Kumpirmado na ang pag-alis ni Julius Babao sa ABS-CBN matapos ang halos tatlong dekada bilang Kapamilya.
Kinumpirma ito ng kanyang kasamahan sa trabaho at kaibigan na si Karen Davila sa post nito sa Instagram ngayong Miyerkules, December 29.
Ayon kay Karen, last week na ni Julius ngayon sa ABS-CBN.
Post ng broadcaster: “FULL CIRCLE Of my 20 years in ABSCBN, @juliusbabao has been my co-anchor the longest. He is not just a colleague but a friend.
“We first partnered in TVPatrol World from 2004-2010 with Ted Failon & then Bandila in 2010-2019 with Ces Drilon.
“So you can imagine, I’m feeling nostalgic anchoring with Julius on his last week with ABSCBN.”
Dagdag pa ni Karen, umaasa siyang magkikita at magkakasama silang muli ni Julius dahil maliit lamang ang industriya ng pagbabalita.
Aniya, “The great Freddie Garcia once told me, ‘Karen, in television, change is the only thing that’s permanent’.
“We aren’t here forever but with the years given us, we give it our ALL.
“Kapamilyas come and go but our hearts remain bonded for life.
“I pray and believe for better times ahead for ABSCBN.
“We are strong. Bilog ang mundo at alam ko, magkikita tayong muli. Wishing you well Julius!
“PS. On a light note, I can’t find good photos of us in 2004 & 2010 [laughing emoji] wala pa kasi akong IG!
"#abscbnkapamilya #livegrateful #abscbnnews #ilovemyjob #workharder"
View this post on Instagram
Tumugon naman si Julius sa kanyang post.
Saad ng male newscaster, “Great to see you again Karen!
“We will still see each other soon over coffee, lunch and dinners… im just a stone’s throw away from you!”
May haka-hakang tatawid sa TV5 si Julius para maging main anchor ng Frontline Pilipinas kapalit ng tumatakbo sa pagkasenador na si Raffy Tulfo.
Nagsimula si Julius sa ABS-CBN noong 1993 bilang reporter ng TV Patrol.
Ilan sa mga programang naging bahagi siya ay ang TV Patrol World, Bandila, Alas Singko Y Medya, Talk TV, Mission Possible, at XXX: Eksklusibong, Eksplosibong, Expose.