Yam Mercado on kissing scene with Elijah Filamor in BL series: "Marami pang ibang tumutusok, bigote lang ang nauna!"

by Jerry Olea
Nov 22, 2021
elijah yam love at the end of the world
Yam Mercado (left) and Elijah Filamor (right) star in the "Happy Together" episode of the GagaOOLala BL series Live At The End of The World.

Mag-boyfriend sina Renzo (Elijah Filamor) at Chris (Yam Mercado) sa BL series na Love at the End of the World, na magpi-premiere sa Disyembre 30 sa GagaOOLala.

“Magulo ang relasyon namin dito dahil pareho kaming drug addict,” paglalarawan ni Elijah nitong Nobyembre 18, Huwebes ng hapon, via Zoom.

“So, hindi siya masyadong masaya. Wala siyang kiligan. Toxic siya, toxic relationship.”

Sambot ng palangiting si Yam, yung karakter niyang si Chris ang nagturo kay Renzo na magdroga, “And from there, sobrang naging toxic na yung relationship namin.

“Pero if there’s one thing about Chris, ito yung ano, parang… fucked up na lahat sa kanya, pero there’s someone na kaisa-isang tama sa buhay niya, which is Renzo.

“Toxic lang talaga yung relationship, but all they have is each other.”

Sa teaser ng Episode 4 (“Happy Together”), napaka-intense ng kanilang confrontation.

Pag-ayon ni Yam, “Opo. Parang buong episode namin, nagmumurahan lang kaming dalawa. Ha! Ha! Ha! Ha!

Continue reading below ↓

“Naka-flatbed kami ni Eli. Yung eksena namin, driving habang nagtatalo kami. And then, nung mismong shooting day namin, umulan.

“E, nasa Tanay, Rizal kami. Bulubundukin dun. So, hindi makaakyat yung flatbed. So, may mga delay sa time.

“And then, siguro nakakapagod lang. Kasi, all throughout ng eksena namin ni Eli, nagsisigawan talaga kami. Talagang raging hormones kami dito ni Eli.”

“Opo,” pag-second the motion ni Eli, “napakahirap nung breakdown scene namin ni Yam na kailangan naming umiyak. Hindi naman totally umiiyak pero kailangan naming magmukhang umiiyak.

“Sobrang hirap po, kasi marami kaming naging delay sa oras dahil nahirapan po kami sa mismong location.

“Nung kailangan po naming i-shoot yung iyak scene, e, sa araw po yun. So, parang… kailangan naming magmadali, kasi lulubog na ang araw.”

Dagdag ni Yam, “Nung kinukunan namin yung eksena, merong lasing na nasa ilog at nagbi-video. May mga batang nagtatakbuhan.

“May aso, maraming tao sa paligid. Kasi ano po yun, e, parang open area na ilog. Tapos, dun namin kailangang mag-breakdown, e, andaming nangyayari sa paligid. So, andaming distractions.”

Continue reading below ↓

HESITANT TO ACCEPT THE PROJECT

Nag-hesitate si Yam na tanggapin ang Love At The End Of The World nang ialok ito sa kanya.

Paliwanag ni Yam, “Natakot ako, kasi I’m doing commercials prior to the BL. And then, nung narinig ko na sensual siya, na may mga bed scene — talagang nagdalawang-isip ako.

“Pero nung nabigay na sa amin yung full script, nung nabasa ko na yung istorya… na bukod sa sex, malalim din yung kuwento ng characters naming dalawa, so maganda yung project. Hindi na ako nahirapang mag-yes for the project.

“And, yeah, something new. Ito yung mga bagay na takot akong gawin. Hindi ko pa rin nagagawa, hindi ko pa nae-experience ito.

“Nag-expect ako na makakakuha ako dito ng growth as an actor kaya I’m up for the project.”

yam mercado love at the end of the world

Continue reading below ↓

Yam Mercado

Umoo agad si Elijah nang tawagan siya ng co-actor na si Rex Lantano, na isa sa executive producers ng Love At The End Of The World.

