Kyle Echarri's mom defends singer-actor following his nomination in PBB

by Bernie V. Franco
4 days ago
Kye Echarri pbb kumunity
Singer-actor Kyle Echarri got the highest number of points from his housemates on the fourth nomination night of PBB last weekend. His mom Marie Echarri (inset) takes to Instagram to defend her son.
PHOTO/S: ABS-CBN /@marie_echarri on Instagram

Ipinagtanggol si Kyle Echarri, 18, ng kanyang ina kasunod ng pagkaka-nominate for eviction ng Kapamilya star sa fourth nomination ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Nanguna si Kyle sa nomination tally ng housemates. Nakakuha siya ng 13 points, sinundan ni Anji Salvacion na may 11 points, at si Alexa Ilacad na may 7 points.

Viral topic si Kyle sa Twitter dahil sa pagiging nominado niya para lumabas ng Bahay Ni Kuya at ang dahilan ng pagkaka-nominate nito.

Ilan sa mga bumotong housemates ay sinabing hindi tumutulong si Kyle sa mga gawain sa loob ng PBB house.

Kaugnay nito, nag-post ng magkakasunod na mensahe ang ina ni Kyle na si Marie Echarri sa Instagram para ipagtanggol ang anak.

Sabi ng ina ng Kapamilya singer-actor, “misunderstood” ang kanyang anak at hindi ito perfect gaya ng lahat ng tao.

Sa kabila nito, alam daw ng mga tunay na nakakakilala kay Kyle ang katauhan nito.

Continue reading below ↓

Bakas sa post ni Marie ang pagdepensa kay Kyle sa gitna ng kritisismong natatanggap ng anak.

Aniya, “Don’t fret, no matter how misunderstood, criticized and denigrated, those of us who knows you & sees the good in you are here to continue reminding you that you are loved.

“You are not perfect but to us you are enough.”

Continue reading below ↓

Sumunod na post ni Marie patungkol kay Kyle: “Perfectly imperfect and we love you just the way you are.”

Sa pinakahuling post ni Marie ngayong Miyerkules, November 24, patuloy ang pagtatanggol niya kay Kyle.

Aniya, “We all got our moments, we fall, we fail, we breakdown and that’s okay. Thank God for being human.”

Ang mahalaga raw ay tumayo ang isang tao sa kabila ng kanyang mga kakulangan.

WHAT OTHER HOUSEMATES SAY ABOUT KYLE

Umani ng maraming reaction ang video ng PBB housemate at beauty queen na si Samantha Bernardo sa nomination night noong Sabado, November 21, 2021.

Sumbong ng beauty queen, "One point si Kyle. Tinuruan ko na po siya na magsaing, hindi pa rin po siya tumutulong sa gawaing bahay."

Sabi naman ng iba pa, nakikita nila ang pagiging malungkutin ni Kyle sa loob ng bahay at pagka-miss nito sa kanyang pamilya.

Viral din ang video kung saan may hirit ang PBB housemate na si Madam Inutz si Kyle.

Continue reading below ↓

Sa video, tinuturuan ni Samantha si Kyle kung paano magsaing.

Sabi naman ni Madam Inutz, “Oo nga pala, siya na lang hindi nagsasaing dito.”

Sundot ni Chie Filomeno, “Hindi ka pala marunong magsaing?"

Humirit muli si Madam Inutz, “Hindi. Marunong lang siya kumain.”

Si Kyle ay isa sa mga bini-buildup na young artists ng ABS-CBN at katambal ni Francine Diaz.

Unang nakilala si Kyle nang sumali siya sa The Voice Kids noong 2015 sa grupo ni Coach Sarah Geronimo.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Kyle Echarri got the highest number of points from his housemates on the fourth nomination night of PBB last weekend. His mom Marie Echarri (inset) takes to Instagram to defend her son.
PHOTO/S: ABS-CBN /@marie_echarri on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results