Watch Now

DonBelle, Lovi, Janine, Angelica, Francine headline iWant TFC 2022 offerings

by Jerry Olea
Dec 11, 2021
donbelle he's into her
Donny Pangilinan and Belle Mariano, more popularly known as DonBelle, reunite for the second season of the iWant TFC series He's Into Her.
PHOTO/S: iWant TFC

Todo-todo ang pagbubunyi ng DonBelle fans nitong Disyembre 10, Biyernes.

Sa araw na ito ang premiere ng pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na Love is Color Blind sa SKY Pay-Per-View.

At sa iWantTFC Unwrapped event nito ring Biyernes, bidang-bida ang New Gen Phenomenal Love Team!

Tampok sa event ang unang batch ng mga bagong palabas ng iWant TFC para sa 2022, sa pangunguna ng second season ng seryeng He’s Into Her. Matitikman nina Max (Belle Mariano) at Dein (Donny Pangilinan) ang tamis at pait ng pag-ibig bilang bagong magkasintahan.

Suportado pa rin dito ang DonBelle nina Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Gello Marquez, Ashley del Mundo, at Dalia Varde.

SLEEP WITH ME

Noong Setyembre pa napabalita ang pag-ober da bakod ni Lovi Poe, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya itinatampok sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Replay ang mga forthcoming episode ng MMK this December, kaya next year pa malamang mapanood dito sa Lovi, pagktapos makunan ang teleserye nila ni Piolo Pascual na Flower of Evil. May isa pang sikat at mahusay na aktor na kasali sa Flower of Evil, pero bawal pa iyong i-reveal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasado na ang GL (girls’ love) project ni Lovi with Janine Gutierrez para sa iWant TFC, ang Sleep With Me. Kuwento ito ng pagmamahalan ng isang radio DJ na naka-wheelchair, at isang babaeng may sleep disorder. Kaabang-abang ang tambalang ito ng dalawang dating Kapuso!

TARA G!

Whatever happened to TV5’s Love on da Move kung saan bida sina Elmo Magalona, Elisse Joson, JC Alcantara, Patrick Quiroz, Vivoree Esclito, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Kaori Oinuma, at Jeremiah Lisbo?

Si Patrick ay mag-iisang taon na sa Amerika, lumipad bago mag-streaming ang Hello, Stranger The Movie noong Pebrero. Buwag na ba talaga ang love team nila ni Vivoree?

Hopia at asado pa ba ang fans ng tambalan nina Tony at JC na may second season ang BL series na Hello, Stranger? Official entry sa MMFF 2021 ang Love at First Stream kung saan bida sina Daniella Stranner, Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, at Anthony Jennings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At para sa 2022, hatid ng iWant TFC ang barkadahan nina Daniella Stanner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, JC Alcantara, Zach Castaneda, at CJ Salonga sa Tara G.

THE GOODBYE GIRL

Pangungunahan ni Angelica Panganiban ang The Goodbye Girl na tungkol sa iba’t ibang klase ng babae at ng mga paraan nilang mag-move on mula sa pagiging sawi sa pag-ibig.

Tampok dito ang real-life sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Maris Racal at Rico Blanco, pati sina Barbie Imperial, Elisse Joson, JC de Vera, RK Bagatsing, Turs Daza, at Joshua Colet.

CLICK LIKE SHARE SEASON 3

Tampok sa season 3 ng Click Like Share sina Belle Mariano, Elmo Magalona, Jane Oineza, JC Alcantara, at Vivoree Esclito.

Idinidiin ng anthology na ito ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media.

Ang unang season nito noong Hunyo ay tinampukan nina Francine Diaz (“Cancelledt”), Kyle Echarri (“Reroute”), Seth Fedelin (“Trending”), at Andrea Brillantes (“Poser”).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumida sa ikalawang season noong Setyembre sina Janella Salvador (“Barter”), Tony Labrusca (“Altered”), Barbie Imperial (“Found), at Maymay Entrata (“Lurker”).

BOLA BOLA

Pag-aagawan ng tatlong lalaki ang kagandahan ni Francine Diaz sa Bola Bola.

Ang tatlong leading man ni Francine ay sina Akira Morishita ng BGYO, Ashton Salvador, at KD Estrada na kasalukuyang nasa Bahay ni Kuya.

Isa si KD sa anim na housemate na nanganganib muli sa double eviction ng PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition ngayong Disyembre 11, Sabado.

Ang lima pang candidates for eviction ay sina Anji Salvacion, Daisy “Madam Inutz” Lopez, Samantha Bernardo, Shanaia Gomez, at Benedix Ramos.

MRS. PIGGY

Mother’s Day offering ng iWantTFC na Mrs. Piggy, tungkol sa isang inang nasubsob sa paghahanapbuhay kaya’t hindi na niya namalayan ang paglaki ng mga anak niya.

Bida rito ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde.

Unang batch pa lang ito ng mga bagong originals na darating sa iWantTFC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

i want tfc shows

OTHER OFFERINGS

Ipapalabas din sa iWant TFC ang MMFF 2021 entry na Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine) nina Charo Santos at Daniel Padilla.

Itinampok din sa iWant TFC Unwrapped ang trailers ng F4 Thailand na mapapanood na simula Disyembre 18.

Nariyan din ang mga Kapamilya teleseryeng 2 Good 2 Be True ng KathNiel, Darna: The TV Series ni Jane de Leon, The Broken Marriage Vow nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo, at Love in 40 Days nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan and Belle Mariano, more popularly known as DonBelle, reunite for the second season of the iWant TFC series He's Into Her.
PHOTO/S: iWant TFC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results