Salaysay ni Elijah, “Nung time po na yun, lasing po ako. So, oo lang po ako nang oo sa kanya. Tapos, kinabukasan, bigla kong na-realize, ‘Shit! May inoohan pala akong BL project.’

“So, after po nun, tinanong ko talaga si Rex kung tungkol saan yung project, ganito-ganyan. Tapos yun, naging interesado po ako. Kasi, hindi lang siya basta BL, e.

“Kumbaga, isa sa mga dream ko, magkaroon ng isang show na tungkol sa end of the world. So, yun nga, gusto ko ring ma-experience yung BL, kasi iba siya, e.

“Kumbaga, andun yung pagiging open mo sa totoong mundo, sa totoong nangyayari. Progressive tayo dapat.

“At nung nalaman ko na si Shandii Bacolod ang magdidirek, nagustuhan ko talagang sumali sa show na yun.”

Continue reading below ↓

"DEVIRGINIZED"

Kumusta ang pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa? Paano sila nag-bonding upang hindi sila mailang sa mga eksena bilang magkasintahan?

Natatawang tugon ni Yam, “First shooting day namin, nag-chukchakan agad kami ni Eli, e! So, malaking factor na una naming eksena ay maghahalikan kami.

“So, malaking pambasag iyon sa bond naming dalawa. And magaan namang katrabaho si Eli. Madali kaming nagkasundo ni Eli.

“Actually, makulit ako, pero pareho kaming tahimik ni Eli pag magkasama kami. As in chill lang kaming dalawa.

“Pinag-uusapan lang namin palagi kung ano yung relationship nung characters namin.”

Pag-ayon ni Elijah, “Hindi kami masyadong nahirapang mag-adjust ni Yam dahil yun nga, ang first encounter namin sa set ay kailangan na naming magkaroon ng kissing scene agad.

“Yun yung inuna ni Direk para after nun, hindi ka na mahihiya. Tapos, pag hindi kami nagsu-shoot, usually ka-chat ko si Yam.

“Nagpapalitan kami ng ideas. Kumbaga, kung saan kami kukuha ng inspiration.”

Continue reading below ↓

First time ito para kina Yam at Elijah na makipaghalikan sa kapwa lalaki.

“Dito po kami na-devirginize!” bulalas ni Yam.

elijah filamor love at the end of the world

Elijah Filamor

KISSING SCENE

Nag-enjoy ba sila sa kissing scene? Nadala ba sila? Masarap ba?

Natawa si Elijah, “Ako, na-enjoy ko siya. Ewan ko lang kay Yam! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Continue reading below ↓

“Masarap pong humalik si Yam, medyo ano lang, may tumutusok lang kasing bigote. Medyo hindi ko po… nati-trip-an yun. Pero OK… OK!”

Natatawang sambot ni Yam, “Ha! Ha! Ha! Hindi ka nakiliti, Eli? Ha! Ha! Ha!”

“Nakiliti nga ako, e,” sabi ni Elijah.

Nanibago lang daw si Elijah sa pakiramdam dahil may tumutusok.

Hirit ni Yam, “Marami pang ibang tumutusok, bigote lang ang nauna!”

Na-enjoy ba ni Yam ang halikan nila ni Elijah?

Nautal nang bahagya si Yam, “Ako… nung nalaman ko… na ang una naming eksena ay magki-kissing-kissing kami ni Eli… may panic attack ako!

“Parang… ito na! Gagawin ko na yung project! Nag-oo nga pala ako. Tapos, meron kaming bed scene, may halikan. Tapos, nakita ko si Khalid [Ruiz]. Nasa sulok si Khalid, kinakabahan din si Khalid.

“Sobrang kinakabahan din ako. So, sabi ko… dito ako kay Khalid, para pareho kami ng energy, kinakabahan din ako. So, tumabi ako kay Khalid dahil sobrang tensyonado na ako.

Continue reading below ↓

“Tapos, si Khalid, wala talagang conversation sa aming dalawa. Kasi, pareho kaming tensyonado.

