang organic. Like, sasakyan mo lahat ng ibabato niyang linya. Sasakyan mo lahat ng reaction niya. Parang kapag si Klea ang kaeksena mo, magiging organic lahat. Ang ganda ng flow and nag-uusap din kami before the scene at tinatanong ko siya kung kumportable ba siya roon.

Continue reading below ↓

“So kailangang may care pa rin sa isa’t isa at hindi yung magugulat na lang ang co-star mo. Bilang actor, parang nagiging selfish ka na.”

JAK THANKFUL FOR GF BARBIE'S UNWAVERING SUPPORT

Naiintriga sina Jak at ang girlfriend niyang si Barbie Forteza na diumano’y break na o nagkakalabuan.

Pero kung pagbabasehan ang naging sagot ni Jak sa tanong namin sa kanya kung excited na ba si Barbie na mapanood ang bago niyang serye, masasabing okay na okay pa rin ang relasyon nila.

Sabi kasi ni Jak, “Oo, kahit saan siguro ko mag-guest, kahit dumaan lang ako, naku, napaka-supportive po ni Barbs, nang mahal ko na iyan.

“Talagang siya mismo ang nagpu-post, siya mismo ang nagku-congratulate sa akin. Lahat ng ginawa kong project simula noong maging kami, sobrang supportive niya and even ako, nagda-doubt na talaga ko minsan kung hindi ba siya nagseselos.”

May pagkakataon daw na tinatanong na nga niya si Barbie.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jak, “Minsan tinatanong ko siya, ‘Okay lang ba sa ‘yo? Puwede ko namang i-avoid. Puwede ko namang hindi pirmahan yung waiver ng mga kissing scenes.'

“So alam mo yun, trabaho lang at yun ang isa sa magandang bagay na parehas kaming artista, naiintindihan namin ang trabaho namin. And even siya rin naman, tinanong niya ako sa vlog niya na it’s about time na magpakita—sabi ko, ‘Ikaw, actress ka naman. Best Actress ka naman, e. Do what you want.'”

At nilinaw nga nitong wala naman daw selosan sa pagitan nila kahit nga ngayon na marami siyang intimate scenes sa dalawang leading ladies.

“Wala, wala naman,” natawang sabi niya.

“Minsan for fun, ginagawa na lang naming katatawanan.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso hunk Jak Roberto thanks his Kapuso family for finally giving him his timely break to prove his worth as a dramatic actor via his new show, Stories from the Heart: Never Say Goodbye: “Noong binigay sa akin ‘to, natakot ako kung mapu-pull off ko ba yung character ko dahil ito yung pinaka-heavy so far, na isang buong series na gagawin ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results