Kyline Alcantara on Mavy Legaspi: "Siya talaga ang pinaka-gentleman"

by Rose Garcia
Nov 13, 2021
Mavy Legasi Kyline Alcantara love team
Kyline Alcantara and Mavy Legaspi talk about their "nagle-level up ang relationship," while working on the GMA-7 series I left my Heart in Sorsogon.
PHOTO/S: @mavylegaspi on Instagram

"Nagle-level up ang relationship namin."

Ito ang sambit ni Mavy Legaspi matapos ang lock-in taping nila ni Kyline Alcantara para sa I Left My Heart in Sorsogon, ang upcoming prime-time series ng GMA-7.

Sa ginanap na online mediacon, tinanong sina Mavy at Kyline kung ano na ang real score na namamagitan sa kanila.

Sabi ni Mavy, “Siyempre kami ni Kyline, matagal nang magkaibigan.

"Three years and siyempre, may mga feelings na nade-develop.

"Sa ngayon, for now, each and every day, nagle-level up ang relationship namin at saka yung bonding namin.

"You can’t help but think na sometimes nakikilig ka na, hindi na yung tipong friendship lang.

“Alam mo na may direction na, you know, different from friendship, but again, it can never the end.

"I’m grateful na naging close ako kay Ky and really grateful and happy that it’s such a great relationship with Kyline.”

Naniwala ba ang binata nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa ligaw o siya ba yung tipo na go with the flow na lang?

Continue reading below ↓

Natatawa niyang tugon, “Ako, ang rule talaga ni Mama at Papa sa akin, kung interested ka sa isang babae, iko-court ko talaga. So I believe in that.

"Ako mismo ang nagku-court at si Kyline na mismo ang sumagot kung paano ako nagku-court.”

Nang sumagot na si Kyline, natatawa rin na sinabi nito, “Naku, Maverick, pinahamak mo ko. Hindi… joke lang.”

Tinanong tuloy si Kyline, nasa ligawan stage pa nga lang ba sila o sila na?

Nakangiting tugon niya, “Siguro, maybe, this is a very showbiz answer, but I really enjoy his company.

"Like, truly, from the bottom of my heart. I really enjoy his company as friends and as—well, we don’t know the future.”

Pakli ni Kyline sa tanong kung paano manligaw si Mavy, “He’s really a gentleman.”

Dagdag pa niya, “Super! Sa lahat ng nakilala ko, siya talaga ang pinaka-gentleman sa lahat ng iyon.

"Hindi sa lahat ng nanligaw sa akin, blah, blah, blah, but sa lahat ng lalaking nakilala ko except, of course, from my loved ones or family members.

Continue reading below ↓

“Siya talaga ang pinaka-gentleman to the point na nagagalit siya kapag ako ang nagbubukas ng pinto.”

Biro ng press kay Kyline, malakas palang maka-"girl" si Mavy?

Reaction niya, “Nakaka-dalagang Filipina.”

Sa isang banda, ginagampanan ni Kyline ang karakter ni Tiffany “Tiffy” Wenceslao at si Mavy naman Sebastian “Basti” Estrellado sa I Left My Heart in Sorsogon na magsisimula nang mapanood sa Lunes, November 15.

Sa title pa lang ng serye, natural nga lang na sa probinsiya ng Sorsogon sila nag-lock-in taping nang halos isang buwan.

Unang beses ni Mavy na makarating dito at si Kyline ay taga-Bicol talaga.

Lahad ni Kyline, “Nakapunta na po kasi ako ng Sorsogon at sinabi ko nga po kanina, Bicolano po kasi ako.

"So parang it’s not that surprising for me kung gaano kaganda sa Sorsogon.

“But noong nakapunta po kasi ako sa Sorsogon for the very first time, hindi pa siya gano’n kaganda. It was quite surprising.

Continue reading below ↓

"Ang dami nang nag-evolve and na-promote na yung tourism.”

Dugtong din niya, “I’m taking Tourism right now at ang purpose ko naman talaga of taking Tourism is mas makilala ko pa ang Pilipinas.

"With my craft and my stage right now and with my audience, internationally and locally, mas gusto kong makita nila kung gaano kaganda at sinabi nga ni Michelle [Dee] that Philippines is a really, really beautiful place.

"At marami pang mga hidden gems dito sa Pilipinas at isa na rin diyan ang Sorsogon.”

Para kay Mavy naman, “I don’t get to travel around the Philippines so about Sorsogon, I don’t have information or whatsoever.

"Pero alam ko na governor is Governor Chiz [Escudero], yun lang ang alam ko sa Sorsogon. So I’m very excited na naka-travel ako sa Sorsogon.

“’Yung iba kasi, dati sa mga teleserye before, provincial show sila para mag-promote.

"So they got the chance to go around the Philippines. Ako naman, hindi. But I’m very excited.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Mavy, “When I got to Sorsogon, it was very developed. Napaka-peaceful. It’s very quiet compared to Metro Manila that I’m very used to.

“It was such a very great experience, especially the food, the culture, the way of life doon at saka yung body clock ko, nag-iba talaga ro’n during my stay in Sorsogon.

“As you see pag dito sa Manila, puyatan. 2 a.m., 3 a.m. na natutulog. But when I got there, parang naging provincial clock.

"Tulog na ng 9, gising na ng 5. Naging normal na sa akin yun at dinala ko yun sa Manila.

“I’m very grateful that I was able to live in Sorsogon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara and Mavy Legaspi talk about their "nagle-level up ang relationship," while working on the GMA-7 series I left my Heart in Sorsogon.
PHOTO/S: @mavylegaspi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results