“Sabi ko kay Khalid, ‘Iwanan na kita diyan, Khalid. Lalo akong kinakabahan pag ikaw yung katabi ko.

“Tapos, nung mismong eksena na, grabe na ‘to! Talagang nagpa-panic attack na ako! Kasi, andun din yung iniisip ko rin na… na same sex yung kahalikan ko.

“Tapos, para siyang nag-change ng branding, e. Nag-worry rin ako sa mga kontrata ko sa commercials. Tapos, pina-video ko yung eksena namin ni Eli. Dun ako nagsimula para maging mas komportable ako sa mga susunod.

“Pero yung una talaga namin na halikan, para akong binabangungot. Parang… parang… parang bigla akong nakaramdam na hindi yata ako sigurado.

“Parang andun yung nag-doubt din ako sa sarili ko, kasi, natakot din ako sa eksena. Yun pa yung una naming eksena ni Eli — magkakagatan agad kami ng labi.”

Ilang take iyon?

Napabuntong-hininga si Yam, “One take lang po, awa ng Diyos! Ha! Ha! Ha! Ha! Parang ang hirap din naman po pag naka-10 takes pa kami ni Eli! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

Si Khalid Ruiz ang ka-partner ni Markki Stroem sa Love At The End of the World.

BODY PARTS

Physically, anong bahagi ng katawan ng kanilang ka-partner ang nagustuhan nila?

Pilyo ang ngiti ni Elijah, “Actually, gusto ko yung kutis niya. Kasi, maganda yung kutis niya.

"Tapos, dahil nag-kissing scene na rin kami… malaking bagay na malambot yung labi niya. Kasi, nakakatulong yun sa imagination mo.

“Yun lang… Pag nag-shave na siya, OK na, e!”

Matamis ang ngiti ni Yam, “Sa akin, yung katawan na mismo ni Eli. Ano, e, toned na toned si Eli, e. Wala talagang tiyan si Eli, e.

“E, may mga eksenang ako pa yung topless. So, pag kausap ko si Eli, at naghubad ako, ako yung nakaganyan, e,” paghalukipkip ni Yam.

“Ha! Ha! Ha! Ha! May daya! Yun kay Eli talaga, talagang toned, e. So, yung katawan ni Eli. Very sexy. Pambigote!”

yam elijah love at the end of the world

Continue reading below ↓

Yam Mercado and Elijah Filamor

Yung lips ba ni Elijah, malambot din o tigas-tigasan?

“Masarap din yung ano, yung lips ni Eli!” mabilis na tugon ni Yam.

“Masarap din yung lips ni Eli. Nag-blackout ako! Ninamnam ko! Nung sinabing ACTION, wala na!” panggigigil pa ni Yam na animo’y sinisibasib si Elijah.

Gaano katagal ang halikan nila?

Sagot agad ni Yam, “Parang… Matagal! Matagal ang mga eksena namin. Parang… TUKA! Lipat! TUKA ulit! Lipat. TUKA ulit! So, medyo mahaba.”

Alam na ng mga kapamilya at kapatid nila ang mapapangahas na ginawa nila sa Love At The End Of The World.

Pagbabahagi ni Yam, “Yung kissing scene namin, pag may preview, bini-video ko. Tapos, inuunahan ko na yung pamilya ko. Ipinapakita ko sa tita ko, sa mga pinsan ko. O, eto… para hindi na kami magulat nang sabay-sabay.

“Tapos, sasabihin ng tita ko, ‘Mali! Dapat ganito mo hinalikan!’ Tapos, tinuturuan pa ako ng mga pinsan ko. Parang tinatanggal nila yung tension for me.

Continue reading below ↓

“Kasi, nag-aalangan din akong ipakita sa kanila. Pero nakatulong sa process na ipinapakita ko sa kanila yung mga behind-the-scenes. Para ready rin sila.

“Saka para nadadala ko rin sila na maging progressive din sila. Maging open sila na there’s nothing wrong with BL.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yam Mercado (left) and Elijah Filamor (right) star in the "Happy Together" episode of the GagaOOLala BL series Live At The End of The World.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results