Nalungkot man sa kanyang pag-alis sa Pinoy Big Brother house, nagpasalamat pa rin si Chie Filomeno sa kanyang mga tagasuporta pagkatapos ma-evict sa reality show ng Kapamilya Channel noong Sabado, November 20.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, November 21, sinabi ni Chie na damang-dama niya ang mainit na suporta ng kanyang mga tagahanga sa outside world.
Saad niya, “Hello outside world! [heart emoji]”
“Ramdam na ramdam ko ang nag uumapaw na pag mamahal at supporta na binibigay niyo po. Maraming salamat po talaga. Yakap mahigpit sa inyo.
“Love you Kuya and @PBBABSCBNTV [heart emoji]”
Si Chie ang pangatlong evictee sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 kasunod nina John Adajar at Albie Casiño.
Nakakuha si Chie ng pinakamababang boto sa apat na nominado.
Nabahiran din ng ingay ang pamamalagi ni Chie sa PBB house dahil sa pasaring ng kapwa housemate na si Daisy “Madam Inutz” Cabantog noong nomination night last week.
Ayon kay Madam Inutz, wala raw ambag si Chie sa mga gawain sa Bahay ni Kuya dahil puro pagpapaganada lamang ang inaatupag nito.
Inalmahan naman ito ng kapatid ni Chie na si Rio Filomeno.
Sa kanyang Facebook noong November 16, sinabi ni Rio na hindi deserve ni Chie ang online hate na natatanggap nito dahil sa mga sinabi ni Madam Inutz.
Pahayag niya, “Let your actions contradict what they’re saying.
“My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person.
“Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being a breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them.”
Hanggang ngayon daw ay patuloy pa ring nakakaranas si Chie ng “cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people” kahit na hindi nila ito kilala nang personal.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.