Lauren Young reveals reason behind 2-year hiatus; grateful to GMA-7

by Ruel J. Mendoza
Oct 23, 2021
Lauren Young with her fur babies Melo and Soba
PHOTO/S: @lo_young on Instagram

Naging constant victim ng body shaming sa social media ang aktres na si Lauren Young.

Isa raw ito sa dahilan kung bakit halos dalawang taon raw siyang umiwas sa paglabas sa TV.

Nagdala kasi ng malaking trauma sa kanya ang madalas na pagpuna ng netizens sa kanyang katawan.

Sa naganap na Zoom mediacon para sa GMA Afternoon Prime teleserye na Stories From The Heart: Never Say Goodbye noong October 11, 2021, nasa stage raw siya kung saan nabago na raw niya ang pananaw tungkol sa kanyang weight problem.

“Ako kasi, I’ve been dealing with body-image issues for a very long time. And I really like to use my platform to encourage people and to help people to boost their confidence.

“I was skinny or fit before. I had abs. I’ve been through that. I eat healthy. I exercise every day. And for what? To please other people?

“And now, although I’m on the heavier side, the chubby side, I may not look picture-perfect to the standard of other people. But at the end of the day, I’m most confident now in my current state and I’m so happy with where I am in my life," diin pa ni Lauren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LAUREN THANKFUL TO GMA-7 FOR CONSTANT WORK OPPORTUNITIES

Huling napanood si Lauren sa teleserye na Contessa (2018) at Hiram Na Ina (2019). At kahit two years daw siyang tumanggi muna sa paggawa ng teleserye, hindi nagsawa ang kanyang network na mag-offer sa kanya ng project.

"I'd like to thank GMA because they always give me opportunities regardless of my weight.

"I’ve proven that when it comes to acting, I can deliver. Whatever do I look like, they always cast me because they know I deliver.

"And that’s what matters most, acting above all. Kasi hindi naman ito pasikatan, di ba? Patagalan siya.”

LAUREN NOW LIVES IN SUBIC

Sa nagdaang dalawang taon ay tumira si Lauren sa Subic, Zambales kunsaan nakasama niya sa bahay nila roon ang mother nila ni Miss World 2013 Megan Young na si Mrs. Victoria Young.

Plano raw sana nilang ipa-renovate ang bahay nila last year, pero bigla raw nagkaroon ng pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"That was the plan last year, yung ipa-renovate namin yung house doon. But because of the pandemic, everything stopped and maraming bawal gawin because of the lockdown.

"Kaya I told my mom na it's not the best time to renovate the house. Kasi kami ang mahihirapan sa patigil-tigil na paggawa. Mas lalaki ang gastos namin, so we decided not to push through with it sa ngayon."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lauren Young with her fur babies Melo and Soba
PHOTO/S: @lo_young on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results