Albie Casiño explains why Brenda Mage is PBB "Big Winner material"

by Bernie V. Franco
Nov 18, 2021
Albie Casino Brenda Mage
Albie Casiño says Brenda Mage has what it takes to be the Pinoy Big Brother Big Winner in the ongoing PBB Season 10.
PHOTO/S: Kumu / instagram

Si Brenda Mage, 32, ang bet ni Albie Casiño, 28,manalo sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Ayon kay Albie, daig ni Brenda ang ibang housemates pagdating sa kasipagan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Si Albie ay ang latest evictee sa current PBB season. Na-evict siya nito lamang November 14, 2021.

Siya ang pangalawang celebrity housemate na napalabas sa ongoing PBB season. Ang una ay si Mister Supranational Philippines 2021 John Adajar.

Sa PBB Kumu Live noong November 15, tinanong ng mga host na sina Bianca Gonzalez at Enchong Dee si Albie kung sino sa tingin niya ang “Big Winner material.”

“Si Mama Brenda, para sa akin,” mabilis na sagot ng Kapamilya actor.

“Because nakikita ko siya, lagi siyang gumagalaw sa loob ng bahay…

“Siya ang naglilinis ng banyo madalas. There’s eight girls in the house, so medyo nagkaka-furball sa drainage. Sa mga buhok…” natatawang pagbabahagi ni Albie.

Masipag daw maglinis ng banyo ang komedyante. Bukod sa masipag, wala rin daw itong arte kapag naglilinis.

Continue reading below ↓

Saad ni Albie, “Ako, pag nakikita ko, alam mo, ayokong hawakan iyan, medyo kadiri.

“Kahit baha na, bahala na. Okay lang. Maliligo na lang ako nang baha. Hindi ko na pupulutin.

“Si Mama Brenda, talaga pulot doon. Lahat ng mga dishes, nililinis.

“Tapos, tinanong ko nga sa kanya iyan. Kakadating ko lang, ‘Mama Brends, bakit ikaw lagi ang naglilinis?’”

Sagot daw ni Brenda sa kanya, “Wala lang, gusto ko lang naglilinis ako.’”

Sa kabila nito, humirit si Albie na hindi niya pinapalinis ang mga gamit niya kay Brenda.

“Pero I never let her wash my stuff.

"Parang it was just my thing na, parang wash my own things. Because I hate washing stuff [but] you better do something you hate every day.”

Ablie Casino PBB

Continue reading below ↓

BRENDA ISSUE WITH FELLOW HOUSEMATE EIAN RANCES

Sa kabilang banda, naging kontrobersiyal sa social media ang kumalat na halos one-minute video ng pag-uusap ni Brenda at ng fellow housemate na si Eian Rances.

May kinalaman ito sa inappropriate joke ni Brenda kay Eian.

Sa video, nagbigay si Brenda ng scenario na nag-iinuman sila ni Eian.

Pagkatapos ay tinanong ni Brenda si Eian kung “tuloy o tigil” kung “hawak ko pa lang...”

Bagamat walang pagtukoy kung ano ang bagay na sinasabing hawak ni Brenda, pakiwari ng netizens ay tinutukoy ni Brenda ay pribadong body part ni Eian.

Ikinadismaya ito ng netizens at may mga nagsabing na-turn off sila kay Brenda, bagamat siya sana ang nais nilang manalo sa PBB.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño says Brenda Mage has what it takes to be the Pinoy Big Brother Big Winner in the ongoing PBB Season 10.
PHOTO/S: Kumu / instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results