Bianca Umali says Legal Wives character Farrah is "pigang-piga"

by Rommel Gonzales
Nov 12, 2021
Bianca Umali as Farrah in Legal Wives
Bianca Umali reveals her most memorable scenes in Legal Wives and the greatest lessons she learned from her character Farrah.

"Pigang-piga po si Farrah!"

Ito ang natatawang sagot ni Bianca Umali sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga eksena niya sa Legal Wives, kung saan gumanap siya bilang Farrah.

As a rape victim ng isa niyang kaklase, kailangan siyang pakasalan ni Ismael, ang karakter ni Dennis Trillo, para mapigilan ang anumang iskandalo na dulot ng nangyari.

Saad ng dalaga tungkol sa mga eksena niya, "Si Farrah kasi, siya talaga yung bumaliktad yung mundo niya. Kung ano yung mga mayroon siya dati, kung ano yung mga mangyayari sa kanya in the future, sobrang layo at hindi mo aakalain na mangyayari sa kanya. Talagang nagbagong-buhay siya, magbabagong buhay, mag-iiba yung buhay niya.

"Nae-excite ako na mapanood ng mga tao'= yung kuwento niya kasi ang ganda at saka punung-puno siya ng puso."

Maski raw siya, hindi makapaniwalang naitawid niya ang role.

Sa pagpapatuloy pa ni Bianca, "Sobrang marami pong eksena na talagang... mahirap po siya talaga. And kumbaga, hindi ko in-expect na magagawa at ma-e-execute nang ganung kaayos, lahat po ng eksena ni Farrah.

Continue reading below ↓

"Thankfully, lahat po ng feedback ng mga tao, napakasarap basahin, and, ang sarap po sa puso na nagpe-pay off lahat nung hard work."

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagkokomentong naipakita ni Bianca sa Legal Wives ang husay niya bilang isang aktres?

"Wala po akong ibang masabi kundi maraming, maraming, maraming salamat po talaga sa lahat. Hindi rin ho kasi naging madali and napakalaki ng proyekto, and I was very blessed to have been given the opportunity to be part of this project as the third and youngest wife of Mr. Dennis Trillo.

"And ngayon po na ganito na napapanood po ng mga tao and ang sarap po sa puso na nagustuhan po nila yung palabas namin wala ho akong ibang masabi kundi maraming salamat po."

Ano ang mga pinaka-memorable scenes para sa kanya?

"Yung mga eksena po sa bahay ni Farrah kasi, lahat actually ng mga realizations niya doon sa kuwarto, sa bahay niya naganap.

Continue reading below ↓

"And yung mga araw na patapos na yung taping po namin, 'tapos iyon na yung naghahabol na kami ng oras, naghahabol na ng eksena.

"So iyon po siguro, yung tatlong mapipili ko sa lahat-lahat ng memorable na eksena."

Ano naman ang greatest lesson ni Bianca mula sa serye?

Sagot niya: "To respect and to be open sa lahat ng bagay—relihiyon man iyan, kulay ng tao, anong lahi ng tao, sa lahat.

"Because if you learn how to respect each other, the world would be very. very, very, very peaceful."

Ano ang mga natutunan ni Bianca mula sa karakter niyang si Farrah na nagagamit niya sa tunay na buhay?

"To always to have courage, and to never lose hope and to be kind. Courage, hope and kindness.

"Iyon po ang tatlong natutunan ko kay Farrah. Courage kasi kahit durog na durog na po siya, she still has the courage to face other people, meron pa ho siyang tapang na humarap at lumaban, at magmahal pa ng ibang tao kahit durog na durog siya.

Continue reading below ↓

"Hope, because kahit nawala na ho sa kanya lahat, she's still fighting and she's still surving and she never lost who she is.

"And kindness kasi kahit sa mga tao na umagrabyado sa kanya kahit nagkandasira-sira na yung buhay niya, she still chooses to be kind."

Bago pa man dumating sa buhay ni Bianca ang karakter ni Farrah, taglay naman na raw niya ang courage, hope, and kindness, mas tumindi lamang ito.

"Somehow po, but, I think nung nagampanan ko po si Farrah, mas naging malinaw ho sa akin yung tatlong yun. Kasi kumbaga binabasa ko ho siya, e, and I think it's different kapag sa na-e-experience mo compared sa yung nakikita mo yung bigger picture in front of you.

"So nung nagampanan ko ho si Farrah dun luminaw sa akin and sobrang dami kong natutunan and nakatulong din actually yung kakaibang paniniwala and relihiyon ng mga Maranaw with it."

Continue reading below ↓

Nakapanayam namin si Bianca kahapon, November 9, 2001, sa Zoom mediacon para sa pagtatapos ng Legal Wives sa Biyernes, November 12.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali reveals her most memorable scenes in Legal Wives and the greatest lessons she learned from her character Farrah.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results