Katrina Velarde, a.k.a. Suklay Diva, doesn't mind being tagged as a Pokwang look-alike

Katrina Velarde (third from left) , the YouTube sensation also known as "Suklay Diva," now stars in the new TV5 Wattpad Presents series, Bitter Ella. She says about her transition from singing to acting: “Sabi ko sa sarili ko dati, hindi ko naman seseryosohin ang pag-arte. Ang first love ko talaga ay singing. Pero nandito na, pinanindigan ko na lang talaga kung ano ang dapat na gawin. Siyempre, sayang naman ang opportunity,



Sanay na si Katrina Velarde o mas kilala sa tawag sa kanyang “Suklay Diva” na sinasabihan siyang kahawig ni Pokwang.

Wala raw namang problema sa kanya kahit na madalas siyang sinasabihan ng mga nakakausap niya o bagong kakilala na malaki ang pagkakahawig niya sa komedyante ng ABS-CBN.

Katwiran nga ni Katrina, “Okay lang po, palagi nga pong sinasabi sa akin.

“Pokwang na po yun, kilala na po, sikat na. Sanay na po ako na sinasabi sa akin na magkahawig daw po kami.”

Simula nang gawin ni Katrina ang seryeng Trenderas sa TV5, hindi na lamang siya sa pag-awit nakikilala.

NEW TV SHOW. Ngayon naman, pagbibidahan ni Katrina ang bagong episode ng Wattpad Presents ng TV5 simula sa Lunes ng gabi kunsaan, ang kapareha niya ay ang GMA-7 star na si Phytos Ramirez.

Ayon kay Katrina, “Sabi ko sa sarili ko dati, hindi ko naman seseryosohin ang pag-arte. Ang first love ko talaga ay singing.

“Pero nandito na, pinanindigan ko na lang talaga kung ano ang dapat na gawin.

“Siyempre, sayang naman ang opportunity, ‘di ba?”

Kumportable naman siyang umarte?

“Actually, habang tumatagal, nag-e-enjoy ako sa pag-arte ngayon.

“Pero siyempre, iba pa rin po kapag singing,” diin ni Katrina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa TV 5 Reliance sa Mandaluyong City noong Huwebes, February 26.

EXPOSURE. Masuwerte si Katrina na mula nang madiskubre siya sa YouTube at makilala nga bilang suklay diva, nakasama siya sa grupong A.K.A. Jam na naging finalist ng The X Factor Philippines at ang grupo rin nila ang nagiging kasa-kasama ni Gary Valenciano sa mga concerts nito dito at sa iba’t ibang bansa at mina-manage sila ni Genesis.

Kaya nakalibot na rin halos si Katrina sa iba’t ibang bansa. Yun nga raw ang mga pinagkaabalahan niya pagkatapos niyang gawin ang Trenderas.

ABORTED THE VOICE AUDITION. Ang ka-grupo niya sa A.K.A. ay naging contestant ng The Voice ngayon, si Monique Lualhati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya naiisip na sumali rin sa naturang reality singing competition?

Lahad niya, “Yung pagsali po kasi, dapat po talaga, noong wala pa po akong Trenderas, hindi pa po ako connected sa TV5, noong may running po na audition sa The Voice, mag-o-audition po sana ko.

“Pero ‘eto, wala nang kaba-kaba ng biglang nagkaroon ng Trenderas. At least, nakakapag-explore pa po ako.”

KISSING SCENE. May kissing scene sila ni Phytos sa Wattpad Presents: Bitter Ella.

Unang beses daw ni Katrina na makipag-kissing scene kaya abot-abot daw ang nerbiyos niya.

Natatawang sabi niya, “Siyempre po noong una, ninenerbiyos ako. Iba naman po kasi ang on-screen, maraming makakakitang tao. Parehas kaming nagdidilatan ng mata.

“Kasi, hindi naman po talaga kasama sa script ang kissing scene. Additional po ni Direk Jay Altarejos.

“Medyo ang hirap, pero nangyari na, so at least, ‘di ba,” natatawa niyang sabi.

Naka-ilang take sila?

Pakli niya, “Naka-dalawa po. Kasi noong una, hindi ayos. Kasama rin po namin sa eksena si Ms. Maritoni [Fernandez], so sabi nila, gawin niyo na. Kapag hindi niyo pa ginawa, makakailang takes pa kayo.”

Dugtong pa niyang kuwento, “Makikita niyo po talaga sa mukha ko na ang arte-arte ko.

“Hindi naman po sa choosy, pero lahat naman daw po ng mga first time na kissing scene, pare-parehas lang na reaction, so, naintindihan nila ko.”

Ang karakter niya sa TV5 show ay isang babae na naging bitter sa pag-ibig.

Nakaka-relate ba siya rito?

“Hindi naman po, kasi, ngayon, wala naman po akong boyfriend. Single naman po ako. At saka, hindi naman po ako lapitin [ng lalaki], mukha po ba kong lapitin? Charot!” natawang biro niya.

NO BOYFRIEND NOW. Pero nagka-boyfriend na siya?

“Opo, pero ngayon po, wala. At saka, masarap din naman na wala.

“Kasi, kapag nagka-boyfriend ka, may limitation sa lahat ng gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka sa akin po, ang mentalidad ko sa boyfriend-girlfriend, maging kayo then, maghihiwalay kayo.

“Sa akin po, kapag nagkaroon ng boyfriend, yun na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN