Jak Roberto quashes breakup rumors with GF Barbie Forteza

by Rose Garcia
Oct 24, 2021
Jak Roberto considers himself very lucky for having a very supportive and loving girlfriend in Barbie Forteza. He says, "Lahat ng ginawa kong project simula nung maging kami, sobrang supportive niya and even ako, nagda-doubt na talaga ko minsan kung hindi ba siya nagseselos.” (Photo: @jakroberto on Instagram)

Naiintriga sina Jak Roberto at ang girlfriend niyang si Barbie Forteza. Diumano’y break na o nagkakalabuan na raw sila.

Pero kung pagbabasehan ang naging sagot ni Jak sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung excited na ba si Barbie na mapanood ang bago niyang serye, masasabing okay na okay pa rin ang relasyon nila.

Sabi kasi ni Jak, “Oo, kahit saan siguro ko mag-guest, kahit dumaan lang ako, naku, napaka-supportive po ni Barbs, ng mahal ko na iyan.

“Talagang siya mismo ang nagpu-post, siya mismo ang nagku-congratulate sa akin. Lahat ng ginawa kong project simula nung maging kami, sobrang supportive niya and even ako, nagda-doubt na talaga ko minsan kung hindi ba siya nagseselos.”

May pagkakataon daw na tinatanong na nga niya si Barbie.

Ayon kay Jak, “Minsan tinatanong ko siya, ‘Okay lang ba sa iyo? Puwede ko namang i-avoid. Puwede ko namang hindi pirmahan yung waiver ng mga kissing scenes.'

Continue reading below ↓

“So, alam mo yun? Trabaho lang, at yun ang isa sa magandang bagay na parehas kaming artista, naiintindihan namin ang trabaho namin.

"And even siya rin naman, tinanong niya ako sa vlog niya na it’s about time na magpakita... sabi ko, ‘Ikaw, actress ka naman. Best actress ka naman, e.

“Do what you want.”

At nilinaw nitong wala naman selosan sa pagitan nila kahit ngayong marami siyang intimate scenes sa dalawang leading ladies.

“Wala, wala naman,” natawang sabi niya.

“Minsan for fun, ginagawa na lang naming katatawanan.”

JAK LEVELS UP TO MORE SERIOUS ROLES

Samantala, ang bagong feature story sa Stories from the Heart ng GMA-7 na Never Say Goodbye ang pinaka-unang heavy drama ni Jak.

At naniniwala itong ang makikita sa kanya ng manonood ay bilang isang dramatic actor naman at posibleng hindi na ang pagiging ‘Pambansang Abs’ o eye-candy lang.

“Yes po, sa totoo lang, matagal ko na pong ine-aim na ma-prove ko ang acting ko sa drama. Kasi most of the time, ang mga ginagampanan ko is mga romcom, gag show, di ba?” saad niya.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga Kapuso shows na ginagawa niya ay ang Bubble Gang, Pepito Manaloto, at kahit ang huling guesting niya sa Wagas at Heartful Café, romcom pa rin daw.

Inamin ni Jak na nakaramdam raw siya ng takot nang i-offer sa kanya ang role.

“Noong binigay sa akin ito, natakot ako kung mapu-pull off ko ba yung character ko dahil ito yung pinaka-heavy, so far na isang buong series na gagawin ko.

“Kasi before, ‘Magpakailanman’ two days lang, nagagawa naman. Yung experience ko sa Magpakailanman, parang ita-times ko siya sa 18 days or ilang weeks na episode. Grabe, noong binigay sa akin, sabi ko, ibibigay ko ang lahat ko sa show na ito kasi, kung hindi, kailan pa?

“Very thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng ganitong opportunity and kina-cast nila ako sa mga ganitong klaseng roles.”

Gusto raw niyang mai-prove ang sarili sa kahit anong klase ng roles. Mapa-comedy o drama man ito.

Continue reading below ↓

“And this one, masasabi ko na isa ito sa pinaka-proud ako na project ko and sa support din ng mga cast, director and production. Sobrang hindi ako nahirapan at talagang nagkatulungan lahat.”

JAK SAYS NEW SHOW MEANT TO SPARK HOPE

Ngayong pandemic, ang daming dumadaan sa anxiety at depression.

Ang Never Say Goodbye ay masasabing may mabigat na tema dahil tungkol ito sa malubhang sakit na cancer.

Hindi kaya mas lalong makaragdag sa bigat na nararamdaman ng mga taong dumaraan sa depression kapag pinanood ito o ano ang nakikita niyang magiging takeaway ng manonood?

“Actually, ito pong mini-series namin, tungkol po talaga siya sa buhay ng tao. All the way na na-shoot namin siya, talagang kudos sa creative team, sa director.

"Magbibigay po ito ng inspiration sa lahat na kumbaga, ang pinagdadaanan natin na ito, maliit na bagay lang ito kumpara sa mga taong dumaranas na may cancer or yung mga taong less ang opportunity, yung hindi nabigyan ng pagkakataon para i-enjoy ang buhay.

Continue reading below ↓

“So for me, maraming mari-realize ang mga tao. Maa-appreciate mo ang loved ones mo, magkakaroon ka ng firm na decision sa buhay mo.

“And yung pagtatrabaho mo, magkakaroon ka ng sense and goal. Ganun yung naramdaman ko noong binasa ko ang script.”

JAK ON WORKING WITH LEADING LADIES KLEA AND LAUREN

Ang dalawang leading ladies ni Jak na sina Klea Pineda at Lauren Young ay parehong nakatrabaho na niya dati—si Klea sa Magpakailanman at si Lauren sa Contessa.

Ang malaking kaibahan ngayon, nasa isang lock-in taping sila.

“Itong lock-in taping sa totoo lang, ang sarap magtrabaho kapag naka-bubble na dahil tuloy-tuloy na. Fourteen hours na nagta-trabaho tapos ten hours na pahinga.

“So tuluy-tuloy na grind yun, three days, tapos rest day kami. Then, tuluy-tuloy na ulit. Hindi nawawala yung momentum.”

At sabi pa niya, “Working with Klea and Lauren, ito pong dalawang actress na ito, before mag-start and after ng eksena, mararamdaman mo ang suporta sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

“And knowing Lauren na talagang proven na rin sa pag-arte, marami kang makukuha sa kanya, e, sa emotion. Same with Klea na ganun din.

“Si Klea naman, sobrang organic. Like, sasakyan mo lahat ng ibabato niyang linya. Sasakyan mo lahat ng reaction niya. Parang kapag si Klea ang kaeksena mo, magiging organic lahat. Ang ganda ng flow and nag-uusap din kami before the scene at tinatanong ko siya kung kumportable ba siya roon.

“So kailangang may care pa rin sa isa’t isa at hindi yung magugulat na lang ang co-star mo. Bilang actor, parang nagiging selfish ka na.”

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto considers himself very lucky for having a very supportive and loving girlfriend in Barbie Forteza. He says, "Lahat ng ginawa kong project simula nung maging kami, sobrang supportive niya and even ako, nagda-doubt na talaga ko minsan kung hindi ba siya nagseselos.” (Photo: @jakroberto on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results