Tropang LOL perfect chemistry key to Lunch Out Loud's success

by Jerry Olea
Oct 17, 2021
Lunch Out Loud (LOL) hosts (L-R): Ariel Rivera, K Brosas, Jeff Tam, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero and Laboching recall some of their birth pains: “Kasi before, noong nagsimula kami, yung mga unang linggo namin, pinagtatawanan kami. Kung mababasa niyo yung mga comment, ‘Hindi kayo tatagal!’ ‘Hindi maganda yung show niyo, cheap tingnan!’ ‘Tatlong buwan lang iyan, wala na kayo!’"

Nagdarasal ang hosts ng Lunch Out Loud (LOL) on camera bago magtapos ang kanilang programa.

Ipinagpapasalamat siyempre nila sa Panginoon na magdiriwang na sila ng unang anibersaryo sa Oktubre 18-23, Lunes hanggang Sabado sa TV5.

Lahad ni Bayani, “May nag-text sa akin. Sabi niya, ‘Yung ganyang klaseng show, na tumutulong kayo sa mga nangangailangan, and at the same time, nagbibigay-puri kayo sa Panginoong Diyos, walang sino man o kahit na sino ang puwedeng kumalaban sa inyo!’

“Yun ang text sa akin, kinikilabutan nga ako! Kasi, nanonood siya. Kasi, wala pa raw siyang nakita na noontime show, kahit noong araw pa, na nagbigay-puri sa Panginoong Diyos sa lahat ng biyaya na nakakamtan nila.

“E, ngayon kasi, pandemic. Wala naman talaga tayong kakapitan kundi ang Diyos lang.

“At ako, at ang mga kasama ko, kaming lahat ay naniniwala na kapag kinapitan namin ang Panginoong Diyos, at hindi naman matatawaran ang talentong ibinigay sa amin ng Diyos.

Continue reading below ↓

“Kasi para sa akin, itong grupong ito, hindi naman ito mga bago. Hindi ito bago sa noontime. Hindi ito bago sa inudustriya.

“Mga beterano kami, e. Alam na namin kung ano ang gagawin namin sa isa’t isa. Hindi kami inilagay dito nang walang dahilan.

“Lahat kami, nandito, dahil kailangan kami ng noontime show. Dahil meron kaming parte na puwedeng ibahagi at mapakinabangan ng mga tao at mga manonood.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani at mga katropa noong Oktubre 11, Lunes sa studio ng LOL sa Kalayaan Ave., Quezon City.

LOL HOSTS TAKE ON THE CHALLENGE

Kasama ni Bayani sa Tropang LOL sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Wacky Kiray, Ariel Rivera, KC Montero, Laboching at Jeff Tam.

Patotoo ni Jeff, “Ang naging weapon talaga namin—tama si Kuya Yani—yung dasal. Yung pananalig namin na, ‘Lord, tulungan mo kami, na sana magtagal itong show.’

“Kasi before, noong nagsimula kami, yung mga unang linggo namin, pinagtatawanan kami. Kung mababasa niyo yung mga comment, ‘Hindi kayo tatagal!’ ‘Hindi maganda yung show niyo, cheap tingnan!’ ‘Tatlong buwan lang iyan, wala na kayo!’

Continue reading below ↓

“Yun ang pinanghawakan namin na challenge. Parang… papatunayan namin ‘to, na-motivate kami.

“Ayun, nagulat kami, isang taon na!”

LOL HOSTS EXUDE GOOD CHEMISTRY

Hindi mawari ni K noong una kung may chemistry sila ng co-hosts niya sa LOL.

Matamang salaysay ni K, “Sa totoo lang, noong umpisa, magwu-work ba ‘to? Kasi, never pa kaming nakapagtrabaho nang personal. Kami naman, sa ano lang, sa corporate shows.

“Kami ni KC, never. May ganun siya. Parang… nung sinalang, sabay-sabay, of course I’ll be very honest, nagkaroon ako ng doubt, ‘no? Magwu-work ba ‘to?

“Pero noong first taping pa lang namin… wala! Tawa lang kami nang tawa nang tawa! Although sa ngayon, nilu-look forward ko.

“Kasi nga, kahit anong pagod man iyan, pag masaya ka sa ginagawa mo… para talagang… alam ko, cliche na ‘to, lagi tayo kay Lord.

“Pero talagang parang nilugar Niya kami para magsama-sama.”

LOL HOSTS ADMIT INITIAL FEARS, APPREHENSIONS

Parang naramdaman noon ni Wacky Kiray na may takot siya sa kumbinasyon nila sa Tropang LOL.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Wacky Kiray, “Etong mga kasama ko… paano ba ang gagawin ko? Kasi ako, si Kuya Yani saka si Alex, matagal ko nang nakasama.

“Si Ate K, nakakasama ko lang sa corporate. Sabi ko, ‘Paano ba ang eksena nito?’

“Pero nung nagsama-sama kaming lahat, akalain mo, bigla na lang… ang ganda ng repertoire naming lahat!

“Kumbaga, nagtutulungan kami. Nagtutulungan kami, ‘Wacky, ganito ang gawin mo!’ ‘Kuya Yani, ganito ang gawin mo!’ May tulungan talaga na nangyari.”

LOL HOSTS: A PERFECT COMBINATION

Perfect combination ang Tropang LOL, ikanga.

Dagdag ni Bayani, “Tama si K, e. Alam mo, bihira yung daily show na you’re looking forward. Kasi, nakaka-burn out ang daily show, e!

“Pero kami yung… yes, may taping bukas! Mas nabe-burn out pa ako kung ano ang isusuot ko, e! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Singit ni K, “Hello, Macbeth!”

Ang Macbeth ay isang brand ng clothing line.

Pag-ayon ni Bayani, “Oo, Macbeth! Kahit ano ang isuot mo, natutuwa ka. Kasi, makikita mo yung mga katrabaho mo na hindi mo nakita nang one week, e.

Continue reading below ↓

“Kasi, every other week na ngayon, e, dahil sa IATF. So, nasasabik na kami na… sana, may taping na! Samantalang ang hirap ng daily show, ha?

“Ang hirap niyan. Parang gusto mo na, umuwi. Kami rito, uwian na, nagkukuwentuhan pa kami, e. Naiiwan pa kami, e.”

Meron silang group chat na LOL for One, One for LOL kaya lagi silang updated sa isa’t isa.

Sabi pa ni Bayani, “Kahit nasa bahay kami, nagkukumustahan kami… lahat ng mga problema sa pamilya, problema sa trabaho, sa health.”

Nagbiro si Wacky Kiray, “Ikaw, Jeffrey Tam, yung tulo mo… magaling na ba?”

Poker-faced na sagot ni Jeff, “Actually, palala na siya nang palala.” Hagalpakan ng tawa ang mga magkakatropa.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lunch Out Loud (LOL) hosts (L-R): Ariel Rivera, K Brosas, Jeff Tam, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero and Laboching recall some of their birth pains: “Kasi before, noong nagsimula kami, yung mga unang linggo namin, pinagtatawanan kami. Kung mababasa niyo yung mga comment, ‘Hindi kayo tatagal!’ ‘Hindi maganda yung show niyo, cheap tingnan!’ ‘Tatlong buwan lang iyan, wala na kayo!’"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results