Movies, TV series to watch this January 2022 and help alleviate COVID woes

by Jerry Olea
Jan 6, 2022
January 2022 offerings
(Top) Markki Stroem stars in My Delivery Gurl, Barbie Forteza in Mano Po Legacy: The Family Fortune; (bottom) Jo Berry is the Little Princess, Vince Rillon and Christine Bermas star in Vivamax movie Siklo.
PHOTO/S: GMA Network / Viva Films / Cignal

Unang pasabog ng Cignal Play ang seryeng My Delivery Gurl nitong Enero 1, Sabado.

Bida rito si Markki Stroem bilang drag queen na si Bianca D na kulang sa ningning, kaya nag-relocate sa Baguio City kung saan nasumpungan niya ang dalawang pogi na humamon sa kanyang marupok na puso.

Leading men dito ni Markki sina Rocky Salumbides at Victor Basa.

my delivery gurl poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MANO PO LEGACY

Buena mano ng GMA primetime ang Chinoyseryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune na nag-umpisa noong Enero 3, Lunes ng 9:35 p.m., pagkatapos ng The World Between Us.

Ipina-feng shui ba ng GMA executives ang pag-uumpisa ng trending Chinoyserye ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza? Sinadya bang may “family” sa title ng Chinoyserye upang mahatak ang mga Kapamilya? Hindi kaya mas mabuting Enero 31 ito nag-pilot, sa bisperas ng Chinese New Year?

mano po legacy pilot episode

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Enero 6, Huwebes, ay 17,220 ang karagdagang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Pinangangambahan na tataas at tataas pa ang bilang ng mga madadagdag na bagong kaso sa mga susunod na araw.

Sa ganyang scenario, maaaliw ba ang televiewers na subaybayan ang istorya ng mga Chinoy?

VIVAMAX OFFERINGS

Siklo ang opening salvo ng Vivamax sa Enero 7, Biyernes. Sexy thriller ito kung saan bida sina Vince Rillon, Christine Bermas, at Ayanna Misola, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Patuloy na mamamayagpag ngayong taon ang Vivamax sa paghahandog ng mga bagong palabas.

Kasado na ang streaming ng Hugas (Enero 14) nina AJ Raval at Sean de Guzman; Reroute (Enero 21) nina John Arcilla, Cindy Miranda, Sid Lucero, at Nathalie Hart; Lulu (Enero 21) nina Rhen Escaño at Rita Martinez; at Kinsenas, Katapusan (Pebrero 4) nina Ayanna Misola, Jamilla Obispo, at Joko Diaz.

Noong 2021 ay pinakamaraming proyekto sa Vivamax si Direk Darryl Yap — Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar; Tililing; KPL Rantserye; Gluta; Ang Babaeng Walang Pakiramdam; Revirginized; 69 + 1; Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso; Sarap Mong Patayin; Barumbadings; Pornstar 2: Pangalawang Putok, Barumbadings; at Pornstar 2: Pangalawang Putok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Direk Darryl pa rin kaya ang pinaka-prolific na Pinoy director ngayong 2022?

siklo christine bermas vince rillon

Christine Bermas and Vince Rillon in Siklo

SPIDER-MAN: NO WAY HOME

Spider-Man: No Way Home ang unang bagong pelikula na ipalalabas sa local cinemas umpisa Enero 8, Sabado.

Meron itong 12:20 a.m. screening sa Newport Cinemas ng Resorts World Manila, Pasay City. Kahit laganap na sa internet ang pirated version nito, iba pa rin siyempre kapag pinanood ito sa big screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang pinakamalakas na pelikula last year. As we write this, umabot na sa $1.4B ang worldwide gross nito.

Dahil nasa Alert Level 3 na ang National Capitol Region (NCR) at mga karatig-lalawigang Bulacan, Cavite, at Rizal, 30% lamang ng seating capacity ang allowed sa loob ng mga sinehan.

Bantayan natin kung dadagsa na ang Pinoy moviegoers. Mula nang mag-open ang local cinemas noong Nobyembre 10 hanggang sa ganapin ang 47th Metro Manila Film Festival umpisa Pasko ay matamlay ang takilya, lalo pa’t humagupit ang bagyong Odette.

spider-man no way home

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I CAN SEE YOUR VOICE SEASON 4

Magsisimula ang fourth season ng mystery game show na I Can See Your Voice ngayong weekend, Enero 8 at 9, Sabado at Linggo ng 9:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, at iWantTFC.

Host si Luis Manzano, at singvestigators sina Negi, Nikko Natividad, Lassy, MC, at Klarisse de Guzman.

Unang sasabak sa Sabado night ang mag-amang sina Janine at Monching Gutierrez sa pagkilatis kung sino ang see-nger at seen-tunado sa mga see-cret songer.

janine monching i can see your voice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Janine Gutierrez and Monching Gutierrez

Sa Linggo, masusubukan naman ang galing sa paghula nina Cherry Pie Picache at Vina Morales. Ito ang unang beses na nagkita si Luis at Cherry Pie matapos kinumpirma ni Edu Manzano ang kanyang relasyon sa Marry Me, Marry You co-star.

luis cherry pie i can see your voice

Luis Manzano and Cherry Pie Picache

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LITTLE PRINCESS

Kung panggabi ang Kapuso Primetime Princess, panghapon ang Kapuso Little Princess na si Jo Berry.

Mag-uumpisa ang serye ni Jo na Little Princess umpisa Enero 10, Lunes ng 3:15 p.m., pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

Bida si Jo bilang Princess Montivano, na gagawin ang lahat upang iahon sa hirap ang kanyang pamilya. Gagamitin ni Princess ang galing niya sa online game na Magic Legends upang sumikat at magkamal ng limpak-limpak na salapi.

jo berry little princess

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STAR CITY REOPENING

Nakatakda ang soft opening ng Star City sa Enero 14, Biyernes ng 2:00 pm.

Magiging open ito araw-araw, 2:00 pmp.m. hanggang 10:00 p.m. Ang introductory price ng Star Pass ay P400.

Sabi sa Facebook page ng Star City, “The long wait is finally over! Star City will be reopening this January 14, 2022!

“Tickets may be purchased at the gate. We will be announcing soon how tickets may be purchased online.

“Malapit na! Kita kits muli sa Star City!”

Right timing ba ang pagbubukas-muli ng nasabing theme park?

star city reopening

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Markki Stroem stars in My Delivery Gurl, Barbie Forteza in Mano Po Legacy: The Family Fortune; (bottom) Jo Berry is the Little Princess, Vince Rillon and Christine Bermas star in Vivamax movie Siklo.
PHOTO/S: GMA Network / Viva Films / Cignal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results