Saktong natapos ni Dennis Trillo ang Legal Wives ay saka siya nagpakasal sa ngayon ay legal wife niya sa totoong buhay na si Jennylyn Mercado.
November 12, Biyernes, ang finale ng serye.
November 15, Lunes, ang araw ng civil wedding ng aktor.
Bago nito, nagkaroon ng pagkakataong makausap si Dennis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 9, tungkol sa mga pagkakaabalahan niya bukod sa nangyaring wedding.
Ang kuwento ng Kapuso star, "Ngayon, andito lang ako sa bahay madalas, nag-aalaga ako kay Jen...
"Bukod dun, iyon, busy ako mag-edit ng mga videos para dun sa YouTube channel, iyon, iyon yung mga pinagkakabalahan ko."
FIRST CHRISTMAS AS HUSBAND AND WIFE
May plano na ba sila para sa Pasko?
Sagot ni Dennis, "Wala pang solid na plano pero for sure magkakasama kaming lahat, buong pamilya.
"Kung saan man yun magaganap, hindi na iyon yung pinaka-importante, basta ang importante magkakasama kami, ma-enjoy namin yung quality time kasama ang isa't-isa."
Medyo lumuluwag na ang restrictions ngayon dahil sa pagbaba ng alert level sa bansa at pagbaba na rin ng COVID-19 cases sa iba't ibang parte ng mundo.
Given the chance, saan nais ni Dennis ipasyal si Jennylyn?
"Siguro ano, well, nami-miss na naming pumunta sa Amsterdam, siguro dun."
November 2015 ang memorable trip ng dalawa sa capital ng the Netherlands. At that time, hindi pa nila lantarang inaamin ang kanilang relasyon kaya solo pictures ang mga naka-post sa kani-kanilang social-media accounts.
NEXT PROJECT: "GUSTO KO LIGHT..."
Ang next work raw niya ay "siguro mga ilang weeks pa," pero mabilis lang daw ito dahil, aniya, "Hindi ako kasali dun sa regular cast."
But if he will have his way, ano ang nais niyang susunod na proyekto?
Sabi niya, "Gusto ko light naman. Gusto ko medyo, parang mga rom com [romantic comedy], ganun, basta yung light.
"Gusto ko yung malayo sa heavy drama, yung hindi ko kailangang umiyak.
"Yung puro ngiti 'tsaka tawa at pagmamahal lang yung mga mangyayari."
Tungkol naman sa naging karanasan niya during the lock-in taping, favorable raw ito sa trabaho, pero hindi siya ideal sa mga hindi sanay mawalay sa pamilya.
"Well, sa totoo lang, ibang klase yung experience ng lock in, meron siyang mga pros and cons.
"First of all, yung pro, siyempre, makaka-focus ka talaga sa trabaho. Siyempre yung pag-i-internalize mo, hindi mawawala dahil sunud-sunod yung trabaho mo hanggang matapos.
"Pero siyempre yung mahirap naman na part dun, e, iiwan mo yung mga mahal mo sa buhay nang matagal. Yun, iyon yung mahirap, e.
"Pero nakakatuwa na nakagawa sila ng sistema para alam mo yun, makapagtrabaho pa rin at makagawa pa rin kami ng mga ganitong klaseng proyekto."
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.