Erich Gonzales says about Jason Abalos' character: "He doesn’t deserve to be loved."

Erich Gonzales shares thoughts on the guys being linked to her Janine character in Two Wives.


Sa kuwento ng ABS-CBN primetime series na Two Wives, ang karakter ni Erich Gonzales bilang si Janine ang negatibo sa paningin ng manonood.
Ganunpaman, sa bandang huli, puwedeng mamili ang karakter niya sa tatlong lalaki.
Ito ay sina Jason Abalos (Victor), Rayver Cruz (Dale) at Daniel Matsunaga (Kenji).
Kung siya ang masusunod, kanino niya gustong mag-end up ang karakter niya?
“Basta ako, definitely not with Victor. He doesn’t deserve to be loved.
"Parang sobrang sakit na ang idinulot niya sa aming dalawang babae.
"Parang after everything, ibinigay mo ng lahat, ginawa mo ng lahat for him…
"'Tapos, ‘eto ang isusukli sa ‘yo. He’s not worth it.”
Puwedeng kay Kenji?
“Puwede, puwede,” natatawang sagot ng Kapamilya actress.
Marami ang nadadala sa ipinapakitang pag-arte at pag-atake ni Erich sa karakter niya sa Two Wives.
Pero ngayong malapit na rin itong magwakas, ano ang nararamdaman niya?
“Kapag naiisip naming we’re ending, nakakalungkot.
"Palagi namang… may katapusan.

"But we’re very happy na we’re ending soon, nandoon kami, pinapanood kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN