Judy Ann Santos now cautious about doing infomercials after Meralco issue; agrees to do ad for MTRCB

Judy Ann Santos admits that she is now cautious when it comes to doing infomercials. She recalls, "Hindi naman kaila sa lahat na meron akong ginawang infomercial before na medyo na-put ako into hot water."


Suportado ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang bagong infomercial ng MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) na lalabas sa mga telebisyon at sinehan bilang bahagi na rin ng kanilang programang "Matalinong Panonood."
Bilang mga magulang, na-encourage sina Judy Ann at Ryan na tanggapin agad ang alok na ito ng MTRCB. Ayon kay Juday, pinag-usapan din naman daw nila ni Ryan ang pagtanggap dito bilang alam nilang malaking responsibilidad din ang ganitong programa.
Sa presscon ng MTRCB kahapon, February 23, inamin ni Judy Ann, “Siyempre, pinag-usapan namin. Hindi naman kaila sa lahat na meron akong ginawang infomercial before na medyo na-put ako into hot water.

"So, pinag-usapan namin ng mabuti and at the same time, nandoon din kasi yung—bilang mga magulang, alam mong kailangan mo itong gawin, hindi lang para sa mga anak mo kung hindi sa younger generation as well."

Matatandaan na naging malaking issue noong 2008 ang paglabas ni Juday sa infomercial ng Meralco.

(Read: Meralco infomercial threatens to smear Judy Ann Santos’s image)

“Saka, hindi naman malayo sa totoong eksena sa bahay namin ang eksenang gagawin namin para ipalabas ng MTRCB.”
Dugtong pa ni Juday, “Hindi kami nag-worry, e.

“Mas natuwa pa nga kami the fact na, sabi nga namin, sa rami ng mag-asawang artista, kami ang napusuan na gumawa ng infomercial. Malaking push ito para sa aming mag-asawa na, credible pala kami para maging model sa mga young couples.”
Wala pa man daw ang ginawa nilang infomercial, bilang mga magulang ay tutok na raw talaga sina Judy Ann at Ryan sa mga pinapanood sa telebisyon at pelikula ng kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho.
Ayon kay Juday, “Oo naman, kasi, nae-experience namin kung paano sila magtanong. Nae-experience namin ang mga ginagaya nilang eksena sa bahay mapa-local o Hollywood.
“Kami, nakikita namin ang pinapanood nila, foreign man o hindi, nakatutok kami. Ine-explain namin kung violent masyado ang eksena. Sinasabi namin na it’s all acting. That’s not happening in real life even if we know, sometimes, it really happens in real life.
“Pero siyempre, hindi mo na i-e-extend pa hanggang doon ang explanation mo dahil hindi pa naman naga-grasp yung idea na yun.”
May mga insidente raw talaga na ginagaya minsan ng anak nila kung ano ang eksenang napapanood ng mga ito.
Kuwento pa rin ni Juday, “Lalo na si Yohan, may mga times na ginagaya niya yung eksena ng kontrabida.
“Sabi ko nga, anak, bakit naman yung kontrabida, hindi puwedeng bida yung gayahin mo? Kontrabida agad? Walang leveling,” natawang lahad niya.
“Hindi namin gustong itago ang mga nangyayari sa bahay dahil yun talaga ang nangyayari. At bilang celebrities, hindi namin maikakaila na tatanungin at tatanungin kami kung gaano ba kami ka-normal sa bahay. Dinidisiplina ba namin ang mga anak namin, so yes, tutok po kami sa mga anak namin.
“Yes, inaamin ko, hindi sa lahat ng oras nandoon kami dahil may mga trabaho kami. Pero, lahat ng pupuwede naming gawing paraan para ma-proteksiyunan sila at sa malisyosong mga bagay at the same time, mga violence na mapapanood nila, kung hanggang saan namin mae-explain, ine-explain namin at ginagawa naming discussion sa bahay.”
Tinatanong ng entertainment media si Judy Ann kung binigyan sila ng mister niya ng talent fee sa pagkakagawa nila ng infomercial o hindi na sila nagpabayad.
Sabi naman ni Juday, “Wala, wala…
“Lahat ito ay para sa bayan,” natatawang sabi ng ABS-CBN actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN