Dina Bonnevie relearns parenting from character in The World Between Us

by Rommel Gonzales
Nov 20, 2021
Dina Bonnevie children Danica Sotto-Pingris and Oyo Sotto
Dina Bonnevie on the series The World Between: "During the season break ang naging realization ko about the show is that marami siyang taong mata-touch." Also in photo: Dina's daughter Danica Sotto-Pingris and her son Oyo Sotto.
PHOTO/S: @dinabonnevie on Instagram

Bilang isang magulang, maraming takeaway si Dina Bonnevie mula sa character niyang si Rachel Libradilla sa seryeng The World Between Us.

May mga similarities raw siya sa ina ni Brian, played by Tom Rodriguez.

Aniya, "Rachel is such a workaholic corporate woman, ganun din ako kasi I run my own business."

In real life, dalawa ang anak ni Dina sa ex-husband na si Vic Sotto. Sila ay sina Danica at Oyo, na parehong may asawa na at mga anak.

At bukod sa restaurant venture niya, abala ang aktres sa kumpanya niyang La Bon Vie—na nag-e-export at nagbebenta ng handloom woven textile at products yari sa Abel Iloko o inabel.

Para sa mga career-oriented moms, masasabi niyang "downfall" ang pagiging "masyadong busy," lalo na kung may iba pang rason bukod sa financial security ng pamilya.

Paliwanang ng beteranang aktress, "Kasi sometimes I tend to busy myself and give myself too much work para lang to drown out whatever disappointments you have in life.

Continue reading below ↓

"Whatever mga bagay na nangyari sa buhay mo na hindi maganda, lulunurin mo sa pagpapakapagod sa trabaho.

"Hindi rin pala maganda yun!"

Isa ring dapat babantayan ay ang pagiging "in control" sa buhay ng mga anak.

Sa pag-ereng muli ng Kapuso serye sa November 22, 2021, mas magiging pakialamera raw si Rachel bilang ina.

"Parang mas nalalaman niya yung mga ginagawa nila, mas tanung siya nang tanong, ano'ng nangyayari, saan pupunta, ganyan-ganyan.

"Ganun din naman ako, pero sabi ko nga there's no perfect way to parent.

"Kasi you have to parent each child differently, depende sa ugali ng bata, depende sa karakter ng bata...depende sa strengths and weaknesses nung bata."

Wala raw fool-proof na istilo ng pagpapalaki sa anak.

"Hindi ka puwedeng mag-parent na one size fits all. Kailangan ang approach mo sa bawat bata, iba! Depende sa kung ano yung, 'Ito yung highest point niya, ito yung lowest point niya.'

Continue reading below ↓

"Iyon ang natutunan ko, na sabi ko, 'pag ipinagpatuloy itong soap na 'to, maraming makaka-relate sa character ni Rachel.

"And not only sa pagiging nanay, but pati sa pagiging CEO, sa pagiging businesswoman. So iyon."

PROBLEMS AS CHALLENGES

Bukod sa parenting, isa pang makukuhang aral sa mga lead characters na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at maging kay Tom ay ang tamang attitude sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

Hindi raw ito tinatawag na problema dahil mas nama-magnify ang mga sagabal.

Dugtong ng 60-year-old star, "...lalung-lalo na sa character ni Alden, sa character ni Tom, sa character ni Jasmine, ang daming kapupulutan ng aral talaga, strengths and weaknesses ng bawat tao, and how to get over trials in life, curve balls.

"When you're thrown curve balls in life, di ba, parang you have to see problems as challenges and the solutions, you call them your prize.

"Iyon ang major realization ko, don't call it a problem, call it challenge, and call the solution a prize.

Continue reading below ↓

"That's how life should be."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina sa isang mediacon via Zoom noong Miyerkules, November 17.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie on the series The World Between: "During the season break ang naging realization ko about the show is that marami siyang taong mata-touch." Also in photo: Dina's daughter Danica Sotto-Pingris and her son Oyo Sotto.
PHOTO/S: @dinabonnevie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results