Dingdong Dantes on leading lady Beauty Gonzalez: "I think, she’s a brilliant artist."

by Rose Garcia
Jan 10, 2022
Dingdong Dantes and Beauty Gonzalez
Dingdong Dantes on Beauty Gonzalez: "Nakita ko yung kanyang commitment sa kanyang craft. That’s why I admire very much her professionalism."
PHOTO/S: @beauty_gonzalez Instagram

Tila nagkaroon ng "mutual-admiration society" ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at ang leading lady niyang si Beauty Gonzalez.

Puring-puri nila ang isa't isa pagdating sa trabaho nila sa I Can See You: AlterNate, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula ngayong Lunes ng gabi, January 10.

Sa online mediacon ng serye, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi ni Dingdong kay Beauty na unang beses niyang nakatrabaho bilang leading lady.

Naging napaka-generous ng aktor sa kanyang komento tungkol kay Beauty.

"It’s such a beautiful experience working with Beauty," sagot ni Dingdong.

"Kasi, talagang I respect her artistry. I think, she’s a brilliant artist. Hindi lang sa larangan ng pag-arte kung hindi sa napakaraming iba pang bagay.

"Oftentimes, we talked about her deep involvement sa arts. Marami rin akong natutunan sa kanya sa mga bagay na ‘yan.

"But I think, more importantly, nakita ko yung kanyang commitment sa kanyang craft.

Continue reading below ↓

"That’s why I admire very much her professionalism."

Ibinahagi pa ni Dingdong na sa script reading pa lang ay todo-bigay na si Beauty sa pagganap bilang Shiela. Siya naman ay dual role bilang twins na sina Nate at Michael.

Lahad pa ng aktor: "Sa Zoom pa lang, parang noong binabato niya ang mga dialogues niya, 'Eto na, si Sheila na ‘to, si Sheila na ‘to.' Ako, medyo binabasa-basa pa lang.

"Pero wow, dun pa lang talaga, e, very much invested na siya and much more noong nagsama na kami.

"Minsan nga, nahuhuli ko yung sarili ko na nagugulat sa mga ibinibigay niyang mga nuances na iba-iba.

"Siyempre, iba-iba yung ibibigay niya kay Nate, iba rin yung ibibigay niya kay Michael."

Malaking bagay raw na nagkasundo sila sa ginampanan nilang mga papel.

"And I guess, dun papasok talaga yung teamwork na palagi kong sinasabi. Parang sayaw rin ‘yan.

"Hindi mabubuo ang isang eksena, hindi maisasabuhay ang isang character kung walang eksena.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, sabi nga, acting si re-acting. And I’m very lucky na nagawa ko itong dalawang napakahirap na roles na ito sa harap ng isang napakagaling na actress."

RETURNING THE COMPLIMENT

Nang hingan naman namin ng reaksiyon si Beauty sa naging pahayag ni Dingdong, tila hiyang-hiyang ito.

Natupad ang wish ni Beauty pagpasok pa lang ng Kapuso Network dahil si Dingdong ang isa sa mga Kapuso actor na gusto niyang maging leading man.

"Nagulat ako dun, ah," tila nahihiyang reaksiyon ni Beauty sa narinig na impression ni Dingdong sa kanya.

Pati rin kasi ang direktor nilang si Dominic Zapata ay ganoon ang sinabi patungkol kay Beauty.

"Thank you, thank you so much for the wonderful words Mr. D and Mr. Dominic Zapata, kay Direk Dom, thank you so much.

"I’m so happy. I feel so lucky. I mean, I don’t get one Mr. Dingdong but I got two. So, I’m very happy.

Continue reading below ↓

"Double the trouble, double the fun. Double the excitement," saad ng dating Kapamilya artist.

Pinuri rin ni Beauty ang husay ni Dingdong sa pag-arte.

"And of course, I’m so lucky that I get to work with Mr. Dingdong Dantes.

"He’s very easy to work with, very professional, very maalaga, and very magaling. Intuitive siya.

"And, of course, kasama na rin ang ibang cast, sina Direk Ricky Davao."

Proud si Beauty sa bagong proyekto niyang ito sa GMA-7.

"I’m very impressed with the trailer. It’s very intelligent, very well-executed. Ang ganda-ganda talaga," saad ng aktres.

Dagdag niya, "I’m so happy because binigyan ako ng chance ng GMA na gawin ‘to. And I get to show different side of me doing different characters.

"I’m just very excited and I can’t wait for people to see this show. Kasi, kakaiba—may drama, may romantic, may action, may suspense.

"What more can you ask for?"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on Beauty Gonzalez: "Nakita ko yung kanyang commitment sa kanyang craft. That’s why I admire very much her professionalism."
PHOTO/S: @beauty_gonzalez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results