Jason Abalos braces himself for 'tatay, tiyo, support' roles

by Ruel J. Mendoza
Dec 4, 2021
Jason Abalos on playing support roles
Jason Abalas aims for longevity in showbiz, but prepares himself for the eventuality of playing support roles to a younger generation of budding actors.
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram

Thankful si Jason Abalos na kahit maraming mga bagong aktor na nagsusulputan, nabibigyan pa rin siya ng leading man role sa mga teleserye.

Pero hindi naman itinanggi ng 36-year-old Kapuso actor na medyo kinakabahan siya tuwing may mga bagong mas batang aktor na bini-build up ang GMA.

“I’m at this stage of my career na medyo natatakot na rin ako," panimula ni Jason sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom noong November 17, kasabay ng kanyang contract renewal with GMA Artist Center.

"Let's face it, maraming mga bagong mukha ngayon, and they are obviously a lot younger than me. Minsan nga, naiisip ko na baka ang next role na ibigay sa akin ay tatay na, o di kaya tiyuhin or kuya na ng bagong aktor na magbibida.

"Kaya sobra ang pasasalamat ko sa GMA kasi, kita niyo naman, kahit na 17 years na tayo sa trabahong ito, magagandang roles pa rin ang binibigay sa atin. Tulad nga itong Las Hermanas ay nakatrabaho ko pa sina Yasmien Kurdi at Jennica Garcia.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang, marami pa akong gustong makatrabaho na leading ladies, pero doon na tayo sa reality na darating din ang panahon na magiging support na ako sa mga baguhan. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa ganyang pagkakataon."

JASON ON ALBERT MARTINEZ'S CAREER ADVICE

Naging malaking tulong daw kay Jason ang co-star niya sa Las Hermanas na si Albert Martinez. Pinayuhan daw siya ng veteran actor na huwag matakot sa mga magiging pagbabago sa kanyang career sa pagdaan ng mga taon.

Kuwento niya, "Maraming na-share si Sir Albert sa akin in regards to reinventing your career.

"Napapanood ko kasi ang mga movies ni Sir Albert at dumaan nga raw siya sa iba't ibang roles para kahit paano ay maramdaman na nandiyan pa rin siya. Naging kontrabida na siya, nagpa-sexy na rin siya, hanggang sa ang roles niya mga tatay na.

"Sir Albert told me na magkakaroon ng void sa career ng kahit sinong artista. Pero I can be the void. Ako lang daw ang nandoon at doon na raw ako puwedeng sumubok ng ibang direksyon sa acting career ko.

Continue reading below ↓

"Kaya naiintindihan ko na kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin ang katulad ni Albert Martinez kasi hindi sila natatakot na maiba ang image nila."

Gusto ni Jason na tumagal pa siya sa pagiging artista dahil ito ang gusto niyang gawin simula pa noong bata siya.

Paliwanag niya, "Ayoko kasi na basta na lang ako mawawala o makakalimutan ng mga tao.

"Maraming mga artista na sumikat pero noong mawala na sila, hindi na sila naaalala. Kaya gusto ko lahat ng gawin kong projects ay magmamarka.

"I want to be like Albert Martinez or the late Eddie Garcia, na kahit dumaan ang maraming taon at maraming artista, sila yung nagiging basehan ng pagiging isang mahusay na aktor.

"I want to stay relevant in the business kasi ito ang passion ko. Acting is really my passion. Ito kasi yung talagang gusto kong gawin—ang tumagal nang tumagal.

"Kasi nga talagang nasa puso ko ang pag-arte, nasa puso ko ang showbiz industry. Kaya kahit gawin ko ito, siguradong mag-e-enjoy lang ako. Kaya ang maging isang durable actor ang isa sa gusto kong ma-achieve balang-araw."

Continue reading below ↓

jason on politics and public service

Pagkatapos umere ng Las Hermanas sa 2022, magiging abala na sa kampanya si Jason, na tumatakbo bilang provincial board member sa 2nd district of Nueva Ecija.

Ito ang ikalawang pagkakataon na kakandidato ang aktor. Noong 2016, tumakbo siyang municipal councilor ng Pantabangan, Nueva Ecija, pero hindi siya sinuwerteng manalo.

Ayon kay Jason, gusto lang daw niyang ituloy ang magagandang gawain ng kanyang amang si Popoy Abalos, na kasalukuyang board member ng kanilang probinsya.

Hindi na raw bago sa aktor ang public service, lalo na sa mga kababayan niya sa Nueva Ecija. Makikita sa kanyang Instagram account ang pagtulong niya sa maraming naging biktima ng sakuna.

Noong magkaroon ng pandemya last year, isa si Jason sa nagbigay ng ayuda sa maraming pamilya sa kanilang probinsya.

Aniya, "Hindi mo naman madadala sa langit ang mga tinago mong kayamanan, di ba? Kaya hanggang kaya nating tumulong, gawin natin ang public service.

Continue reading below ↓

"Hindi naman tayo naghihintay ng kapalit. Ang makita lang na may mga tao kang nabigyan ng konting kaginhawaan sa buhay, masarap sa pakiramdam iLasyon."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalas aims for longevity in showbiz, but prepares himself for the eventuality of playing support roles to a younger generation of budding actors.
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results