VIRAL: Ang nanginginig na kutsilyo ni Kiray Celis sa Wish Ko Lang!

by James Patrick Anarcon
Oct 28, 2021
Have you seen this viral “nanginginig na kutsilyo” scene of Kiray Celis in GMA-7’s Wish Ko Lang?
PHOTO/S: Wish Ko Lang! (GMA-7)

Viral ngayon sa TikTok ang eksena ni Kiray Celis mula sa isang lumang episode ng Wish Ko Lang!

Ipinalabas ang episode noong pang February 2019, at muling in-upload nitong 2021. Kaya naman madaling na-pick up at na-repost ng mga eksena sa TikTok.

Sa istorya, gumanap si Kiray bilang Joan, isang babaeng pinagsamantalahan ng tatlo niyang kuya, na ginampanan nina Ping Medina, Kevin Sagra, at Joshua Bulot ng all-male singing group na JBK.

Sa viral na eksena, naghihiwa ng gulay si Kiray nang makita niyang lumapit si Joshua kay Althea Ablan, na gumanap bilang Krystal, ang nakababata nilang kapatid.

Kiray Celis

Continue reading below ↓

Dahil unti-unting nagiging touchy ang kanyang kuya kay Krystal, pinipilit ni Joan na bumili muna ng toyo ang nakababatang kapatid. Pero kinokontra ito ng karakter ni Joshua.

Joshua Bulot, Althea Ablan

Kaya naman sa takot ni Joan na pagsamantalahan ng kanyang kuya ang kanilang batang kapatid, tumayo siya at tinutukan ng kutsilyo ang karakter ni Joshua.

Continue reading below ↓

Viral ang eksena dahil napansin ng netizens na habang nagsasalita si Kiray ay nanginginig ang hawak nitong kutsilyo at nahalatang hindi ito totoo!

Kiray Celis

Nang agawin ng karakter ni Joshua ang kutsilyo mula kay Kiray ay lalong nakita na malambot ito at nanginginig.

Pero naging steady ito noong hawak na ni Joshua dahil makikitang inalalayan niya ang cardboard na kutsilyo para hindi ito manginig.

Continue reading below ↓

Kiray Celis

Sabi ng netizen na may username na @MICKY MOUSE, “HAHAHAHA KIRAY BAT GANON UNG KNIFE MO”

@jeftadam7

Tapang ni kiray dito????Kutsilyong nanginginig laslasin mo dali????(Fake or Real ung Knife sa tingin nyo?)##GMA##Drama##tik_tok##foryou##tiktokph##tiktokphilippines##fyp?##viral##truestory##squidgame##parati##teamjeftadam##trendingvideo

? Into Your Arms (feat. Ava Max) - Witt Lowry

Maraming netizens na natawa sa panginginig ng kutsilyo habang may ilan namang nagtanggol din sa eksena at sinabing mas delikado kung gumamit sila ng tunay na kutsilyo.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kaakibat ng pagiging online ng mga episodes ng mga programa ay mas napapansin ang mga eksena sa shows, kabilang ang mga bloopers.

Nitong August lang, nag-viral ang isang eksena ng aktor na si Shido Roxas sa Wish Ko Lang, kung saan nakitang lumunok ang kanyang dead character.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Have you seen this viral “nanginginig na kutsilyo” scene of Kiray Celis in GMA-7’s Wish Ko Lang?
PHOTO/S: Wish Ko Lang! (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results